Pagpapakilala
"What? Dlare what are you thinking?" Hindi makapaniwalang sambit sa kanya ni Jayson.
"Ano? Naisip ko lang naman na matutulungan natin sya kung maipapkilala ko kayo."
"No. Hindi pwede. What if kung tayong dalawa lang ang nakakakita sa kanya?"
"Jayson. Nandito si Odessa, mas mahirap naman kung mas mauuna pa syang makikita ni Odessa kesa sa inyo."
"Okay. I understand. Pero paano kung magfreak out sya?"
"Akong bahala sa kanya." Paninigurado nya kay Jayson.
**********
AryiaBumukas ang pintuan ng kwarto. Hindi ko na kailangan pang lumingon kung sino iyon dahil malamang ay si Ginoong Dlare lamang iyon.
"Nais ka din nilang makilala" wika nya.
Kinakabahan pa rin ako. Hindi ko nasisiguro kung makikita nila ako.
"Ngunit. Hindi ko nasisiguro kung makikita nila ako" tugon ko sa kanya
Ito ang unang beses na magpapakita ako sa ibang tao maliban sa kanya. Hindi ko alam ngunit kinakabahan ako.
Naramdaman ko ang mainit nyang palad sa palad ko. Nagulat ako kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Nandito lang ako. Kasama mo ako" ngumiti sya sa akin.
Napangiti rin ako sa kanya kasabay ng pagsikip muli ng dibdib ko.
"Tara na?"
"Sige"
Naglakad na kami palabas ng pintuan. Hindi nya pa rin binibitiwan ang kamay ko.
Patawad Ina kung susuwayin kita. Alam kung hindi maari na hawakan ng kahit sinong Ginoo ang aking palad ngunit natatakot ako ngayon at kailangan ko ng isang taong magpapalakas ng loob ko.
Naglakad kami sa pasilyo ng ikalawang palapag. Sa ikatlong pintuan matapos ang pintuan ng kwarto na pinaggalingan namin kami tumigil.
Naramdaman kong binitiwan nya na ang kamay ko. Kaya naman napalingon ako sa kanya
"Paumanhin. Alam kong hindi ko dapat hinawakan ang iyong kamay. Its just. Uhm ano baka kasi kailangan mo lang. Ano ng tulong ganun" sabi nya at nag iwas ng tingin.
Napangiti ako sa sinabi nya.
"Gracias Señor" iyon lamang ang sinabi ko sa kanya. Napatingin sya sakin at tipid na ngumiti.
Bumukas na ang pintuan.
Apat na tao ang nasa loob. Parang gusto kong umatras. Dahil sa takot.
"Wag ka matakot kaibigan ko sila" bulong ng taong nasa aking likuran.
Napalunok na lang ako at humakbang na papasok.
"Ah. Uhm Guys this is Aryia." Wika ni Dlare.
Hindi ko man naintindihan ang kanyang sinambit nya ngunit mukhang ipinakilala nya ako.
"Hi. Nice to meet you." Sambit ng babaeng nakasalamin na may katangkaran at may mataray na mukha.
Hindi ko na mapigilan na mapakunot ang noo. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Waaah Hindi ko sila maunawaan.
"Lo siento binibini ngunit hindi ko maintindihan ang iyong winika. Sa pagkakataon naman na iyon ay sya ang napakunot ang noo.
Ahhhhh! Marahil hindi kami magkakaintindihan. Humakbang na ko paatras. Nais ko nang maglaho upang makatakas na ako dito.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
AcakDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...