Liham
Maliwanag ang buwang ngayong sabado ng gabi. Ramdam na ni Dlare ang lamig ng simoy ng hangin sa bayang ng Paete. Hindi pa rin sila nakakapag-isip ng bagong paraan kung paano hahagilapin si Luis at si Aryia. Hawak niya ang notebook ni Aryia. Binubuklat-buklat niya ito sa ibang pahina. Ngayon lang siya may napansing kakaiba rito. May ibang mga pahinang punit lalo na sa bandang likod. Hanggang November 1780 lang ang nakasulat na entry sa huling pahina ng notebook. Wala na itong kasunod pa. Kaya He concluded na iyon na rin ang huling taon niya sa mundong ito.
Napabuntong hininga na lang siya.
"Kailan ba kita makikita ulit?" Bulong niya. Mabigat ang kaniyang pakiramdam. Lahat ng clues nila nagiging dead end. Mula kayna Allia, kay Luis, kay Odessa at dito sa notebook. Wala ng iba pang clue silang nahahanap. Parang lagi na lang silang one step behind sa lahat ng bagay. Nagkakaron na siya ng frustration dahil dito.
"Aryia? Ano pa bang gagawin ko para lang makita ka ulit?"
~~
ika-18 ng Hunyo 1780
Nasilayan ko mula sa aking bintana ang kartero na taga dala ng sulat. Sinalubong ito ni Isabel. Nasulyapan ko ang kaniyang ngiti habang iniisa-isa ang mga sulat. Marahil ang isa sa mga sulat na iyon ay ang sulat ni Mikael. Tumingin siya sa akin ang nagtagpo ang mga tingin namin. Nakita ko ang ngiti niya. Nginitian ko lamang siya pabalik. Agad na siyang pumasok sa loob ng mansyon maya-maya pa ay narito na siya sa aking harapan.
"Senyorita! May sulat para sa inyo si Ginoong Mikael!" Nahimigan ko ang kaniyang kasiyahan at tila nanabik ng mabuksan anng sulat na galing maynila. Dahil sa hindi na siya makapag-hintay ay binuksan ko na agad.
Mahal kong Binibining Aryia,
Hindi ko mabatid ang uunahin kong isulat sa liham na ito sapagkat napakarami ng nais kong ikwento sa iyo. Napakadaming bagong magandang pasyalan rito sa Maynila. Sa tuwing nakikita ko at nabibisita ang mga magagandang pasyalan na iyon ay ikaw ang aking parating naiisip. Maayos naman ang aking pag-aaral. Marami na rin akong bagong kaibigan. Ako ay nakatira rito sa aming bahay na pinatayo ni Ama sa maynila. Malawak ito at mag-isa lamang ako.
Nais kong ipaalam sa iyo na kahit isang segundo ay hindi ka nawalay sa aking isipan. Maging sa pagpasok ko sa unibersidad, ikaw pa rin ang natatanging laman ng aking isip. Hindi ko man tiyak kung ang liham na ito ay iyong tutugunin, ngunit nawa ay sumulat ka pabalik upang magkaron ako ng siglang mag-aral ng maigi dito sa maynila.
Hinhintayin ko ang iyong pag tugon.
Ang Iyong taga-hanga,
Mikael Delos Reyes
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sulat na ito. Batid ko ang lungkot ni Isabel habang binabasa ko ito. Alam naming dalawa na para sa akin ang sulat na ito.
"Isabel, ikaw na ang sumagot sa Liham na ito." Ani ko. Gulat na napatingin sa akin si Isabel.
"Ngunit Senyorita, Hindi maari iyon sapagkat sa iyo ang liham na ito. Ikaw ang marapat na tumugon rito" Ani pa niya. Umiling ako sa kaniya.
"Hindi Isabel, Ikaw na ang tumugon sa kaniyang liham. Magpakilala ka sa kaniya. Sabihin mo ang nais mong sabihin sa kaniya. Ito na ang pagkakataon upang kayo ay mapalapit sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...