KABANATA XXIX

41 3 0
                                    

ISABEL STORY PART 2

"Hindi namin lubos maisip na magagawa iyon ni Señorita Aryia. Lahat kami ay nagulat at nalungkot sa nangyari" Pagpapatuloy nito ng mahimasmasan sa pag-iyak. 

Bagamat nalulungkot siya, hindi niya maintindihan kung bakit may gumugulo sa kaniyang isip. 

"Maraming salamat sa pag kkwento sa akin ng nangyari sa kaniya." Wika niya rito. "Maari mo ba akong kwentuhan ng iyong mga karanasan bago ka pumanaw?" 

Napatingin ito sa kaniya. Agad din naman siyang umiwas ng tingin. 

"Señor, bakit ka interesado sa aking nakaraan?" tanong nito sa kaniya. 

"Uh......" Hindi alam ni Dlare ang sasabihin. 

"Uh... Kasi gusto ko rin malaman kung anong nangyari sa iyo dati. Bilang kaibigan" Ngumiti siya rito. 

Napansin niyang bigla itong nahiya. 

Nang muli siyang mapatingin sa dalaga, napansin niyang lumuluha ito. Agad siyang nakaramdam ng pagkataranta.

Shit bakit ba siya kanina pa umiiyak? like wait hindi ko naman siya sinisisi kung bakit siya umiiyak kanina. pero ano kasi wala naman siyang dapat dahilan para umiyak ngayon. 

"Gracias señor, tinuturing mo akong kaibigan"

Natulala si Dlare sa sinabi nito. Hindi niya alam na malaking Impact para dito ang magkaroon ng kaibigan. 

shame on you Dlare, hindi mo man lang naisip iyon?

Hindi mo man lang naisip na iyon ang dahilan niya kaya siya umiiyak?

HIndi mo man lang naisip na wala siyang kaibigan noon dahil isa lamang siyang alipin. 

naiinis ako, naiinis ako ngayon sa sarili ko. 

"Wag ka ng umiyak. Tahan na. Diba magkkwento ka pa?" Sabi niya sa dalaga sabay ngumiti. 

Napansin niyang na namula ang mga pisngi nito. 

Umiwas na lang siya ng tingin.

"Maraming salamat sa iyong pagmamalasakit Ginoong Dlare."  Ngumiti ito sa kaniya. Hindi niya alam kung ngingitian din ba niya ang dalaga pabalik. 

"Nagmula lamang ako sa isang pamilyang dukha. Ang aking ina, ay isang hamak na magsasaka lamang katulad ng aking ama."

Pagsisimula nito sa kwento. 

"Lima kaming magkakapatid at ako ang unang anak. Walong taong gulang ako ng makilala ko si Señorita Aryia at parehas lamang kami ng edad kaya naman ay noong panahon pa lang na iyon ay naging magkaibigan na kami." 

Tumango-tango lamang si Dlare. 

~*

"Isabel!" lumingon ako sa tumawag sa akin.

"Ikaw pala Señorita Aryia. Natutuwa akong makita ka" Tugon ko sa kaniya

"Ako rin natutuwang makita ka" Wika niya "Nabalitaan kong lilipat na kayo ng ibang lugar"  Pagpapatuloy nito. 

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. Nabalitaan niya na pala. 

"Oo. Señorita, Hindi na raw kasi maganda ang ani nila ina kaya naman naisipan nilang ibenta ito at bumili ng lupa sa kabilang bayan." Pagpapaliwanag ko sa kaniya. 

~*

"Matapos niyang malaman, Ipinasok niya ako sa kanilang mansyon bilang kaniyang katiwala sa lahat ng bagay patungkol sa kaniya, Sakin niya sinasabi lahat ng saloobin niya tungkol sa kaniyang mga magulang" Lumingon ang dalaga sa kaniya at ngumiti. 

Nanatiling tahimik ang binata at hinayaang magpatuloy si Isabel sa kaniyang mga kwento tungkol sa kaibigan nitong si Aryia. 


Nagpatuloy sila sa paglilibot sa Maynila. Sa mga museum nito at mga natitirang historical na lugar sa maynila. 

~*

Nakatungo si Dlare na naglalakad habang iniisip ang mga nalaman niya tungkol sa nakaraan ni Aryia at isabel. Bagamat marami rito ay sariling karanasan ni Isabel, ay kahit papano ay nagkaroon pa rin siya ng insight sa nakaraan ni Aryia. 

Ngunit may isa lang siyang hindi maintindihan. Hindi niya parin mabuo ang istorya. 


Nagtungo siya sa kaniyang silid sa kanilang Apartment. Agad niyang hinanap ang Notebook na binigay sa kaniya ng matanda. 


Lumang luma na ang style. kung hindi ito iingatan ay tiyak na masisira na. Kulay kayunmanggi na ang  bawat pahina. Binuksan niya ito. 

"La Llave de mi verdadero Yo"

Basa ni Dlare sa unang pahina. Muli niyang inilipat ang pahina at doon niya nakita ang unang entry sa notebook na iyon


19 de noviembre de 1779

Estoy Feliz ahora mismo. que ahora nos mudamos a nuestra nueva casa. (I am Happy Right now. that we now moved to our new house) Napakaganda ng bagong mansyon na ipinatayo ni Papa. 

Medyo hindi pa lang ako sanay sa laki ng mansyon na ito ngunit alam kong masasanay rin ako. Mientras Isabel esté aquí conmigo, sé que todo estará bien.(As long as, Isabel is here with me, I know that everything will be alright) 

~*

Hi! :) Sorry for the short update. But will update soon :) 

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon