KABANATA VII

84 3 0
                                    

Odessa

Agad na tumayo si Dlare. Hindi sya maaaring magkamali, ito ang Kubo kung saan kasama nya ang Mystery club sa pagtalo sa batang multo.

Kinapa nya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa, ngunit bigo sya. Naalala nya bigla na iniwan nya pala ito sa ilalim ng kanyang unan.

Isang iyak ang narinig ni Dlare. Iyak ng isang babae.

Pinagpapawisan sya ng malamig. Hindi sya natatakot o kinakabahan. Nakakaramdam sya ng kilabot. Nagsisitaasan ang kanyang mga balahibo dahil sa iyak na kanyang naririnig.

"Ate Aryia" bigkas ng umiiyak at lalo pang lumakas ang iyak.

Lumakas ang kalabog ng Dibdib nya nang marinig ang pamilyar na pangalan.

Naglakad sya upang hanapin ang boses ng umiiyak pero hindi nya makita.

Mula sa isang Iyak ay naging Isang malakas at nakakatakot na tawa ang narinig nya.

"Mamamatay ka na" malakas na pagbabanta nito.

"Hindi mo na sya maililigtas!Hahaha"

Boses ng isang babae ang kanyang narinig. Hindi sya maaring magkamali, boses rin ito ng umiiyak kanina.

Biglang may lumitaw na babae sa kanyang harapan. Nakangiti ito.

Hindi nya makita ng maayos ang mukha ngunit alam nyang nakangiti ito.

"S-sino ka?" Tanging tanong nya.

Sa isang iglap ay nasa harapan na nya ito. Pagtataka lamang ang tanging mababasa sa mukha ni Dlare.

Tao.

Tao ang kanyang nasa harapan. Hindi isang multo.

Unti-unti nitong itinaas ang palad at idinikit sa noo nya.

Tinamaan ng kakaibang sakit ang ulo nya ng lumapat ang palad nito sa kanyang noo.

"Aaaaaaahhh" angal nya sa matinding sakit..

"Aaaaaaahhhhh!" isang malakas na sigaw ang kanyang pinakawalan.

"Dlare!"

Isang boses ng lalaki ang narinig nyanng bigla.

"Dlare bumalik ka!" Boses pa rin ng lalaki.

Napapikit sya sa sakit ng nararamdaman nya.

"Dlare!!!"

Mukha ni Jayson ang bumungad sa kanya sa kanyang pagmulat.

Nagtangka syang bumangon ngunit nanghihina ang bawat parte ng kanyang katawan.

"Wag ka muna bumangon, kababalik mo lang. Mahina ka pa" nilingon nya ang nagsalita.si Ciel iyon.

Inilibot nya ang kanyang paningin. Nakita nya rin si Jisha at Eros.
Napansin nyang wala sya sa kanyang kwarto at nasa club room sya.

Muli nyang tinangka na bumangon at nagawa naman nya. Dahan-dahan lang syang bumangon.

"Anong nangyari?Isa lang ba yung panaginip?"tanong nya sa mga kasama. "Bakit  ako sa club room.? "

Nagkatinginan ang lahat ng kasama nya.

"Hindi. Humiwalay ang kaluluwa mo sa iyong katawan" diretsong sagot ni Jisha na ikinagulat nya.

"Sabihin mo Dlare, anong nangyari sayo? San ka pumunta?" Agarang tanobg sa kanya ni Jayson.

"Sa kubo."

"Sa kubo? You mean dun sa nabubulok na kubo?" Gulat na tanong ni Eros.
Tumango lang sya.

"Anong ginagawa mo dun?" Muling tanong ni Jayson

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon