Wala
Hindi man lang gustong kumurap ni Dlare ngayon. Dahil natatakot siyang kung kukurap siya ay muling mawawala ang babaeng natatanaw niya ngayon mula sa pintuan ng kwarto. Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas habang nakatitig pa rin siya kay Aryia. Nakatanaw pa rin ang dalaga sa malayo. Bumaba ang tingin nito at unti-unting lumingon sa kinaroroonan niya.
Nagtama ang mga mata nilang dalawa at kitang-kita niya ang pag ngiti ng ng dalaga sa kaniya. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang excitement, saya at kung anu-ano pang emosyon na hindi niya maintindihan. Unti-unti na rin siyang humakbang papasok at sinarado na ang pintuan ng kaniyang kwarto.
"Nariyan ka na pala Ginoong Dlare" Ani ng dalaga sa kaniya.
Tinignan niya ito. Ang mapuputlang labi at pisngi nito. Ang walang kabuhay-buhay na itsura nito tila nagbigay ng panibagong sigla sa kaniyang katawan.
"Paano? Paanong nagbalik ka?" Ani niya rito at hinawakan ang mga balikat nito at hinila upang yakapin. Ramdam niya ang pagkabigla nito dahil narinig niya ang pagsinghap nito.
"G-Ginoo, H-hindi ho t-tama ang I-iyong ginagawa" narinig niyang wika ng dalaga habang yakap niya ito. Agad naman siyang natauhan at agad ding binitiwan sa pagkakayakap ang dalaga.
Oo nga pala. Tradisyonal pa rin siyang babae. Kaya hindi siya pwedeng basta-basta hawakan.
"Ahm. Pasensya na ha. Ngayon na lang ulit kasi tayo nagkita. Kaya hindi ko napigilan ang aking sarili." Napakamot siya sa kaniyang ulo. Napatingin siya rito. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso ng makita itong nagb-blush. Lihim siyang napangiti. Tumikhim siya upang mapatingin sa kaniya ang dalaga at nagtagumpay naman siya.
"A-ayos lang Ginoo. Ako'y nagulat lamang sa iyong ginawa kaya naman hindi ko alam ang aking magiging reaksyon" Ani nito at hindi makatingin sa kaniya ng diretso.
Tumikhim ito at muling lumapit sa bintana. Tinanaw nito ang padilim na kalangitan. Nakalubog na ang haring araw at kumakagat na ang dilim.
"Malapit na naman sumapit ang kadiliman. Katulad ng araw-araw na nangyayari sa tanwin rito sa mansyon" Wika nito. Nakatitig lamang siya rito. Natatakot pa rin siya na baka bigla na lang maglaho ito katulad ng nangyari rito dati.
"Ang pagsapit ng gabi ang aking inaabangan dahil maya-maya pa'y lalabas na ang mga bituin sa langit." patuloy pa rin nito sa pagsasalita.
"Ah. Natutuwa ako na nagbalik ka na. Ngunit nagtataka pa rin ako kung paano?" Tanong niya rito. Agad na napalingon ito sa kaniya at napakunot ang noo.
"Ano ang inyong winiwika Ginoo? Narito lamang ako sa mansyon sa tagal ko ng pagiging multo. Hindi ko maintindihan ang inyong ibinabatid sa akin." Ani nito ng punong-puno ng pagtataka sa tono ng pananalita nito.
Doon na sobrang nagtaka si Dlare. Siya naman ang lubos na kumunot ang noo.
"Anong ibig mong sabihin? Nawala ka sa buong mansyon na ito sa halos limang buwan. Limang buwan na kitang hinahanap" Ani niya rito.
"Patawad Ginoo, Ngunit hindi ko alam ang inyong sinasabi. Wala akong naalalang ako'y nawala. Araw-araw lamang akong narito sa mansyon. Ni hindi nga ako makalayo sa mansyon na ito. Kaya patawad ngunit batid kong nagkakamali lamang kayo ng hinala." matigas na sabi nito. Tila paniwalang-paniwala ito na nanatili lamang ito sa mansyon.
Something is wrong here.
"Ah ganun ba? Pasensya na kung nagkamali ako. Marami lang siguro akong nabasang libro kaya akala ko totoo iyon. Pasensya na" Wika niya rito.

BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...