Dead end
Linggo na ng umaga ng pumunta ang buong mystery club sa hospital na kinaroroonan ni Odessa. Nailipat na sa normal room ang babae. Naabutan lang nila ang kuya niya na nagbabantay sa girlfriend nito. Inabutan din nilang sinusubuan ng kuya niya si Odessa ng pagkain.
"nandiyan na pala kayo. Nasabi na sakin ni Mama na bibisita kayo" Bati sa kanila ng Kuya ni Dlare nang makita sila.
"Good morning po" Isa isa nilang bati sa mga ito.
"Ah kuya sabi ni Mama palitan ka muna namin dito for the mean time. Kumain ka muna at maligo sa bahay. Parating na rin sila Mama at Daren." Ani niya sa kuya niya.
"Ganon ba? Sige kayo na bahala sa kaniya." Ani nito. Lumapit pa ito sa girlfirend niya para magpaalam at sinabi rin na babalik agad.
Katahimikan ang bumalot saa loob ng apat na sulok ng hospital room ng lumabas ang kuya niya.Maya-maya pa'y isang malalim na buntong hininga ang kaniyang pinakawalan bago siya nagdesisyon na magsalita.
"Okay na ba pakiramdam mo? Ang tagal mo ding walang malay" Tanong niya.
"A-ayos naman. Kailangan ko na lang magtagal ng kaunti dito para maobserbahan nila ako" Sagot naman ng dalaga.
"Look. Uhm. I know na hindi naman talaga tayo in good terms. Pero may gusto lang sana akong itanong sa iyo" sabi niya. "Curious lang ako kung bakit mo pinagtangkaan ang buhay ko sa kubo? Bakit mo iyon ginawa? Anong kinalaman mo sa pagkawala ni Aryia? Alam mo ba kung saan siya mahahanap?" Hindi na niya napigilan ang sunod sunod na tanong."H-hindi ko maintindihan ang iyong sinabi? Ang una nating pagkikita ay noong ipakilala ka sa akin ng kuya mo bilang kapatid niya. Kaya hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi mo" Sagot sa kaniya ng dalaga.
Halos agad siyang napatingin dito. Sa palagay niya rin ay nagkatinginan ang mga kasamahan niya sa isa't isa sa sinagot ni Odessa. Unti-unti siyang nakaramdamam ng inis. Shit! He's so damn frustrated now. Lahat ng frustration niya gusto ng sumabog.
"Seryoso ka? I mean gusto ko lang naman malaman kung bakit mo ba ko pinagtangkaan patayin ng araw na iyon?" Ani pa niya. Pinipilit na lang niyang maging mahinahon. Ito na lang ang natitirang lead nila sa ngayon sa kaso ni Aryia "All of them" tinuro niya ang mga kasamahan niya sa club. "Sila mismo pumigil sa iyo para tuluyan mo kong mapatay. So you can stop denying it. Please" Ani niya pa. He's doing his best para kumalma.
"P-Pero hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. Una kitang nakita ng ipakilala ka sa akin ng kuya mo. Kaya hindi ko maintindihan ang mga binibintang mo sa akin." Sabi naman ni Odessa.
"Shit. Just don't deny it! Okay?! Ikaw na lang yung lead namin! Shit! Fvck! Arrrrrghhh!" Galit niyang nabulalas. Halos lahat ng nasa loob ng kwartong iyon ay nabigla sa inasta niya.
"Dlare! Calm down. Hindi makakatulong ang paglalabas ng frustration sa oras na ito" Saway ni Jayson sa kaniya.
"Tang ina talaga" sabi niya pa at dire-diretso lumabas ng kwarto. Hindi niya maintindihan kung bakit naghintay pa sila ng ganito katagal para tanungin lang ang babaeng iyon. At ngayon naman ay idedeny nito ang mga ginawa nito.
Dumiretso siyang maglakad sa fire exit. Umupo lang siya sa hagdanan. Ipinatong niya ang mga braso sa hita at itinungo ang kaniyang ulo sa mga ito. Guto niyang kalmahin ang sarili niya. Pero lalo lang siyang naiinis tuwing naaalala niya ang pangako niya kay Aryiana hahanapin niya ito. Pero hanggang ngayon ay dead end pa rin sila. Wala silang pinatutunguhan sa mga ginagawa nila. Palagi na lamang silang one step behind. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang palaging nangyayari sa kanila.
