KABANATA XXXVI

41 3 0
                                    

Langit, lupa, Impyerno

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong.

He doesn't know what to do, or what to think. Naguguluhan na siya sa lahat ng nangyayari. Well nangyari naman sa kaniya ito dati pero saglit lang ang mga ito. Hindi katulad ngayon na may nakakausap pa siya.

"Hay. Ang hirap ipaliwanag. Pero alam ko kung bakit ka nandito" Ani nito sa kaniya.

"Talaga ho? Ano ho bang ginagawa ko dito? Bakit bigla ko na lang nakikita ang mga ito?" Tanong niyang muli. Hindi na niya maintindihan ang mga nangyayari.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon. Ngayon, ang dapat mong gawin ay pagtuunan mo ng pansin ang mga makikita mo. Obserbahan mo lahat ng mga bagay na pwede mong maobserbahan." Ani ng matanda.

Hindi man niya maintindihan ang sinabi ng matanda ngunit naisip niyang sundin ang payo nito. May mga dahilan siguro kung bakit niya nakikita ang mga bagay na ito.

Tinry niyang maglakad sa center aisle ng simbahan upang tignan kung hindi ba talaga siya nakikita ng mga tao. Iwinagayway niya pa ang kamay sa harap ng mukha ng iilang taong nakaupo sa aisle ngunit wala itong mga reaksyon. Mukhang totoo nga ang sinasabi ng matanda hindi siya nakikita ng mga tao na naroon.

Patuloy lang siyang naglakad sa gitna ng simbahan hanggang unti-unti niyang nasilayan ang isang dalagang matagal na niyang gustong makita. Nakawhite dress ito na may belo din katulad ng mga babae doon. Taimtim na nakikinig ang dalaga sa pari na nasa altar. Hindi niya maalis ang tingin sa dalaga.

Masigla ang kulay ng balat nito tila buhay na buhay unlike noong nameet niya ito sa mansyon. Maputi ang mga balat nito na walang kabuhay buhay nang una niya itong makita. Ngunit ngayon, May buhay ang kulay ng balat nito. Napakanipis din na make-up ang suot nito. Kaya naman lalo pang tumingkad ang kagandahan ng dalaga. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ngiting kuntento na na masilayan ito kahit sa ganoong paraan lamang.

"Mukhang nakita ko na ang dahilan kung bakit nakikita mo ang mga bagay na ito hijo." Napalingon siya sa matanda na nagsalita. Nasa likod niya ito. "At tunay na nakakabighani iyang si Senyorita. Hindi kita masisi kung maging ikaw ay mapukaw ng kaniyang kagandahan" Dagdag pa nito.

Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa dalaga. Napansin niya rin na may katabi itong babae na nasa middle forties na sa kaliwa, at isang dalagang mukhang kasing-edad lang ni Aryia sa kanan. Marahil ang Ina ng dalaga ang nasa kaliwa. Dahil namumukhaan niya ang dalagang nasa kanan ni Aryia. Si Isabel. Napansin din niya na may katabing na tinataya niyang nasa fifties na ang lalaki sa tabi ng Ina ng dalaga. Marahil ito si Don Indoncio at Donya Ignacia. Nasa feature ng ama ni Aryia na isa itong purong espanyol.

Maya-maya pa ay nagsitayuan na ang mga nasa unahang hilera at lumapit sa altar. Hindi niya alam at kabisado ang pangyayari na meron sa misa ngunit nakikita niyang may isinusubong tinapay sa mga ito sa uunahan. Nagsunod-sunod ng tumayo ang mga kasunod pang hilera hanggang sa hilera na nila Aryia ang tumayo. Nakatungo lang si Aryia na tumayo na at nakasunod naman si Isabel rito. Naglakad na siya papuntang gilid upang mabigyang daan ang iba pang pipila.

Sinubukan niya pang libutin ang simbahan habang busy pa ang mga tao. Napadako siya ng tingin sa mga painting sa may gilid ng dingding. Ang mga painting nakita nila noong nakaraang bakasyon. Ngunit nagtaka niya, ang isang painting ay wala pa rito.

"Uhm Manong, nasaan po ang painting ng langit at impyerno dito?" Tanong niya sa matandang kasama niya.Walang painting na nakasabit doon sa pwesto ng naturang painting na binanggit niya. Isa lang itong plain na pader.

"Hindi pa nagagawa ang painting na iyon sa taong ito." Simpleng sagot ng matanda. Napatango lang siya. Mukhang daang taon na rin ang edad ng painting na iyon. Ngunit mukhang hindi ang taon na ito ang taong nagawa iyon. Teka.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon