Pagkuha
Hindi na alam ni Dlare kung gaano na sila katagal doon. Wala sila ni anumang kinakain dahil napansin niyang hindi rin sila nakakaramdam ng gutom. Ganoon nga siguro kapag kaluluwa. Hindi nakakaramdam ng gutom. Mabuti na lang din ay nagamot na ni Ciel ang mga sugat nila gamit ang healing spell.
Nakaupo silang lahat sa ilalim ng isang mayabong at malaking puno. Pagod na sila dahil sa mga sunod-sunod na kalaban nila.
"Ang weird nakakaramdam tayo ng pagod pero hindi ng gutom" Wika ni Eros.
"Nagcast ako ng spell sa mga kaluluwa natin. Dahil ang kaluluwa ay katulad pa rin ng katawan natin ang mga senses natin ay nanatili parin. Hindi ko pa kaya na tanggalin ang pagkapagod natin, ngunit kaya kong tanggalin ang gutom na maramdaman natin" Ani ni Ciel.
"Kaya pala."Ani lang ni Eros.
"Lubusin niyo na ang inyong pagpapahinga upang makalaban kayo ng maayos." Muli na namang lumitaw ang Lolo ni Jayson.
Mukhang nasa lahi yata nila ang bigla na lang pagsulpot.Ani ni Dlare sa sarili niya. He shrugged off that thought dahil hindi naman mahalaga iyon.
"Lolo, Ano ho bang pangalan ninyo? Hindi pa po ninyo sinasabi" Tanong ni Eros.
"Isko" Matipid na sagot nito. Hindi naman sila nagreact.
"Mag-iingat kayo sa inyong pagbabalik. Sa susunod na dalawang araw ay mangyayari na ang ritual ng pag-aalay" Ani ni Lolo Isko. Muli na naman itong nawala kasabay noon ang biglang pagputi ng buong paligid sa sobrang nakakasilaw ay napapikit siya.
Pagdilat niya ay nasa isang madilim na lugar siya. Nasaan ako? Anong nangyayari?.Hinintay niya munang masanay ang kaniyang mga mata sa dilim pero tila hindi iyon nangyari. Wala pa rin siyang makita. Nagsimula na siyang mangapa ng mga nasa paligid niya. Malamig na sahig at pader lang ang naramdaman niya. Umusong-usog siya habang nangangapa. Kailangan niyang makita ang pintuan ng silid na ito. Iyon lang ang kailangan niyang alamin.
Kinikilabutan na siya sa loob ng kwartong ito, sa kaniyang palagay ay hindi lang siya nag-iisa rito. Maraming hindi matahimik na nilalang ang nararamdaman niyang kasama niya rito. Pilit na ginagapang siya ng takot sa dibdib kaya naman pumikit siyang muli at huminga ng malalim ng paulit-ulit hanggang sa kumalma ang kaniyang sarili. Hindi niya pwedeng pairalin ang takot sa ganitong sitwasyon. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makaalis rito.
Nabuhayan siya ng loob ng maramdaman niyang hindi na pader ang nakapa niya. Kinalampag niya ito at tumunog. Isang bakal ito. Bigla niyang naalala ang pintuan na sinira nila upang iligtas si Angela noon sa school underground. Malakas ang kutob niya kanina na nasa undergorund nga siya at ngayon ay tiyak na niya iyon.
Tumayo siya at tinadyakan ang pintuan. Pero parang wala lang nangyari kaya naman inulit-ulit niya ang pagtadyak rito hanggang sa mapagod na lang siya. Napaupo siya sa sahig dahil sa pagod.
~~
Hindi alam ni Dlare kung ilang oras pa ang lumipas, Ayaw pa rin bumukas ng pintuan kahit anong gawin niya. Wala din naman siyang makitang gamit na pwedeng pwersahan na mabuksan ang pintuan. Nakaupo na lang siya sa gilid ng pintuan at walang idea kung kailan ba siya makakalabas sa lugar na iyon.
Maya-maya pa ay biglang may narinig siyang tunog. Iyon ang tunog ng pagbukas ng bakal na pintuan. Liwanag ang naaninag niya dalawang tao na nakahood ang sapilitan siyang kinuha. Nagpumiglas siya, ngunit dahil sa gutom ay nawalan na rin siya ng lakas kaya hindi siya makawala sa mga ito. Dinala siya ng mga ito sa isang silid. May mga kandila na nagsisilbing ilaw, medyo maalinsangan at mainit dahil siguro sa dami rin ng kandila. Isang mahabang table ang kaniyang nakita. Punong-puno ng pagkain. Lalong tuloy siyang nakaramdam ng gutom.
Isang taong nakahood ang nasa dulo ng long table at nakaupo. Nakatungo ito kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. Pinaupo siya ng dalawang kasama sa gitna ng mahabang table. Nagsimula ng kumain ang taong nakaupo sa dulo ng table. Habang siya naman ay binitiwan na ng dalawang kasama niya upang makakain na rin siya. Pero hindi niya ginawa. Kahit pa natatakam na rin siya sa mga masasarap na pagkain na nasa hapag at kumakalam na rin ang sikmura niya.
Hindi pa rin siya kumilos, iniwas niya na lang ang tingin niya sa mga pagkain para hindi na siya matakam.
"Hindi magiging mabuti para sa iyo kung hindi ka kakain" May nagsalita na napakalaki ng boses. Iniisip niya na ang taong nakaupo sa dulo ng lamesa ang nagsalita non. Hindi lang siya umimik.
"Sino ka ba? Bakit mo ba ko kinuha?" Tanong niya rito. Pinipilit niyang kalmahin ang kaniyang sarili. Kahit pa galit na siya at ang daming tumatakbo sa isip niya.
"Hindi ba ito ang iyong nais? Ang makapasok sa aming sambahan?"Ani nito at tumawa pa ng mahina "Ibinigay ko lamang sa iyo ang gusto ko. Sa tingin ko ay dapat mo pa akong pasalamatan." Ani nito.
Lalo pa siyang nagalit at nainis dahil sa sinabi nito.
"Sa tingin ko naman ay alam mo ang tunay na pakay ko dito sa kuta niyo" Naiinis niyang sabi pero hindi pa rin siya tumingin.
"Mag-iingat ka sa iyong mga salita. Baka hindi mo na makita pang ulit ang pinaka mamahal mo" Sabi nito. Agad siyang napatingin rito. Inaral niya ang bawat angulo nito upang malaman na niya kung sino ba ito.
"Kung ako sa iyo, ay kumain ka na lang." Ani nito sa kaniya. Hindi niya makilala man lang ang boses nito dahil malaki ang boses nito na tila galing pa ng ilalim ng lupa.
Sumunod siya, kumuha lang siya ng isang tinapay na nakahain sa mahabang lamesa. Tinignan niya ang bawat paligid. Tama nga ang sinabi ng kaniyang mga kaibigan, napakaluma na ng building na ito, maganda pa rin kung tutuusin ngunit nakikita na ang mga bitak sa pader.
"Dalhin niyo na siya sa kaniyang kwarto, huwag niyo siyang ibalik sa kulungan" Ani ng nakahood nang makitang wala na siyang balak pang kumain matapos niyang maubos ang tinapay.
Sumunod naman sa utos ang dalawang taong kumuha sa kaniya mula sa madilim na lugar. Medyo kumalma na siya kaya hindi na siya nagpumiglas pa. Dinala siya ng mga ito sa ikalawang palapag ng building, Hindi niya alam na ganito pala ang loob ng building sa school nila. Underground lang halos ang nakita nila.
Inihatid siya sa isang magarang silid. Malaki ang espasyo, malaki ang kama at kumpleto sa gamit. Hindi niya maisip na pwede pa lang mgakaroon ng ganito kagandang lugar sa loob ng lumang building. Hindi niya lang talaga maintindihan ang pakay ng taong nag-utos na dalhin siya dito.
Naupo siya sa kama. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat isipin. Hindi niya maintindihan kung gaano na siya katagal nawawala. Dahil ang mga kulto pala ang nakakuha ng kaniyang katawan. Biglang may pumasok sa isip niya. Agad niyang hinanap ang cellphone niya. Sa bulsa, sa mga drawer ng cabinet sa loob ng kwarto. Pero bigo siya. Hindi niya makita ang phone niya. Hindi niya tuloy alam kung paano niya kokontakin ang kaniyang mga kasama mabuti na lang ay nasa bulsa niya pa rin ang lace na sandata niya.
~~
BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
De TodoDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...