Angela & Allia
Nakaramdam ng takot si Dlare sa mga narinig nya sa kwento ni Angela.
Wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita.
"Hindi ko alam kung paano ililigtas ang kapatid ko" sabi nito at umiyak.
"Okay, Angela, Naiintindihan namin ang nararamdaman mo. Pero hindi naman masisiguro na maililigtas namin ang kapatid mo." Ani ni Jayson.
"Jayson ?!"Saway ni Jisha kay Jayson. Dahil kasi sa sinabi nito ay muling umiyak ang babae
"Look, Angela, we're just humans. HIndi namin masisigurado ang kaligtasan ng lahat." sunod pang sabi ni Jayson na hindi na napigilan pa ni JIsha
Dlare get Jayson's point. Hindi naman talaga nila hawak ang bawat pangyayari. Oo lalaban sila pero it doesn't mean na mananalo na agad sila.
Bago pa may umimik, Natuon na ang atensyon nila sa pintuan ng club room ng may biglan kumatok dito.
"Nandito na sila!"Sigaw ni Angela.
"Shh".Saway ni Eros sa kanya. Nanatili ang bayolenteng pagkatok sa pintuan ng club room
"Tulong! Tulungan nyo ako"
ang sigaw na iyon ang kanilang narinig mula sa labas.Tumingin silang lahat kay Jayson upang humingi ng signal kung bubuksan ba nila ang pintuan. Patuloy pa rin ang bayolenteng pagkatok sa pintuan.
Lahat sila ay tahimik lang na naghihintay sa signal ni Jayson.Habang si Angela naman ay nagtago na sa likuran ni Dlare dahil sa sobrang takot.
Nang tumango na si Jayson bilang senyales na buksan na nila ang pintuan. Nagbago na ang anyo ng lace ni Dlare, at naging sandata.Tinago niya ang kanyang espada sa likuran at dumistansya naman si Angela mula sa kanyang likuran.
Nang buksan nila ang pinto, lahat sila ay nagulat ng may biglang lalaking bumagsak sa kanilang harapan. Even so, he still not let his guard down.
Makalipas ang ilang segundo ay hindi pa rin ito nakakibo kaya naman nilapitan na ito ni Ciel. Niyugyog ng bahagya ngunit walng naging response.
"Nawalan siya ng malay" deklara nito. Lahat sila ay nakahinga ng maluwag kahit papaano.
Naipilit nila itong dalhin sa sofa at inihiga doon.
Maya-maya pa'y nagising na ito.
"Aryia" Ang nabanggit nito ng magmulat ang mga mata nito. na siya namang kinagulat ni Dlare.
"Sino ka? Paano mo nakilala si Aryia?" Agad niyang tanong rito
Agad siyang nilingon nito
"Pasensiya na dahil hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan ko" Agad nitong sagot. Na siyang dahilan kung bakit napakunot siya ng noo.
"Ginoo, Sa aking palagay ay kailangan mong sabihin ang iyong ngalan upang matulungan ka namin."Ani Ciel. Ngunit base sa tono ng pananalita nito ay ginagamit ni Isabel ang katawan nito.
"Ikaw siguro si ISabel"Ani ng lalaki na siyang nagpagulat sa lahat.
Nanatiling tahimik ang lahat walang nagtatangkang magsalita. Maya-maya pa'y si Ciel na ulit ang gumagamit ng kaniyang katawan.
"Kung ganoon, ay makakalayas ka na sa kwartong ito dahil ayaw mo naman sabihin kung sino ka" Mataray na tono ni JIsha.
Lahat ay nanatiling tahimik.
"Paumanhin, Ang aking pangalan ay Luis" Pagpapakilala ng lalaki,
"Anong kailangan mo sa amin?"Tanong ni Dlare rito.
Tumingin ito sa kaniya ng diretso.
"Ang Notebook. Nasa iyo ang notebook diba?" Agad nitong sabi
HIndi agad nakapagreact si Dlare sa sinabi ni Luis. Paanong nalaman ng lalaking ito ang patungkol sa notebook?
"Anong notebook?" Curious na tanong ni Eros.
"Ang notebook ni Aryia."Tugon ni Luis.
Tinignan ng maigi ni Dlare si Luis. Napakaraming tanong sa isip niya na gusto niyang itanong sa lalaki.
"Anong tungkol sa notebook?"Tanong niya rito pabalik.
"Hindi ko alam, pero may importanteng bagay na nasa notebook na iyon." sagot ni Luis.
Natahimik ang lahat dahilsa impormasyon na natanggap nila.
"So ano nga ang iyong kailangan sa amin? bakit ka pumunta dito?" tanong ni Jayson sa bisita.
Napatungo ito. at hindi agad nagsalita. Nagkatinginan naman sila ni Jayson.
"Nalaman ko kasing matutulungan niyo ako. base na rin sa mga usap-usapan na meron dito sa campus. " Panimula ng binata.
"Itong mga nakaraang araw kasi, hindi ako makatulog ng maayos. Tila laging may nakatingin sa akin kahit nasa bahay na ako. At tuwing ipipikit ko naman ang mata ko at nakatulog na, may mga napapanaginipan akong mga bagay."
"Katulad na lang mga scenario sa isang malaking mansyon. may mga tao na nakasuot ng sinaunang damit. mga lumang damit. Minsan may nakikita akong patayan sa mansyon na iyon. Hindi ko alam kung bakit ko ba napapanaginipan iyon."
Nagkatinginan silang lahat. Mabibigat na hininga ang pinakawalan ng bawat isa.
"Siguro, mas maganda kung umuwi ka muna at magpahinga. magunwind ka muna sa probinsiya mo. Kami na ang bahala sa kaso mo." ani ni Jayson.
"Hindi pwede. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa akin. Parang laging may nakasunod sa akin. at nagmamatyag. Sa tingin ko ay gusto nila akong saktan." ani pa ng binata.
~ *
"Dlare? Anong notebook ang sinasabi nung bisita kanina?"
"Bakit hindi mo sinabi sa amin?"
Sunod-sunod na tanong ni Eros sa kaniya.
"HIndi naman nakakapagtaka kung itatago niya iyon sa atin. May tiwala ba talaga kayo sa mokong na iyan?" Inis na sabi ni Jisha. "Malamang sikreto iyon. Hindi niya sinabi sa atin eh" dagdag nito.
"Jisha" saway ni Ciel "Tama na okay? Hindi ito ang tamang panahon upang magaway-away. Hindi pa nga natin alam kung sino ba talaga ang kalaban natin. Pag explainin muna natin si Dlare"
Napabuntong hininga na lang siya dahil sa nangyayari. Mukhang wala na siyang magagawa kundi ang sabihin sa kanila.
"Yung notebook, Binigay lang iyon ng matanda. Pero hindi ko pa iyon nababasa kaya hindi ko alam kung ano ang laman noon. "Paliwanag niya.
"Sinabi ko na din sa inyo iyon. Nung nasa mansyon pa tayo. Pero hindi nyo pinansin"
Mabuti na lamang ay nakumbinsi nila si Luis na ligtas ito at iimbestigahan nila ang kaso nito at umalis na. Habang si Angela naman ay Nakatulog dahil sa pag-iyak
~ *
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...