KABANATA VI

89 3 0
                                    

ANG KUBO

Hindi pa man nakakapasok si Dlare sa loob ng kubo ay parang masusuka na sya.

Isang nakakasulasok na amoy ang umaalingasaw mula sa loob ng kubo. 

Nilingon nya ang kasama, wala itong reaksyon sa mabahong amoy.

Nang makapasok na sila ay agad na nakita nya ang iba pa. Tumigil na sila sa paglalakad ni Ciel.

Agad na nakuha ng atensyon nya ang isang bagay na tinititigan lamang ng kanyang mga kasama.

Isang bata.

Kumunot ang noo nya sa pagtataka.

Lumipat ang tingin nya sa mga kasama.

Tahimik ang lahat na nakatingin sa bata. Pero kapansin pansing handa ang mga ito kung sakaling may aataking multo.

Pero hindi nya maintindihan kung anong meron sa batang iyon.

Lumipat muli ang kanyang mga mata sa bata.

Nakatingin ito sa kanya.

Nagtaasan ang mga balahibo nya.

Unti-unti itong ngumiti. Isang ngiting nakakakilabot habang hindi inaalis ang titig sa kanya.

Lumipat ang tingin nya sa kanyang mga kasama.

Palipat lipat ang mga tingin nito sa kanya at sa bata.

"Don't let your guard down!" Isang pasigaw na utos ni Jayson.

Isang Baril ang hawak ni Eros. Pero sa tingin nya ay hindi ito isang baril na katulad ng sa mga pulis. Bagamat parehas ang itsura, ay may kutob syang iba ito sa mga karaniwang baril.

Isang arm blade ang nasa magkabilang gilid ng braso ni Jisha.

Isang latigo ang  hawak ni Jayson.

At Isang librong may kakaibang liwanag ang hawak ni Cielo.

Bumalik ang tingin nya sa bata. Nanlaki ang mata nya nang mas malapit na ito sa kanya.

"DLARE!"

Isang sigaw ang kanyang narinig. At sa isang kurap ay wala na sa harapan nya ang bata.

Nakita nyang pinagtulungan na ito ng mga kasama.

Naisip nyang sumugod pero bago nya pa magawa iyon ay naramdaman nya ang paghila ni Ciel sa kanyang damit.

"Pabayaan mo muna sila. Kung hindi malakas ang nilalang na iyan marahil ay kaya na nila iyan." Narinig nyang sabi nito.

Hindi na sya nagsalita pa.

Nakita nyang isang maliit na bolang kumikinang ang lumalabas sa baril na hawak ni Eros, hindi nito natamaan ang multo. Pero agad namang sumugod si Jisha at nasugatan nito ang multo.

Muling bumaril si Eros at natamaan na nito ang multo. Ang isang maliit na bola ay agad na lumaki at naging isang kulungan na humapit sa katawan ng multo. dahilan upang hindi makakilos ito at matumba.

Agad na nawalan ng depensa ang multo sa pagkakatumba nito.

Nagbago ito ng anyo. Mula sa isang batang lalaki naging isa itong dalaga na napaka ganda.

Umiyak ito at humingi ng tulong.

"Hindi gagana sa amin yan. Doppleganger." Iyon lang at hinanmpas na ni Jayson ng knyng gawak na latigo ang multo at bigla na itong naglaho.

Sabay-sabay na nakahinga silang lahat ng maluwag.
Napatingin ang lahat ng kasama nya sa kanya.

"Bakit?" May halong pagtataka sa tono nyang iyon.

"Seems like all of them Recognizes you." Wika ni Jisha.

Magsasalita na sana sya para magtanong ng magsalita si Jayson.

"Enough of that, Lets  go back to the Club"



Hindi pa rin naalis sa isip ni Dlare ang sinabi ni Jisha ng makabalik sila sa Club room.

"I know marami kang tanong Dlare. Pero hayaan mo munang makapagpahinga kaming lahat."Wika ni Jayson. Hindi na sya nagtaka na nababasa nito ang isip nya dahil marahil may alam ito na hindi nya alam.

"Well, its just Im confused." Tugon nya

"Everyone is"narinig nyang sinabi ni Eros.

Napabuntong hininga sya.

"Okay. I just want to ask. Kung saan galing ang mga armas nyo. Pinapayagan ba kayo na magdala ng ganun kadelikadong armas sa loob ng campus?"

Natigilan silamg lahat.

" Oh gosh." Narinig nyang sabi ni Jisha.

"Ah, right. Eros made that for us, with the help of Cielo." Sagot ni Jayson sa kanyang tanong

"Ako amg gumawa ng mga gamit. Pero so Ciel ang naglagay ng Spell. Kaya nagiging armas ito pagdating sa mga multo."

Paliwanag ni Eros.

"Pero paano nyo naman naitatago ito dito sa school.? "

"Those weapons had a disguise" sabad ni Ciel.

"Ang kay Eros ay isang Key chain,"
Itinaas naman ni Eros ang Keychain na baril. Gulat na gulat man sya ay hindi nya iyon ipinahalata.

"Ang kay Jisha ay isang Bracelet. At ang kay Jayson ay isang kwintas"

Hindi na nag abala pa na ipakita ng dalawa ang accessories dahil napansin na rin naman nya itong suot ng dalawa.

"Eros, Ibigay mo na ang kay Dlare"
Napakunot ang noo nya. Hindi nya inexpect na maging sya ay gagawan ng mga ito.

"You're a part of this team now. Kaya kailangan ay meron ka ring weapon na para sayo" deklara ni Jayson.

Nakita nya sa gilid ng kanyang mata ang pag-irap ni Jisha.

Isang ID Lace ang ibinigay sa kanya ni Eros. Brown na Lace at may lawin na design.

"You can only activate the power of it if you're in danger. Hindi mo mailalabas ang tunay na anyo niyan pag nasa ordinaryong sitwasyon ka lang." Paliwanag ni Ciel.
Napatango na lang sya.

Pinalitan na ni Dlare ang kanyang lumang ID lace at ipinalit ang lace na ibinigay ni Eros sa kanya.

~

Isang kakaibang pakiramdam ang naging dahilan kung bakit nagising si Dlare.

Wala syang makita. Napakadilim. Natatandaan nyang hindi naman nya pinatay ang ilaw sa kanilang kwarto.

Iginalawa nya ang kanyang kamay upang kapain ang cellphone nya.

Napatigil sya sa isang realisasyon. Lupa ang kanyang nakakapa. At hindi isang kutson ng kama. Agad syang napatayo.
Hinawakan nya ang lace na nasa kanyang bulsa. Hindi nya ito hinihiwalay sa kanyang katawan in case na may urgent na mangyari.

Pagkuha nya sa kanyang bulsa ay kusang nagliwanag ang imahe ng lawin. Sapat na upang magkaroon ng kaunting liwanag sa kanyang paligid.

Kumabog ang dibdib nya nang malaman kung nasaan sya.

Nasa Kubo sya kung saan nila kinalaban ang Isang batang Multo.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon