Aryia
Nakaramdam ako ng pagkirot sa buong katawan ko sa aking pagdilat.
nasaan ako?
Lumingon ako sa paligid. Wala akong makita na kahit isang liwanag. Puro dilim lang.
Ninanais kong sumigaw pero tila isa akong pipi ngayon.
Ngunit patay na ako at paanong mangyayari na hindi ako makakilos?
Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit tila hindi nasasanay ang aking mga mata sa dilim, dahil wala pa rin akong makita. Paanong nangyayari ito?
Yumuko ako upang sulyapan ko ang aking sarili ngunit dahil sa kadiliman na bumabalot sa lugar na ito ay ni hindi ko makita ang aking sariling katawan.
"Wag ka nang magtaka dahil wala ka talagang makikita kahitnna dumilat ka pa"
Isang boses ng isang Babae ang akingb narinig.
"May tao ba riyan? Maari mo ba akong tulungan?" Nakakaramdam ako ng pag-asa.
Nawa ay tulungan ako ng binibining aking narinig. At nawa'y tugunin nya ang aking kahilingan.
"Por Favor Señorita tulungan mo ako" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Napakainosente mong binibini binibini. Sayang nga lang at hindi kita pwedeng tulungan. Hahaha" wika nito kasunod ng pagtawa niyang nakakakilabot. Tila may umusbong na kaba sa aking dibdib.
"Tulungan nyo ko!!!!" Paghiyaw ko habang umaasang makakatanggap ng tulong.
Lalo pang lumakas ang nakakapanghilakbot nyang tawa.
"Nakakalimutan mo na yata. Isa ka nang multo at kahit nasa matao ka pang lugar ay walang makakarinig sa iyo." Pagtapos ng kanyang winika ay naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha.
Tila wala nang pag-asa sa mistulang kapighatian na ito. Noon pa man noong ako'y nabubuhay ay puro pighati ang aking nararanasan.
Napasinghap ako ng malakas. Paano kong nalaman na puno ng pighati ang aking buhay noong ako ay nabubuhay pa. Maari kayang nakakaalala na ako?
Ngunit hindi ko alam kung dapat ba akong maruwa sa ganitong sitwasyon ko. Na mismong nasa paligid ko ay hindi ko makita.
"Pakiusap. Ano ba ang kailangan no sa akin. Hindi ko mawari ang itong dahilan upang ako'y pahirapan ng ganito."
"HAHAHAHAHAHA" iyan na naman ang kanyang tawa na nakakapangilabot.
"Napaka Ignorante mo. Nagtataka na nga ako. Sa tagal mong nagmumulto sa mundong ito ay paanong hindi mo pa naaalala ang nakaraan mo."
Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Hindi ko rin alam kung bakit nga ba ganoon ang nangyayari sa akin at hindi ko maalala ang aking nakaraan.
Naalala kong binanggit ko si Isabel. Ngunit sino ba si Isabel?
Gulong-gulo na ang aking pag-iisip.
Nakaramdam ako ng sakit sa bandang ulo. Marahil mayhumila ng aking buhok.
"Istupida! Napakamang-mang mo at wala kang kwenta. Hindi ka tuloy namin mapakinabangan"
"Aaaah! Pakiusap itigil mo na sapagkat nasasaktan ako"
"Ooh. Kawawa naman. Oo nga pala. Naalala kong isa kang dalagang sinauna kaya hindi ka naturuang lumaban. Isa kang halimbawa ni Maria Clara"
Lalo nya pang hinigit ang aking buhok dahilan upang mapaangal ako sa sakit. Nararamdaman ko na ang luha ko sa aking pisngi. Kailan ba matatapos ang kamiserablihan na ito?
Dlare......
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
AcakDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...