Simbahan
Maagang nagising si Dlare. Bagamat hindi sya nakatulog ng maayos dahil hindi matanggal ang ngiti sa kanyang labi. Hindi naman nya maikakaila na masaya sya dahil nakita nyang muli si Aryia.
"Gising ka na pala. Lika na dito mag almusal ka na rin" Bati ng kanyang ina pagbaba nya ng napakalaking hagdan.
Hindi naman na sya nag inarte pa at umupo na sa tabi ni Daren. Mabuti na lang at malaki ang kanilang Dining table kaya naman nagkasya silang lahat.
"Dlare, ipasyal mo naman ang mga kaibigan mo sa may plaza."
Agad naman napangiti ang kanyang mga kasama. Hindi maikakaila ang pagiging excited ng mga ito.
"Oo nga kuya. Pwede din kayong pumunta sa Tatlong krus. At sa Falls doon" suggestion naman ng kapatid nyang si Daren.
"May falls po dito?" Tanong ni Ciel na mukhang excited.
"Yup. Kaso kailangan nyo pang umakyat ng bundok. Pero madali lang naman na kasi ginawa na nilang pahagdan ang aakyatan ng mga tao" paliwanag ni Daren.
"Ang cool!" Tuwang tuwang sambit ni Eros.
"So ano guys pupunta ba tayo?" Excited na tanong ni Eros sa mga kasama.
Lahat sila ay napatingin kay Jayson.
Oh well, sya naman kasi talaga ang President ng club namin kaya sya ang magdedesisyon.
"Yeah sure. Why not?"
Tila iyong sagot na iyon ang pinaka hihintay ng mga ito. Nabigla sya nang sabay sabay itong napa-'yes!'
Hindi naman ny napigilan ang tawa nya. Tumawa na rin ang mga ito."Wow!Napaka simple ng plaza nyo." Manghang manghang sabi ni Eros.
"Oh, Gosh. Eros Stop it. Hindi naman kailangan pang sabihin dahil nakikita namin." Iritadong sambit ni Jisha.
"Yeah What ever" sagot lang ni Eros.
Nasa Basketball court sila. May mga naglalaro na mga bata at may mga nagtitinda ng mga streetfood.
"San yung simbahan?" Curious na tanong ni Ciel.
"Uh. Actually. Dalawa ang simbahan dito. Isang Romano at Isang Aglipay."
"Eh? Nasan yung sa Romano?"
"Itong pakaliwa." Sabi nya at nagsimula na silamg maglakad.
Isang maikling tulay ang kanilang dadaanan papuntang simbahan. Agad na napasilip sa baba ng tulay ang kanyang mga kasama.
"Wow. Mga isda? Pero diba Kanal yan?" Nagtatakang tanong naman ni Jisha.
"Uh. Hindi naman. Sabi nila Ilog daw talaga yan. Pero dahil sa mga bahay na itinayo ay lumiit sya at ang tawag na ay Bangbang."
"Woah. So malinis ang tubig dyan? Kasi mga isda eh" follow up question ni Jisha
"Uhm Oo. Pero pinagbawal nang maligo dyan eh" sagot nya
"Mukhang marami ka nang nalalaman na tungkol sa lugar na ito kahit bago pa lang kayong nakatira dito"Puna naman ni Jayson.
"Uh.. nagresearch din kase ako sa internet at nagtanong sa mga tao dito." Nakangiti nyang sagot.
"Naks naman Dlare. Mukhang interested ka sa History ng lugar na ito. I wonder why?" Mapangasar na tanong ni Eros.
"Yeah. What ever. Pumasok na lang tayo sa simbahan. Maganda ang simbahan dito" sabi nya para maiwala ang usapan.
Pumasok na sila sa Gate ng simbahan na palagi namang bukas. Medyo malayo naman ang Gate mula sa gilid na pintuan ng simbahan.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...