KABANATA I

624 7 1
                                    

This story is Inspired from Korean drama Bring it on Ghost/ Let's fight ghost and from a novel by Kendare Blake: Anna Dressed in Blood and The Girl of Nightmares

Happy Reading :)

KERR MANSION

Ika-22 ng disyembre taong 2016

Ibinagsak ni Dlare ang pangatlong kahon sa loob ng maalikabok na kwarto. Ito ang kanyang bagong kwarto dito sa bago nilang bahay o pwede nyang sabihin na bago nilang nilipatang mansion. Bagama't tutol sya sa paglipat nila dito ay hindi nya rin naman masisisi ang kanyang mga magulang kung bakit binili ito.

Malawak, Malaki at maganda ang mansion, ngunit kapansin-pansin na ang pagiging luma nito. Daang taon na ang nakakaraan simula ng itayo ito ayon sa real estate agent na nakausap nila.

Ngunit dahil sa sobrang tibay ng pagkakagawa at purong puro ang ang mga mwebles at kasangkapan na ginamit dito ay tumagal ito ng halos 3 daang taon. Itinayo daw ito sa taong 1779 ayon sa real estate agent.

Pero ayon sa narinig nya sa kanyang magulang ay balak nilang iparenovate ang buong mansion.

Masasabi nya na maganda at matiwasay ang paligid, puro lamang palayan at bundok ang nakikita nya dito sa Laguna. Hindi nya akalain na sobrang ganda ng tanawin ang mayroon, kahit maliit lamang ang bayan ng Paete.

Inilibot nya ang tingin nya sa kabuuan ng kwarto, walang laman bukod sa kutson, tatlong kahon ng kanyang mga gamit at isang maleta ng kanyang mga damit. Bukas pa dadating ang truck ng kanilang mga iba pang gamit kaya sa ngayon ay ito lang muna ang laman ng kanyang kwarto. Inilatag niya ng mabuti ang kutson kumuha ng isang unan at kumot sa pinaka malapit na kahon. Tumingin sya sa kanyang wrist watch at nakita nyang maghahating gabi na.

Nahiga na sya sapagkat mahaba ang byinahe nila papunta ng mansion. Malayo ang Paete, Laguna sa Valenzuela city kaya naman inabot na sila ng gabi bago makarating sa Kerr Mansion. Kerr Mansion ang tawag ng karamihan sa mansion na ito sapagkat sabi ng care taker ng bahay na si Mang Densyo ay Kerr daw ang apilyido ng pamilya na nagpagawa at tumira dito.

Naalimpungatan si Dlare dahil sa kagat ng lamok sa kanyang pisngi, tumingin sya sa paligid at napakunot ang noo nang makakita ng babae na nakaupo sa bintana. Kinabahan sya. Hindi sya likas na matatakutin pero sa pagkakaalam nya, bago sya makatulog ay sya lamang ang tao sa kwartong iyon.

Dahil bagong gising ay medyo Malabo pa ang paningin ni Dlare. Ngunit nang luminaw ito ay agad syang napabangon dahil nakatingin pa rin sa kanya ang babaeng nakaupo sa bintana ng kwarto nya.
Napabangon sya ng di oras sa kanyang nakita.

"S-sino ka?" Tanong nya.

Isang magandang babae ang nakikita nya na ngayon ay nakangiti na sa kanya. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatingin sa kanya habang nakangiti. Ngunit napansin nyang may maitim na marka ito sa bandang leeg nito.

"Me llamo Aryia" pagkabigkas nito ng mga salitang iyon ay bigla itong naglaho.

Nanlaki ang mata ni Dlare sa realisasyon na bumalot sa kanya.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Sigaw nya habang tumatakbo pababa ng 1st floor ng bahay. Nakita nyang nandoon pa ang mga magulang nya at ang bunso nyang kapatid na si Daren

"O kuya? Anong nangyari sayo ? kalalaki mong tao sigaw ka ng sigaw"wika ni Daren at sumimsim ng kape.

"M-may M-multo!" nagppanick nyang sigaw.

"Ha? Multo? duh!! Kuya as if totoo yun. Ito akala mo bakla eh, ang duwag."

"Hoy!" Nahimasmasan sya sa sinabi ng kapatid nya " Hindi ako duwag. Saka may multo talaga sabi nya pa nga ay 'Me llamo Aryia'"

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon