Matamis na may Halong pait ang ngiting mayroon sa mukha ni Dlare. Dalawang taon na rin ang nakakaraan mula ng matapos nila ang pinakamalaking misyon na nagawa niya sa mga taon ng pag-aaral niya.
Hindi siya makapaniwala na dumating na ang panahon upang Lisanin ang unibersidad na kaniyang minahal dahil sa kababalaghan na naganap dito. Marahil na rin dahil sa mga naging kaibigan niya sa taong namamalagi siya rito.
mixed emotion pala pag gagraduate na. Ani niya sa kaniyang sarili. Kakatapos lamang ng graduation ceremony nila na ginanap din mismo sa convention center ng kanilang unibersidad.
Siguradong hindi niya mamimiss ang kaniyang pag gawa ng thesis. Ngunit ang mga nakasama niya rito ay paniguradong mamimiss niya. Huminga siya ng malalim at tinapos ang huling sulyap sa kanilang college building. Naglakad na siya papunta ng Mystery club room dahil napagkasunduan nilang mga myembro na doon ganapin ang kanilang selebrasyon. Hindi pa man sila lahat aalis sa unibersidad dahil ilan sa kanila ay 5 years ang course.
Si Jayson, Jisha at Dlare lamang ang gagraduate ngayong taon dahil may nawian pang subjects si Eros at si Ciel naman ay may isa pang taon na natitira.
"Nandito ka na pala!" Bati sa kaniya ni Ciel pagpasok niya ng club room. "Congrats Dlare!" Kinamayan siya nito at bahagyang niyakap.
"Thanks Ciel"
Lumapit din si Eros sa kaniya at binati siya. Agad din naman siyang nagpasalamat. Bumukas muli ang pintuan ng club room at pumasok si Jisha.
"Congrats!" Aniya rito. Tila nagulat pa nga ito sa kaniya.
"Thanks. Congrats din" Ani nito.
Kahit dalawang taon na ang nakakalipas hindi pa rin talaga sila naging close ni Jisha. Medyo aloof ito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ngunit ayos lang naman din sa kaniya iyon.
"Wala pa si Jayson?" Tanong ni Jisha.
"Nandito na" Napalingon muli silang lahat sa may pintuan. unconciously na natawa si Dlare. Dahil kahit kailan mula ng makilala niya si Jayson ay sumusulpot ito tuwing hinahanap mo.
"Grabe mamimiss ko yan" Biglang sabi ni Eros. "Di ka na agad makakasulpot tuwing hahanapin ka" Aniya kay Jayson. Lahat sila natawa sa sinabi ni Eros.
"Tsk. Timing is Everything kase. Malay mo sumulpot ako pag namiss mo na ko" balik na pang aasar ni Jayson kay Eros na siyang natawa sila ng bahagya.
"So ano? Tuloy ba ang plano natin?" Tanong ni Ciel sa kanila.
"Oo. Naka set na ang vacation natin, okay na din ang accomodation. Saka kung hindi natin Itutuloy ito, tiyak na matagal na bago masundan ito. Alam niyo na magiging busy na ang ilang satin" Ani ni Jayson.
Napagpasiyahan nila na pumunta ng Puerto Galera upang magenjoy at magbonding bago sila Maghiwa-hiwalay ng landas.
~~
Nagpatuloy na hinigal si Dlare sa pag akyat niya sa bundok. Sa dalawang taon niyang paghahanap sa lugar na ito ay ngayon niya na lamang ulit masisilayan ito.
Dalawang taon niyang hinanap ang lugar kung saan niya huling nakita si Aryia. Hindi madali. Hindi na din niya sinabi sa mga kaibigan niya na hinahanap niya ito. Mula kasi ng maihatid nila ang kaluluwa ni Aryia ay hindi na sila muling nakabalik sa lugar na iyon. Dahil wala naman silang naging sumunod na mga kaso na kailangan nilang pumunta doon.
Kahit kalahati lang ang tyansa na marahil na iyon nga ang portal na hinahanap niya ay nakipag sapalaran pa rin si Dlare upang mahanap ang lugar na iyon.
Tumigil sa paglalakad si Dlare sa halak ng dalawang puno na magkayakap ang dalawang dulo ng sanga kaya nagmukha itong arko.
Inilabas niya ang kaniyang lace na nakatago sa kaniyang damit.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
De TodoDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...