KABANATA XI

63 3 0
                                    

Connection

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang kaso ng babaeng si Allia Raine De Reyes. Ngunit hindi pa talaga ito tapos. Nawawala pa rin ang dalaga. Ang kapatid naman nitong si Angela ay Hindi na rin pumasok matapos ang gabi ng insidente.

"So she tell you that ikaw ang dahilan kung bakit hindi nila tayo ginalaw noong pumasok tayo sa abandonadong building?"

Tumango lang sya.

"It means hindi ka nila pwedeng galawin" deklara ni Eros.

"May posibilidad na kailangan ka rin nila kaya hindi ka nila sinasaktan"Teorya naman ni Jisha.

"Kahit ano pa man yan,dapat pa rin tayong mag-ingat. Dahil hindi sila madaling kalabanin."wika ni Jayson

Hindi pa rin natatapos ang pag iisip nila tungkol sa mga sinabi ni Allia. Palaisipan oa rin sa kanila ang mga tinuran ng babae.

"So ano nang gagawin natin?" Tanong ni Ciel na syang naging dahilan kaya nagtinginan ang lahat.

Narinig nyang bumuntong hininga muna si Jayson bago magsalita.

"Sa ngayon, wala pa tayong magagawa. Our supposed to be lead in this case has vanished. Ngayon,clueless na naman tayo at back to zero ang pag iimbistiga. Ang tanging natira lang sa atin ay ang impormasyon na may kinalaman sa babaeng si Aryia"

Napalingon sya kay Jayson ng marinig nya ang pamilyar na pangalan. Nakatingin lang din si Jayson sa kanya.

Hindi man nag imikan, ngunit nagkaintindihan naman ang dalawa.

"For now, Let us go back to our natural routine. Habang at baka sakaling may mahanap tayong clue." Deklara ni Jayson

Nauna nang umalis si Jayson ng hindi man lang ito nagpaalam.

Tumayo na din sya at naglakad palabas sa kwartong iyon.

~

Patapos na ang klase dahil Marso na at sobrang dami na ng requirements na dapat ipasa.
Isang linggo na ang nakakalipas ngunit wala pa rin silang clue kung paano mattrack down kung sino ba talaga ang kanilang kinakalaban .

Hindi din naman namalayan ni Dlare ang paglipas ng linggo dahil busy sya sa sobrang daming requirements na dapat ipasa.

Naglalakad na si Dlare sa corridor ng BA Building papunta sa office ng faculty ng BA professors para maipasa na ang kanyang project na halos dalawang araw nyang pinagpuyatan.

"Dlare!"
Napalingon sya sa tumawag sa kanya. Si Eros pala.

"Kanina ka pa namin hinahanap" hingal na sabi nito at tumigil sa kanyang harapan.

"Bakit?"

"Basta sumama ka na lang" sabi nito. Agad naman syang nakakutob. Iniisip nyang tungkol pa rin ito sa koneksyon ng kaso ni Allia sa mga underground exorcist.

"Sige pupunta na agad ako. Ipapasa ko lang ito sa Faculty at susunod na ko" wika nya.

Tumango naman si Eros at tinalikuran na sya.

Naglakad syang papunta sa panghuling pintuan ng palapag na iyon.

Pagtapat nya ng pintuan ay nakaramdam sya ng pangingilabot. Nanlaki ang mata nya. Pinagpawisan agad sya ng malamig. May sinasabi ang utak nya na wag na syang tumuloy. Dahil ito ang unang beses na nakaramdam sya ng kilabot .

Hinawakan na nya ang doorknob. Nang may humawak sa kanyang balikat. Muntik na syang mapatalon.

"DLARE"

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon