Alay
Isang nakakatakot na imahe ang unang nakita ni Dlare sa pagmulat ng kaniyang mata kaya naman nagulat talaga siya, inikot niiyang muli ang kaniyang paningin para malaman niya kung nasaan siya. May nakita siyang fireplace at iba pang mga istatwa. Maya-maya pa'y napansin niyang nakatali pala ang kaniyang mga paa at kamay sa isang lamesa.
"Pakawalan niyo ko!" Sigaw niya.Nag-isip siya kung paano ba siya makakawala sa mga lubid na nakatali sa kaniya.
"Gising ka na pala."Ani ng isang boses ng babae. Napalingon siya sa nagsalita.
"Sabi ko na nga ba ikaw ang may pakana sa mga nangyayari. Nasaan si Aryia? Ha?! Nasaan siya?!" Hindi na napigilan ang emosyon niya ng makita niya ang babaeng sa umpisa pa lang ay duda na talaga siya.
"Anong ibigsabihin na na comatose ka pa? Ha! Anong klaseng arte yon?Para lang hindi ka paghinalaan?" Ani niya kay Odessa. Sa Una pa lang ay duda na siya. Nawala lang ang paghihinala nito ng bigla itong nawalan ng malay ng matagal na panahon. Pero nagkamali pala siya.
"Wag ka naman masyadong galit na galit. Kalma lang wala rin naman kwenta kung papalag ka pa. Wala naman makakaraninig sa iyo dito" Ani ni Odessa.
"Nasaan si Aryia? Nasaan siya?!" Ulit niyang tanong.
"Nasasabik ka na ba ng sobra sa presensya ng iyong pinaka mamahal?" Ani nito sa kaniya. Nanatili siyang nakatinginng masama dito.
"Nasaan siya? Alam kong ikaw ang kumuha sa kaluluwa niya." Ani niya rito. Nagpupumilit pa rin siyang makawala sa mga tali.
Bahagyang tumawa naman ito sa sinabi niya. "Makikita mo rin siya mamaya. Sa ngayon, ito muna ang ipapakita ko" Sabi nito at nagsimula ng magsalita ng iba't ibang salita. Sa tingin niya ay Enchant ang mga sinasabi nito. May lumabas na mga usaok mula sa kamay nito at may ilang lumabas na imahe. Nakita niya ang kaniyang mga kaibigan sa club na naghahanda na sa pagsalakay.
"Hmm. Mukhang balak ka nilang iligtas Dlare, mukhang nagiging interesante na ang mga nangyayari. Ang babait naman ng mga kaibigan mo. Napaka swerte mo" sabi pa nito. Hindi siya umimik, may tiwala naman siya sa kaniyang mga kaibigan. Hindi siya gaanong nag-aalala.
Maya-maya pa'y nagbago na ang mga imahe sa usok. Ipinakita nito si Aryia na mahimbing na natutulog sa isang silid.
"Anong ginawa niyo sa kaniya?!" Tanong niya rito. Lalo na siyang nagpumiglas. Lalong lumakas ang tawa nito. Tila gustong-gusto ang mga naging reaksyon niya.
"Hmm. Wala pa naman kaming ginagawa sa kaniya kaya wag kang mag-alala" sabi nito. Kumalma lang siya ng kaunti pero nagpapatuloy pa rin siya sa pag-iisip kung paano ba siya makakawala sa mga nakatali sa kamay niya.
"Ano bang binabalak niyo? Bakit pati ako kinuha niyo?" Tanong niya. "Bakit niyo ba kinuha si Aryia? Matagal na siyang nananahimik. Bakit niyo pa siya ginugulo?" Tanong niya rito. Naglakad ito paikot sa lamesa kung saan siya nakahiga. Dumiretso ito sa isang malaking upuan. Parang trono kung tutuusin pero naparaming snake statue na dekorasyon. May gargoyle pa na statue sa taas mismo ng upuan.
"Kasi alay namin siya. Three hundred years na naming hinihintay ang pagkakataon na ito. At hindi kami papayag na sirain mo lang at ng mga kaibigan mo ang lahat. Masyado ng maraming nagbuwis ng buhay para sa ritual na gaganapin mamayang alas-tres." Sabi nito sabay tumayo at lumapit sa kaniya. "Kaya kung ako sayo, magpapakabait ako, para hindi mo kami maabala" Sabi nito at lumabas na ng silid.
~~
Alas-singko na ng hapon ng magtagumpay si Dlare na makawala siya sa pagkatali niya. Mabuti na lang at natapos na din siya sa pagkiskis ng mga lubid sa sulok ng lamesa kaya natanggal niya na rin ang tali sa kaniyang mga paa at nakaalis.
"Wala ng oras, kailangan ko ng mahanap si Aryia" Ani niya sa sarili. Naglibot siya sa loob ng silid upang makahanap ng pwedeng daanan bukod sa malaking pintuan kung saan lumabas si Odessa kanina. Hindi siya maaring makita ng mga ibang myembro ng kulto. Kinapa-kapa niya ang mga pader, hindi imposible na may mga sikretong pintuan sa mga ganitong lugar. Sa palagay pa nga niya ay sinadyang ipatayo ang building na ito para sa mga kulto na ito.
Bahagya pa siyang nagulat ng may matulak siyang isang display sa isang shelf dahilan upang magbukas ang isang pintuan. Kinapa niya ang lace niya sa bulsa dahilan upang mapanatag siya dahil hindi ito nakuha sa kaniya.
Pumasok na siya sa daanan na natagpuan niya kahit hindi naman siya alam kung saan iyong patungo. Hinawakan niya ang lace at kusa itong nagpalit ng anyo sa pagiging espada. Nakaramdam tuloy siya ng kaunting kaba dahil ibigsabihin ay nalalapit siya sa panganib.
Maya-maya pa ay nakarinig na siya ng mga boses. Maingat siyang naglakad upang hindi niya maabala ang mga ito, medyo madilim ang daanan dahil mukhang secret passage ito dahilan kung bakit walang ilaw. Mabuti na lang at nasanay na din ang mga mata niya sa dilim.
"Kailangan muna natin siya mahanap"
Dahan-dahan lang ang paglapit ni Dlare, Nakikita niya na ang Dulo ng lagusan.
"pero hindi naman natin alam ang pasikot-sikot ng lugar na ito"
Napansin niyang pamilyar ang mga boses na naririnig niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad ng makarating siya sa dulo ng ng lagusan ay tumigil muna siya at unti-unting sinilip kung sino ang mga nag-uusap. Pagsilip niya ay nakita niya ang lima na tao na nakahood. Naisip niyang unti-unting maglakad na lamang palayo sa mga ito habang hawak ang kaniyang espada, ay dahan dahan siyang naglakad palayo sa mga ito ng biglang napalingon ang mga ito sa kaniya.
Biglang nanigas ang kaniyang mga paa at hindi siya makagalaw.
"Dlare?" Bigkas ng isa sa mga iyon. Agad namang tinanggal ng isa sa lima ang hood nila.
"Eros?" Tanong niya. "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya ulit.
"Obvious naman siguro kung bakit diba?"sabi ni Jisha at umirap pa. Huminga siya ng malalim at napanatag na ang mga kaibigan niya pala ito. Pero agad din siyang nagtaka kung sino ba ang isa pa nilang kasama.
"Wait, sino yang kasama niyo?" Tanong niya. Ito na lang kasi ang hindi nagtatanggal ng hood. Napalingon ang mga ito sa panlimang kasama. Nang tanggalin nito ang hood ay kitang -kita sa kaniyang reaksyon ang pagkagulat.
"L-Luis?" Bulalas niya. Hindi niya alam kung anong ginagawa ng lalaking matagal na nilang hinahanap sa lugar na ito at kasama pa ng mga kaibigan niya.
"Guys bakit niyo siya kasama?" Tanong niya sa mga ito.
"Mahabang kwento Dlare, Pero I assure you kakampi natin siya" Ani ni Jayson.
~~
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...