KABANATA XXVIII

38 3 0
                                    

ISABEL STORY

 Hindi na makapagfocus si Dlare sa kanyang klase dahil sa mga nangyari. Si Angela, Si Luis at si Isabel pati na rin si Aryia. lahat ng nabanggit ay nangangailangan ng tulong nila. Hindi niya na alam ang uunahin. Ngunit malinaw na nangingibabaw sa kanya ang kagustuhang iligtas si Aryia. 

Napatingin siya sa White Board bigla siyang may naalala. Si Odessa ang Girlfriend ng kanyang kuya. Isa din iyon sa mga palaisipan sa kanya. Sino ba talag iyon? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising? Malaki sana ang magiging tulong sa kanila kung magigising na si Odessa dahil ito ang natatanging lead niya sa organisasyon ng mga kulto sa paaralan nila. 

Automatic siyang napalingon sa kanyang kanan ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya. 

Si Jayson. 

Kumunot ang noo niya  ngunit ngumiti lang ito sa kanya at nag-ukol na ng atensyon sa kanilang prof na nasa harapan. 

natapos na ni Dlare ang lahat ng kanyang klase pero wala man lang syang natutunan kahit isa. kahit pa nagquiz sila sa economics ay hindi niya alam kung tama ba ang mga sinagot niya. Basta na lang niyang sinagutan ang questionare. 


Naglalkad na siya patungo sa Club room nila ng makita niya si Luis. Ngunit hindi man lang ito tumingin sa kaniya. dire-diretso itong maglakad na tila hindi siya kilala. 


"Luis!" Tawag niya rito. Lumingon naman ito pero tinignan lang siya mula ulo hanggang paa at tumalikod na sa kanya at patuloy nang naglakad. 

hinabol niya ito at pinigilan. 

"Luis" tawag niyang muli. 


"Sino ka? bakit mo alam ang pangalan ko?" agad na sagot nito. 

Nanlaki ang mata niya sa gulat. Paanong hindi siya kilala nito? Nung nakaraang araw lamang ay mukha pa itong takot na takot na pumunta sa club room nila at nabanggit pa nito ang pangalan ni Aryia. 


"Sino ka ba?" Maangas na tanong nito. Mukhang nairita na ito sa ginawa niya. 

"Ah... ahm........ Pasensya na. akala ko kilala kita. may kamukha ka kasi. sorry." Sabi na lang niya. 

"Sa Susunod siguraduhin mo muna" sabi pa nito bago umalis.


Hndi niya maintindihan. bakit ganon ang reaksyon nito sa kanya? May nabanggit pa ito tungkol sa notebook. 

"Sht" bigkas niya at dali-daling naglakad papunta sa club room.


~* 


IKA-23 NG NOBYEMBRE TAON 1779

Napaka laki ng mansion na bago naming tirahan. todovia nuevo para mi (it still new to me) Hindi pa rin siguro ako  nasasanay. Lo bueno que Isabel esta qui (Good thing Isabel is here).

Es mi mejor amiga. Ella es nuestra esclava, pero también es mi amiga (she is my bestfriend. though she is our slave, she is my friend)  Estoy emocionado de crear más recuerdos con ella y con mi familia (I'm excited to create more memories with her and with my family) 

   -Aryia

Nakaupo ngayon si Dlare sa isang cafe. May kikitain kasi siyang Isang tao. Dalawang minuto pa lang ang nakakalipas ng dumating siya. Maaga pa naman siya ng walong minuto, Maya-maya ay natanaw na niya ang taong kanyang hinihintay. 

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon