KABANATA XLIV

37 4 0
                                    

Normal?

Saktong isang linggo na mula ng mamasyal sila ni Aryia. Natapos ito sa pag-uwi nila matapos nilang magpunta sa simbahan. Wala pa ring tigil ang pagdaloy ng luha sa mga mata ng dalaga ng araw na iyon. She didn't talk to him for the rest of the time that day. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng dalaga. Hinayaan niya lang ito. Naglaho na lamang ito ng kusa nang dumating ang gabi. Pagtapos ng araw na iyon ay hindi na muli sila nakapag-usap ng dalaga tungkol sa pangyayaring iyon kaya naman nagfocus na lang din siya sa kaniyang pagrereview. Ayaw niya rin kasing bumagsak.

Hindi pa rin sila nagkakausap nila Jayson and the rest of the club members dahil busy rin ito sa pagrereview. Mabuti na rin siguro iyon para hindi sila magkaroon ng distraction.

Monday, ito na ang simula ng exam week. Tinatawag din nila itong Hell week. Unang araw, dalawa agad ang tinake nilang exam. Sa Filipino 103 at English 103. Yes. Minor subject lang ito kung tutuusin ngunit mukhang mas mahirap pa magpa-exam ang mga ito kaysa sa mga major subjects nila. Inabot din siya ng halos 45 mins sa pagsasagot sa mga exam na iyon. Agad na niyang pinasa ito at lumabas na ng classroom. Napadaan siya sa school gym may mga nagsasayaw roon. Nang mapatigil siya ng makilala niya ang isang mukha. Hindi siya nagkakamali. Si Luis nga iyon.

Unti-unti siyang lumapit sa mga nagsasayaw. "Physical Education" iyon ang nabasa niya sa T-shirt ng mga ito. Napatigil siya sa sapat na distansiya upang makita ng mas maayos ang mukha ng lalaki upang makumpirma kung si Luis nga iyon.Huminga siya ng malalim. This time hindi na siya nagkakamali. Ito na yung lalaking matagal na nilang hinahanap.

Nabigla siya ng may tumapik ng kaniyang balikat.

"Anong tinitignan mo dyan sa mga nagsasayaw" Napalingon agad siya dito. Si Tarel pala. Nakatingin na rin ito sa kaniya. "Ang aga mo natapos sa exam ah" Ani pa nito.

"Ah wala. Wala naman akong tinitignan. Na.....nalibang lang ako sa kanila manuod." Sagot niya rito.

"Ah. Tara kain tayo nagugutom na ko"anyaya nito sa kaniya. Huminga muna siya ng malalim at isang beses pa na tumingin sa binatang matagal-tagal din nilang hinanap.

"sige tara. Bago mag umpisa ang Marketing 101 class natin" sabi niya rito. At nagpunta na sila sa cafeteria.

~~

Nakaupo si Dlare sa sofa sa loob ng clubroom. Siya pa lang ang tao rito. Mamaya pa yata ang tapos ng klase ng iba pa niyang kasama. Nagdecide siyang magreview sa HR mgt at Marketing Mgt na subject bukas na kasi ang exam nila doon. Ito na ang last exam nila. Kahapon nila tinake ang Economics 101. Napatingin siya sa kalendaryo. Friday na pala bukas. Noong Monday niya pa nakita si Luis pero hindi pa rin niya ito nasabi sa mga kasama niya sa club. Hanggang ngayon kasi hindi pa sila nagkikita-kita. Pwera lang kay Jayson dahil kaklase niya ito sa Economics. Pero hindi rin naman sila nakapag-usap dahil mas nauna itong natapos sa kaniya mag exam.

Hindi niya sigurado kung didiretso ba ang mga mga co members niya dito sa clubroom pagtapos ng exam. Pero sana. Panalangin niya. Kailangan niya kasi talagang makausap ang mga ito. Napatingin siya sa pintuan ng marinig niya ang pagbukas nito. Pumasok si Jisha kasunod si Ciel. Napatigil ng bahagya ang dalawa ng makita siya.

"Nandito ka pala." Ani ni Ciel sa kaniya.

"Yeah. I never thought...... uh... you're here" sabi naman ni Jisha. Ngumiti lang siya ng tipid sa dalawa bago magsalita.

"Ah. Wala kasi akong matambayan after class kaya naisip kong pumunta dito." sagot niya. Habang nakahanap na ang mga ito ng pwesto. Nagbuklat na si Ciel ng spell book. Napansin niya na ito ang spell book na nakita niya sa library ng mansyon sa basement.

"Yeah. Ito yung spell book na binigay mo" Sagot nito sa tanong niyang hindi niya pa naisasatinig.

"Ano bang meron diyan?" Tanong niya.

"Spells duh." Si Jisha na ang sumagot with matching roll eyes pa. Hindi na lang niya ito pinansin.

"I mean anong pinagkaiba niyan sa spell book na hawak mo madalas?" Follow up question.

"Walang spell book na pare-parehas Dlare. Ang maganda sa spell book na ito ay nandito lahat ng forbidden magic spells at mga ancient magic spells" Sagot nito sa kaniya. Magsasalita pa sana siya ng biglang magsalita si Jisha.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Hanggang bukas pa ang exam niyo diba?"Ani nito na tila naiirita sa presensiya niya.

"May sasabihin kasi ako sainyo. Kaso lang wala pa sina Jayson at Eros." Ani niya.

"nandito na kami" Deklara ni Jayson. Napatingin silang tatlo kina Jayson at Eros. Dapat pala kanina ko pa siya hinanap para sumulpot na siya. Ani niya sa sarili.

"May mga mahahalaga kasi akong sasabihin." Ani niya. Nakahanap na rin gn upuan ang dalawa kaya naman nagsimula na siyang magkuwento. Mula sa pagbabalik ni Aryia. Sa reaksyon nito sa painting at sa pagkakita niya kay Luis.

"Seryoso? Napaka unexpected naman ng pagbabalik ni Aryia" Ani ni Eros.

"I agree at isa pa wala rin siyang naalala which is sobrang fishy." Ani ni Jisha.

"Pero matutuwa si Isabel dahil magkikita na ulit sila ni Aryia" Ani naman ni Ciel.

"May point ka dyan. Kamusta naman si Isabel sa katawan mo?" Tanong ni Jisha kay Ciel

"Nag-usap kami na hindi muna siya lalabas this week para makapag exam ako. Kung siya man magtetake over sa katawan ko saglit lang mga isang oras ganon." Sagot naman ni Ciel.

"Saka hindi mo ba tinry ipabasa sa kaniya ang diary niya Dlare?" Tanong ni Eros sa kaniya. Napatigil siya saglit dahil narealize niyang hindi pa niya naipapakita sa dalaga ang diary at ang hairclip hindi niya pa rin nasusunog.

"Hindi pa. Nakalimutan ko ring banggitin sa kaniya. Saka naiwan ko rin sa Dorm hindi ko nadala sa Paete." Aniya sa mga ito.

"Siguro ipabasa mo na lang muna sa kaniya yung diary niya baka may maalala siya." Ani ni Jayson sa kaniya. Tumango-tango lang siya rito.

"And Luis, Kailangan natin siyang makausap" Ani ulit ni Jayson "Pagtapos na lang ng midterms para hindi na tayo nakakasagabal sa kaniya"dugtong pa nito.

"Meron pa kong napansin Jayson." Ani ni Eros. Naituon ng lahat sa kaniya ang atensyon. "Masyadong tahimik ang mga kulto dito sa school. Tila wala silang ginagawa sa mga nakaraang buwan na busy tayo. Nakakapagtaka na" Puna nito.

Nagkatinginan silang lahat sa sinabi ni Eros. Tama nga ito. Walang hakbang ang Kulto na meron sa school nila. Sa tingin ni Dlare ay hindi iyon normal.

~~

A/N: This chapter is dedicated to my bestfriend haha. Hi Jedd. Tuwa ka naman masyado dahil sayo galing ang apilyedo ni Dlare hahahaha. Joke. Anyway guys salamat sa pagbabasa. Nakakataba ng puso yung pagsuporta niyo haha :) 

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon