PANAGINIP
"Senyor!" isang malakas na sigaw ng pagmamakaawa ang narinig ni Dlare, dali-dali syang tumakbo kung saan nya narinig ang boses. Isang pinto ang lumitaw sa kanyang harapan agad naman nya itong binuksan, nakita nya ang babaeng matagal na nyang gustong makitang muli. Si Aryia. Ngunit hindi lamang ito ang nasa loob ng silid may isang lalaking walang mukha ang nasa silid. Humakbang sya palapit ngunit tila lalo syang lumayo sa kinaroroonan ni Aryia. Isang hakbang muli ang kanyang ginawa at lalo syang lumayo sa dalaga. Nanlaki ang mata nya nang nakitang sasaksakin ng isang malaking kutsilyo si Aryia. Nanantili itong nakatingin sa kanya sumisigaw ngunit hindi na nya marinig ito. Sumigaw rin sya ngunit wala ring boses na lumalabas sa kanyang bibig. Nakita nya na lang nakahandusay sa harap nya si Aryia, duguan at nakatingin sa kanya. Napaupo sya at hinawakan ang mukha nito. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya nagsalita ito pero hindi nya marinig ang mga sinasabi nito. Maging sya ay walang lumalabas ng boses sa kanyang bibig. Tumulo ang mga luha niya kasabay ng pagtulo ng luha ni Aryia. Unti-unting naglaho si Aryia......
Napabangon sa kanyang higaan si Dlare. Tumigin sya sa paligid. Nasa room sya ng kanyang dorm. Napatingin sya sa oras. Ala-syete na ng umaga wala na ang room mate nya.
Naramdaman nyang basa ang kanyang noo sa pawis at basa ang kanyang pisngi sa pag iyak. Iyak, na hindi nya inaasahang gagawin sya dahil lamang sa isang panaginip.
Nanatiling nasa ibang dimension ang isip ni Dlare habang nasa klase. Hindi pa rin nya mai-alis sa kanyang isip sa napanaginipan. Nakakaramdam sya ng urge na kailangan ni Aryia ng tulong nya. Niligpit na nya ang kanyang mga gamit at lumabas na ng classroom. Gusto man nyang tapusin ang klase nya alam nyang hindi nya iyon magagawa dahil sobrang occupied ang utak nya. Isang lugar lang naman ang alam nya na makakatulong sa kanya.
~Kumatok muna si Dlare bago binuksan ang pintuan ng mystery club. Alam nyang isang malaking paglunok ng pride ang gagawin nyang pagpasok dito dahil dalawang beses na nyang tinangihan ang mga ito.
Nagtatakang mga mata ang sumalubong sa kanya. Kumpleto ang lahat ng myembro ng club. Si Jisha ay halatang napatigil sa pagababasa dahil sa pagdating nya.
Ngunit isang pares lamang ng mga mata ang nakangiti sa kanya. Isang literal na ngiti ang ibinigay sa kanya ni Jayson nang magtama ang mga mata nila.
"Oh, I didn't expect na sobrang bilis pa lang magbago ng isip mo." Iyon ang bungad sa kanya ni Jayson. Hindi sya nagsalita. Bagkus ay naupo lamang sa harap nito sa may table na meron sila.
Napansin nyang hindi pa rin naaalis ang mga titig sa kanya ng ibang myembro, ngunit hindi nya iyon pinansin bagkus ay nnanatiling nakatingin kay Jayson.
"So, ano ang nagpabago sa isip mo Mr. Miranda?" nakangiting tanong ni Jayson. Hindi nya alam kung friendly smile lang ba iyon o parang ngiti na natupad ang mga pangarap nito.
"Hindi mo na kailangan pang malaman. But now, I guess I needed this club." Wika nya na lalong ikinalapad ng ngiti ni Jayson.
"What? So hindi talaga dahil gusto mo? Well Mr. No thanks hindi namin kailangan ng isang katulad mo, I am personally disagreeing to this whole bullshit thing!" isang sigaw ang natanggap nya mula kay Jisha.
But what does he care? All he care about is Aryia. Wala syang pakialam kung may magalit man sa kanya ngayon. Dahil alam nyang kailangan sya ni Aryia.
"Jisha stop it. You know we need him. So don't make him change his mind." Saway ni Jayson sa myembro. On the side of his eyes, he can see Jisha's rolling eyes.
Pero hindi nya man lang pinagkaaksayhan ng panahon na tingnan nito.
"Hmm, well, sa tingin ko hindi naman namin kailangan malaman ang rason kung bakit biglang nagbago ang isip mo. As long as you wanted to become one of us is enough" nakangiti pa ring sabi ni Jayson.
"Eros. Give him our application form for the new members. Para mafill-up-an na nya at maging official na myembro ng sya ng club."
Napatingala si Dlare ng lumapit sa kanya si Eros para ibigay ang application form. Matapos na sagutan ay ibinigay nya agad it okay Jayson. Tumayo ito at lumapit sa kanya para kamayan sya. He shook his hand.
"Welcome to the club!" masiglang bati nito sa kanya.
~Muling nagising ng pawisan at may luha sa kanyang mata si Dlare. muli na naman nyang napanaginipan ang napanaginipan nya kahapon.
Hindi nya alam kung bakit. Pero ganun at ganun pa rin ang mga nangyayari. Mamamatay si Aryia sa kanyang harapan at maglalaho. Pagtingin nya sa oras ay Alas-kwatro pa lamang ng umaga. Masyado pang maaga ngunit sa palagay nya ay hindi na sya muling makakatulog. Tumunog naman ang kanyang cellphone. Isang unknown number, sinagot naman nya ito.
"hello?"
"Dlare, si Jayson 'to. Maghanda ka at itetext ko sa'yo ang address ng magiging una mong mission"pagkasabi niyon ay ibinaba na nito ang tawag. Bagamat nagtataka, ay nag asikaso na nga si Dlare.
Naligo,nagbihis at nag ayos ng gamit dire-diretso sya palabas ng dormitory.
Napatigil sya nang malapit na sya sa gate dahil muli syang nakaramdam ng pangingilabot. Sigurado syang may nagmamasid sa kanya na hindi tao. Umiling-iling sya upang mawala ang kanyang negatibong iniisip at binaliwala ang pakiramdam na iyon saka nagtungo sa lugar kung saan sila magkikita-kita ng mga clubmate nya.
Tiningnan ni Dlare ang isang Bahay na maganda. Napakunot ng noo nya ng makita ito. Dahil ayon sa address na ipinadala ni Jayson ay nasa tamang lugar sya.
Napatalon sya ng may humawak sa laylayan ng damit nya.
Paglingn nya ay nakita nya si Ciel."Tama ang lugar na pinuntahan mo, pero isang ilusyon ang makikita mo." Wika nito.
Ito ang unang beses na marinig nyang magsalita ito bukod sa pagpapakilala nito sa kanya nang mameet nya ito.
Sumenyas ito na ilapit sa kanya ang mukha. He lean forward.
Idinikit ni Ciel ang palad nito sa kanyang noo. May pumitik sa sentido nya, dahilan para mapangiwi sya.Tinanggal na ni Ciel ang palad sa noo nya. Nanlaki ang mata nya ng makita na nagbago ang anyo ng magandang bahay sa harapan nya.
Ngayon, isa na itong Kubo. Isang nabubulok na kubo.
"Nasa Loob sila" narinig nyang sabi ni Ciel.
Ngunit hindi nya maalis amg kanyang tingin sa pagbabagong anyo ng Isang magandang bahay na ngayon ay isang nabubulok at sira-sirang kubo.
Hinila ni Ciel ang laylayan ng kanyang damit at naglakad na.
Sumunod na sya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
LosoweDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...