Mga Ala-ala
Tinitigan ni Dlare ang mapayapang mukha ng natutulog na si Aryia. Nasa kwarto sya nina Jisha at Ciel. May sariling kwarto ang dalawa ngunit nagpasya na maghati na lang sa isang kwarto, na nakabuti naman dahil dumating ang girlfriend ng kuya nya na iniiwasan nyang makasalamuha.
"Niyakap nya kami at bigla syang may tinawag na pangalan at nahimatay" paliwanag ni Ciel sa kanya. Napagdesisyunan na sa kwarto nalamg nila Jisha ito matulog.
"Natutulog rin pala ang multo" natatawang sambit ni Eros.
Nakarinig sya ng mahinang pagtawa mula sa mga kasama. Maging sya ay napatawa rin ng mahina. Hindi nya rin alam na may natutulog pa lang multo. Ngunit kung titingnan naman ito ay hindi ito mukhang multo. Mukha lang itong ordinaryong babae.
"Hindi sya nakakaalala ng nakaraan nya" deklara nya sa mga kasama na naging dahilan ng pagtahimik ng mga ito.
"Isa syang multong walang maalala mula sa nakaraan nya. Kaya malamang, ang sinambit nyang pangalan ay galing sa nakaraan nya" sabi nya pa.
"Kaya pala wala syang masabi tungkol sa sarili nya bukod sa pangalan nya at sa mansyon na ito. " si Jisha iyon
"At mukhang si Isabel ay kaibigan nya." Sabi ni Ciel
Napalingon sya kay Ciel.
"Sino?"
"Isabel. Yun ang pangalang sinambit nya bago sya maiyak at mawalan ng malay" tugon nito.
Isabel. Naalala nya na ito ang humahabol kay Aryia sa wawa park na nakita nya.
"Guys, may sasabihin ako"
Nakuha nya ang atensyon ng lahat ng mga ito.
"Nakikita ko ang nakaraan ni Aryia." Umpisa nya. Nanlaki ang mga mata nito.
"Wait." Pigil nya nang makita nyang magsasalita si Eros.
"Ros, let me do the talking first"aniya. Tumango lamang ito.
"Una, Mayroong isang misteryosong matanda akog nameet sa library natin sa school. At binigyan nya ko ng isang Notebook or journal man ang tawag dun. Pangalawa, sa tingin ko, nakikita ko ang mga ala ala ni Aryia."
Sabay sabay na naglakihan ang mga mata ng mga kasamahan nya.
"Wait. What do you mean na nakikita mo yung ala ala ni Aryia.?" Ani Jisha.
"Hindi ko alam. Nagsimula yun sa simbahan. Bigla nalang akong napunta sa makalumang panahon. Sa simbahan pa rin pero makaluma na yung suot ng mga tao. Tapos bigla nalang katabi ko na ulit kayo sa simbahan. Tapos yung sa wawa. Nakita ko sya mismo at ang isa pang babaeng tinatawag syang señorita. Tinawag nya itong Isabel"
Matapos masambit ang mga huling salita ay nananatiling tahimik ang mga kaibigan nya. Iba-iba ang direksyon ng bawat pares mga mata. Mukhang nag iisip ng malalim.
"Paanong nangyari iyon? I mean paanong nakikita mo ang ala-ala nya?" Ani Eros sabay turo kay Aryia na mahimbing na natutulog.
"I don't know yet. Kaya ko sinabi sa inyo para matulungan nyo ako"
Nang hindi makaisip ng sagot sa kanilang tanong ay napagdesisyonan nilang ipagpabukas na lang iyon at magpahinga na.
Dumiretso na sya sa kanyang kwarto. Humiga sya pero hindi sya dinadalaw ng antok.
Napaisip sya ng mga hakbang na dapat gawin. Lalo na delikado na rin mismo sa loob ng bahay nila na nagdidisguise na bisita nila. Naiinis syang isipin ang babaeng iyon na nagtangka sa buhay nya. Nangangamba syang baka mapahamak si Aryia dahil sa babaeng iyon.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
AcakDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...