Discover
Alas-Singko na ng hapon ng makarating ang ibang members ng mystery club sa bayan ng Paete. Naisip nila na ngayon na mismo papuntahin ang mga kasama dahil hassle kung magbabalikan lang ito bukas. Nang makarating ang mga ito sa mansyon ay agad na binigyan ng mga ito ng kaniya-kaniyang kwarto at pinagpahinga. Ayos lang naman sa mga magulang niya dahil maraming kuwarto ang mansyon. Alas-siyete na ng gabi ng mag-usap usap sila sa kwarto ni Jayson upang pag-usapan ang mga nangyari sa araw na ito.
"This is so damn messed up."Sabi ni Jisha. "At Jayson, bakit mo ngayon lang nireveal ang pagiging descendant mo ng pamilya ni Aryia? And now Aryia is gone once again. Anong gagawin natin ngayon?" Patuloy nito.
"Calm Down Jish. Wala naman utang sa atin si Jayson kung hindi man niya ito sabihin. Si Aryia lang naman talaga ang may dapat makaalam na ninuno siya ni Jayson. I think what matters now, is we should know how to bring Aryia's memories back to her. Madadalian tayong malaman ang lahat kung maibabalik natin kay Aryia ang kaniyang Ala-ala." Sabi ni Ciel.
Wala naman sinabing mali si JIsha pero wala din naman sinabing mali si Ciel. Mas maganda nga na alamin nila ang dapat gawin upang mabalik kay Aryia ang ala-ala nito.
"Diba sabi niyo sa painting sa simbahan iyon? Bakit hindi natin puntahan?"Suggestion naman ni Eros.
Nagkatinginan silang lahat at nagkasundo na sundin nga ang suggestion ni Eros. Mabuti na lang hindi pa nagsasara ang simbahan. May mga iilang church workers pa rin ang ang nandito. May ipa pa ring mga nagdadasal. Diretsong tumungo sila sa tapat ng napakalaking painting na naglalaman ng mga ala-ala ni Aryia.
"Sobrang dami niya sigurong ala-ala dahil ang laki ng painting na iyan."Sabi ni Eros. Siniko naman siya agad ni Jisha. Hindi na niya pa pinansin ang sinabi ni Eros.
"Nandito na pala kayo." Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Isang matandang lalaki ang kanilang nakita. Nakilala ni Dlare ito. Ito ang matandang nakausap niya sa simbahan ng bigla na lang nakita niya ang nakaraan ni Aryia dati
"Nandiyan pala kayo Dada" Napalingon silang lahat sa nagsalitang si Jayson. Lahat sila ay nagtataka sa sinabi nito. Ngunit mas gulat si Dlare ng marinig ang sinabi ni Jayson.
"Lolo mo siya?" Gulat na tanong niya kay Jayson.
"Ah Lolo pala ibig sabihin ng Dada."sabi ni Eros ngunit walang pumansin rito.
"Oo. Bakit kilala mo siya?"Tanong ni Jayson pabalik sa kaniya.
"Oo--"
"Ah, Ikaw pala iyan binata." Ani ng matanda.
"Dada magkakilala kayo?"Tanong ni Jayson sa kaniyang Lolo.
"Ah nagkita na kami isang beses dito sa simbahan. At nakakamangha ang binatang iyan. Siya lang ang nakita kong taong may kakayahan na makakita ng nakaraan. Napaka gandang kakayahan" Ani ng matanda.
Lahat sila ay napatahimik sa sinabi ng matanda. Maging siya ay hindi niya alam iyon na kakayahan pala iyong nangyayari sa kaniyan na nakikita niya ang nakaraan ni Aryia.
"Kung hinahanap niyo ang ala-ala ng Dalagang Kerr, wala na ang ala-ala niya diyan. Matagal na itong nakuha ng masamang esporitu" Ani ng matanda. Halos matulala silang lahat sa pagkabigla sa sinabi ng lolo ni Dlare.
"Paano pong nawala na ito? Noong nakaraan lang na nagpunta dito si Aryia ay may mga nakita siyang pangyayari mula sa kaniyang ala-ala" Sabi niya. Ngunit umiling lang ang matanda at huminga ng malalim.
"Mga hibla na lamang iyon ng kaniyang ala-ala. Nakuha na ni aryia ang mga iyon kaya naman wala na kayong mapapala sa painting na iyan" Sabi pa ng matanda. "Mag-iingat kayo sa iyong marapat na gawin dahil malakas at masyado ng makapangyarihan ang espiritu na makakalaban niyo"Patuloy nito.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
De TodoDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...