Notebook
Tumigil ang matanda na syang naging dahilan ng pagtigil nya.
Isang bookshelf ang nasa harapan nito. May kinuha itong libro.Teka. May secret passage kaya itong library? At pag hinila nya ang librong iyon ay may lilitaw na secret passage?
Pero humarap sa kanya ang matanda at inilahad ang isang napakalumang libro. Gawa pa ito sa makapal na papel at leather pa ang cover.
"AK"
Pagbasa nya sa dalawang letrang nasa cober ng libro.
"Iyan lamang ang maitutulong ko sa iyo Ginoo" wika ng matanda at nilagpasan na sya.
Hawak na nya ang isang libro. Binuksan nya ito at nalamang nagkamali sya sa unang impresyon tungkol sa hawak nya.
Ito ay isang notebook. Na may nakalathalang salitamg espanyol na hindi mya maintindihan.
Lumingon sya upang sana ay tanungin ang mayanda tungkol dito. Ngunit bigo sya sapagkat wala na ito.
~Nagtataka man ay diretso pa rin ang lakad nya pabalik ng dorm. Nahihiwagaan pa rin sya sa inasal ng matanda at sa hawak nya ngayon na isang notebook.
Nang makarating sya sa kanyang kwarto ay agad nyang nilock ang pintuan at umupo sa kama bago buksan ang lumang notebook.
Pinilit nyang basahin ito pero walang nangyari. Hindi nya pa rin maintindihan ang nakasulat.
Ibinagsak nya ang katawan sa kama.
Bakit? Bakit ang daming nangyayari na hindi ko maintindihan. Ang pagkamatay ni Aryia. Ang pagmumulto nya. Ang pagdating ng Mystery club at ang mga kasong lumilitaw na may kinalaman kay Aryia. Ang babaeng nasa kubo. Ang matanda sa library at ngayon naman itong notebook na hindi ko maintindihan ang nakasulat.
Ni hindi na namalayan ni Dlare ang pagpikit ng kanyang mata kasabay ng kanyang paghimbing dahil sa dami ng kanyang iniisip.
~
Ika-1 ng Abril 2016
Ito na ang huling araw ng klase at bukas ay simula na ng bakasyon. Babalik na si Dlare sa kanilang lumang mansyon.
Pasahan ng huling requirements na lang ang natatanging gagawin ng mga estudyante.
Hindi na rin sila nakatanggap ng kaso tungkol sa pagsasagawa ng excorcism sa loob ng school o mga sinasapian ng kakaibang ugali o ano pa mang kaso na tungkol sa kultong natagpuan nila sa underground ng school.
Wala rin naman kakaibang kinikilos ang kanyang Professor na si Odessa Villarante kaya hindi muna sila gumagawa ng hakbang. Sinabi pa ni Jayson sa kanya na huwag muna silang padalos dalos ng desisyon.
Kanina pa sya nakaupo sa sofa ng clubroom kasama si Ciel na busy pa rin sa pagbabasa ng spell book nito.
"Tell me Ciel, Hindi mo pa rin ba natatapos ang libro na yan? " basag nya sa katahimikang namamagitan sa kanila.
"You know what Dlare? Spell book is not a novel. Just to inform you" mahinahong sagot nito may halong pagkaasar sa sinabi nya.
Hindi naman nya masyadong nakakausap ito dahil madalas itong busy sa mga bagay bagay. May pagkakataon pa na nakikita nya itong nagsusulat ng hindi nya maintindihang characters sa isang piraso ng papel.
Bumukas ang pintuan kasabay ng pagpasok ng myembrong sina Eros at Jisha na kasama ang leader na si Jayson
Napairap lang sya sa kawalan. Napaatagal naman kasi ng mga ito. Nagpatawag ng meeting si Jayson kaya naman naroon sya.
Umupo si Eros sa tabi nya habang si Jisha naman ay tumabi kay Ciel sa kabilang sofa.
"Okay. Medyo stiff tayo nitong mga nakaraang araw dahil busy sa requirements at mga kaso. Nakaisip ako ng Idea kung paano tayo makakapag relax kahit papano" bungad nito. Nagkatinginan silang lahat na nakaupo habang magsasalita ito sa kanilang harapan.
"Naisip ko since vacation na, siguro naman, we deserve a vacation. Hahahaha" sabi nito at nagpatuloy sa pagtawa. Nakita nyang napakunot ang noo ng dalawang babae sa kabilang sofa. Kung ganon, hindi lang sya ang nagtataka.
"Thats a good Idea!!" Excited na tugon ni Eros sa kanila.
Mukhang ito lang ang sumasang-ayon sa plano ni Jayson.
"Pero gagastos tayo. We don't have enough funds like other clubs. Pinagkakasya lang natin ang binibigay na budget sa atin ng Student Council" may halong pagpoprotesta ni Jisha.
I guess there are things na mapagkakasunduan namin ni Jisha, katulad nalang nitong bagay na ito.
"I know what you mean Jisha. Pero meron akong alam na lugar na pwedeng pagbakasyunan natin. Libre lahat!" Masayang deklara ni Jayson.
"Woohooh! As expected sa ating Leader. He's really good in planning!" Mukhang lalo pang nadagdagan ang pagkaexcited ni Eros dahil sa reaksyon nito.
Pinipigilang mapailing ni Dlare. Hindi nya akalain na sa kabila ng parang hindi seryoso ang leader sa pagpaplano ng lahat ay may isang kamyembro sila na madaling madala sa mga salita.
"Saan ang lugar na yan?" Nakakunot noong tanong ni Jisha. It must have caught her attention
Imposibleng may ganoong lugar na mapapagbabakasyunan. Except........
"Edi sa Kerr's Mansion. Sa bahay nila Dlare!" Deklara ni Jayson na dinig na dinig ang pagiging masya sa tono ng pananalita.
"What the Hell man!" Protesta na nya.
"Sa Kerr's Mansion ka nakatira Dlare? So pamilya nyo ang nakabili non?" Nanlalaking mata na tanong sa kanya ni Eros.
Hindi nya mapigilang mairita sa nakikita nyang pagkamangha sa mga mata nito.
Oh shit.
"No. Jayson, hindi ako papayag at siguradong hindi rin papayag angb parents----"
"Nope. They were the ones who had this Idea. Nirelay ko lang sa inyo."
Halos mapanganga sya sa sinabi ni Jayson. At mukhang ganoon din ang reaksyon ng kanyang mga kasamahan.
Oh God. This is not happening
Nagpifreak out na sya . Hindi nya lubos maisip na magagawa ito ng magulang nya. Halos tatlong buwan silang walang communication dahil masyado syang busy kaya hindi nya ito ineexpect.
"Teka paano nalaman ng parents ko ang tungkol sa inyo? I mean paano nya kayo kinontak samantalang ako ay hindi ko sila makausap kahit sa cellphone lang?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Dlare.
" I don't know. Bigla na lang may tumawag sa phone ko and nagpakillala na parents mo at niyaya ang buong club na magbakasyon"
"What the......" speechless pa rin sya. Hindi nya lubos maisip na nngyayari ang bagay na ito sa kanya.
"It's a long story Dlare. Ang mahalaga ay makakapagbakasyon tayo." Nakangiting sabi ni Jayson
"Woohoooh! The historical Mansion na hindi naging rourist attraction ay mapupuntahan ko na rin! " masiglang masigla si Eros. Sa lahat sa kanilang nakikinig kay Jayson ay ito lang ang sobramg saya. Samantalang si Ciel at Jisha ay walang reaksyon.
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
AcakDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...