Napaangat siya ng tingin ng may tumapik sa kaniya. Si Eros at Jisha ang nakita niya pero umiwas lang din siya ng tingin sa mga ito.
"Dlare, Pilitin mong kumalma. Magkakaron pa rin tayo ng ibang lead. Makakahanap pa rin naman tayo ng ibang paraan. Para mahanap ang kaluluwa ni Aryia" Sabi ni Eros.
"Sa totoo lang. We should investigate more. Hindi pa naman natin napapatunayan na may kinalaman siya sa pagkawala ni Aryia. So don't just throw a fit yet. We're just jumping into conclusion. Isa pa. Kakagising niya lang mula sa coma. Hindi tama ang inasal mo sa harapan niya."Ani ni Jisha. "I'm not taking her side if that is what you think. I'm just being neutral. Tinitimbang ko lang ang sitwasyon. You should say sorry to her. Give her a break nagpapagaling pa siya" Patuloy pa nito.
"I agree with Jisha, Dlare. Hindi talaga tama ang inasal mo sa harapan niya. Dapat kang magsorry sa kaniya." Pagsang-ayon ni Eros kay Jisha. Napabuntong hininga lang siya. Narealize niya na tama ang sinabi ng mga kasama niya. Lalo na ang mga sinabi ni Jisha. Huminga muna siya ng malalim bago tumango bilang pagsang-ayon sa mga ito.
~~
Pabagsak na humiga sa sarili niyang kama si Dlare. Napatingin siya sa maliwanag na buwan sa labas ng kaniyang bintana. Hugis cresent ang moon kaya naman hindi maliwanag ito katulad pag full moon. Pero kahit ganoon man, ay napakarami ang nakikitang bituin sa langit. Napapagod na siya sa lahat, sa lahat ng nangyayari. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya para langmahanap ang dalaga. Nakarinig siya ng mahinang katok sa kaniyang pintuan. Hindi siya sumagot at hindi rin siya nag abala pang buksan ang pintuan. Sa ngayon ang gusto lang niya talaga ay ang mapag-isa. Ayaw niya munang may makausap na iba.
"Dlare?" Boses iyon ni Ciel. "Alam kong gising ka pa. Gusto sana kitang makausap"sabi pa nito. Unti-unti siyang lumapit sa pintuan at bahagyang binuksan ito sapat na para makita nila ang isa't isa.
"Uhm.. Alam kong nahihirapan ka. Kahit kami rin naman nahihirapan sa sitwasyon natin. Pero gusto ko lang sabihin na matatapos din ang lahat ng ito. Maililigtas natin si Aryia, Dlare. Kaya sana kung may mga bumabagabag sa utak mo, pwede mo kaming kausapin. If that's too much, kahit ako na lang ang kausapin mo." Ani nito sa kaniya. Nakatungo lang ito habang nagsasalita "Uhm. Iyon lang gusto kong sabihin. Sige mauuna na ko" Sabi nito at nagsimula ng maglakad palayo.
"Ciel. Salamat" sabi niya rito bago pa tuluyan itong makalayo. Sinara na lang din niya ang pintuan ng kaniyang kwarto at napabuntong hininga. Hindi na maganda ang nangyayari, dahil sa mga inasal niya kanina ay naapektuhan na ang iba pa niyang mga kaibigan.
"Hay. Aryia. Sino ba kasi ang kumuha sa iyo? Sino ba ang pumatay sa iyo? Bakit parang ang lapit mo lang pero ang layo mo pa rin?" Napabuntong hininga na lang din siya sa mga nasambit niya.
Humiga na siya sa kaniyang kama para makatulog na. Maaga pa silang babyahe bukas dahil hindi na sila makakauwi ngayong linggo dahil hindi na nila naabutana ng last trip. Kaya magpapahatid na lang sila sa kaniyang Daddy at Kuya. Hindi kasi sila kasiya sa isang sasakyan. Habang ang kaniyang Ina at si Daren naman ang nagbabantay kay Odessa sa ospital.
~~

BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...