KABANATA XVII

58 3 0
                                    

Hiking

Bumalik na muli sila sa mansyon.

Agad silang sinalubong nga mama nya.

"Oh my gosh. Buti nakabalik ka na." Wika nito sabay sa pag yakap nito kay Ciel. Maging si Ciel ay halatang nagulat sa inasta ng mama nya dahil nanlaki ang mata nito.

"Akala ko ay napano ka na." Sabi ng Mama nya ng kumalas ito sa pagkakayakap kay Ciel.

"Ah. Namasyal lang po ako. Sorry po hindi ako nagpaalam"paliwanag naman ni Ciel na halatang nag aalangang ngumiti.

"Pumasok na kayo at mag almusal." Nakangiti nitong anyaya sa kanila papasok. Kaya sumunod na rin sila.

Matapos ang agahan ay nagsiakyatan na silang lahat sa kanikanilang kwarto dahil napagdesisyonan nilang pumunta sa falls at tatlong krus.

Pumasok na sya sa kwarto nya at balak na nyang maligo. Pero may nakalimutan sya....

Nakalimutan nya na may kasama pala sya sa kwartong iyon na kasalukuyang nakatanaw ito sa bintana at agad na lumingon sa kanya pagpasok nya.

"Nakabalik ka na pala Ginoo" tipid na ngumiti ito. Napangiti rin sya rito

"Himala, hindi yata Señor ang tawag mo sakin ngayon" pangaasar nya rito. Nagblush naman ito na lalo nyang ikinatawa.

Aryia. What are you doing to me?sabi nya sa sarili. Hindi na rin kasi nya maintindihan ang nararamdaman nya. Basta na lang bumibilis yung tibok ng kanyang puso.

"Patawad. Ngunit nais mo ba na señor ang itawag ko sayo?" Hindi ito tumingin sa kanya habang nagsasalita. Bagkus ay nakayuko lamang ito.

"Ah. Hindi. Mas ayos nga sa akin na Dlare na lang ang itawag mo sa akin binibini" nang mapatingin ito sa kanya ay kinindatan naman nya ito dahilan para mapasinghap ito at lalong namula. Lalo nyang pinigilan ang kanyang tawa. Napahawak rin sya sa dibdib nya at sa tyan.

Ugh. Tingin ko talaga may bulate ako sa tyan eh. Tapos itong dibdib ko naman kinakabahan na ewan.

"Saan ka galing D-Dlare.?"

Napansin nya ang pagkautal nito pero hindi na lang nya pinuna. Natutuwa sya na ganoon ang epekto nya sa multong kasama nya.

"Ah sa simbahan. Tiningnan lang ang isang painting doon"

"Ganoon ba? Mabuti naman. Mukhang naging masaya ang inyong pamamasyal" ngumiti ito sa kanya. Pero nahalata nya pa rin ang kalungkutan nito.

Magsasalita na sana sya ng makarinig sila ng katok sa pintuan.

*************

Aryia

Nabigla ako nang may kumatok. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Tila naestatwa ako ng biglang bumukas ang pinto. Isang lalaking matangkad at kayumanggi ang kulay.

"Dlare." Tawag nito kay Dlare.

Pumikit ako at sinubukan na maglaho. Ngunit pagdilat ko ay nandoon pa rin ako sa kwarto.

Nais kong kumalma ngunit hindi ko magawa. Gusto ko sabihin sa utak ko na isa akong multo na tanging si Dlare lang ang nakakakita sakin.

Lumibot ang buong tingin ng bagong pasok na lalaki sa buong kwarto. Pero mukhang di nya ako nakikita dahil normal lang ang pag libot ng kanyang mga mata.

Nakahinga ako ng maluwag dahil don.

"Jayson bakit?" Tanong ni Dlare rito. Ang ibigsabihin ay Jayson ang pangalan ng Ginoong ito.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon