KABANATA XXXVII

45 3 0
                                    

ICU

Lets sing Merry Christmas and a Happy Holiday!~

The famous song that you'll hear every Christmas season. Ito ang unang linggo ng september para sa taong ito. Malapit na ang midterms nila Dlare. Pero heto siya at sinasamahan ang kaniyang Mommy sa first wave ng Christmas Shopping. Namimili na ito ng mga bagong decorasyon kada taon. May sinusunod kasi itong theme every christmas. At ang theme for this year is white Christmas. Kaya pulos palamuting puti at asul ang binibili ng kaniyang Mommy. Mabuti na nga lang at napapayag niya itong wag ng palitan ang kanilang Christmas tree na kulay green. Gusto pa kasi nitong bumili ng white christmas tree.Dumampot ang kaniyang Ina ng isang garland na kulay silver.

"Ito, tingin mo maganda?" Tanong sa kaniya nito.

"Uh..... Yap maganda--"Kahit hindi niya sigurado kung maganda nga ito.

"Okay then" Agad nitong nilagay sa cart na dala nila bago pa man siya makatutol.

"Pero Ma, marami ka ng biniling garland diba?"Angal niya.

"Dlare, Alam mo naman na malaki ang Christmas tree sa bahay kaya kailangan talaga ng maraming garland. At isa pa hindi lang naman iyon ang lalagyan ko. Pati na ang hagdanan natin" Ani ng kaniyang Ina.

Hindi na lang nagsalita si Dlare bagkus ay umirap na lang siya. Hindi naman siya mananalo sa kaniyang Ina. Hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit hindi si Daren ang kasama ng kaniyang Mama, kundi siya.

Lumipas ang dalawang buwan mula ng nakakita siya ng mga bagay patungkol sa nakaraan ni Aryia doon sa simbahan. Wala pa rin silang balita sa kinaroroonan ni Luis. Isa na rin ito sa mga missing person na naitala ng mga pulis. Ang mga kapit-bahay nito ang nagfile ng missing complaint. Patuloy rin naman sila sa paghahanap sa posibleng kinaroroonan ni Luis. In short, their whole 2 months lead to nothing. No more clues. 

Natapos na niya ang Diary ni Aryia. Wala naman silang masyadong nakuhang mahalagang impormasyon doon bukod sa taong 1780 ito namatay. Napabuntong-hininga na lang siya ng naisip ang lahat ng iyon. Medyo nagfocus na rin kasi siya acads niya dahil ayaw niya rin naman bumagsak sa bagong taon niya. He's already 2nd year college now, kaya mas mahihirap na ang tinetake niyang subject.

"Nga pala Dlare, We should visit Des sa hospital. Matagal-tagal ka na rin hindi nakakadalaw sa girlfriend ng Kuya mo. Saka diba sabi mo Prof mo siya?" Ani ng kaniyang Mama.

"Yeah...." Napabuntong-hininga ulit siya. Simula kasi ng isugod ito sa ospital noong nandoon pa sila sa mansyon ay ni minsan ay hindi niya pa ito dinalaw. Hindi naman sa ayaw niya. Naging busy na lang din kasi siya sa mga kaso na meron sila. Saka hindi pa rin siya nakakalimot sa pagtatangka nito sa buhay niya noong nasa kubo pa sila. "so kailan ba ang pagdalaw niyo ulit?" Pagsuko niya. Hindi naman na siguro masama kung damayan man niya ang kaniyang Kuya. Halata kasing nag-aalala pa rin ito. Ilang buwan na rin itong walang palya sa pagdalaw sa girlfriend nito.

"Sa Monday. Anong oras ba ang uwi mo sa Monday?"Tanong nito.

"Uhm. 5pm" Simpleng sagot niya.

"Well then, we'll pick you up in school para sabay-sabay na tayong pumunta don." Wika ng kaniyang Ina. Tumango na lamang siya rito.

Ayon naman sa kaniyang ina, Ay rare case daw ang meron kay Odessa. Sabi na rin ng doktor na tumingin dito. Di pa rin daw kasi alam kung bakit ito nawalan ng malay at nauwi sa coma. Sabi pa ay maari daw na may kinalaman ito sa brain activity. Hindi na nabanggit ng mama niya yung mga scientific terms. Well hindi rin naman kasi madaling banggitin ang mga ito lalo na kung isang beses mo lang naman maririnig.

~~

Ika- 19 ng marso taon 1780

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kanina. Hindi ko magawang maging masaya sa harap ni Padre Cristobal. Inihayag na sa kaniya ng aming mga ama ni Mikael na ikakasal kami sa taong ito. Kahit na naging masaya ako dahil sa natutunan ko sa misa, ay agad din namang napawi iyon ng ihayag na ng aming ama ang nakatakda naming pag-iisang dibdib. Sabi nila Ina at Ama na matutunan ko rin na mahalin si Ginoong Mikael. Pero Hindi ko nais matutunan lamang ang pagmamahal kungdi nais ko rin na maranasan ito sa natural na paraan at hindi dahil sa paraang wala na akong pag-pipilian kungdi ang mahalin siya.

~Aryia.

~~

The moment Dlare set his first step to the hospital, it sent shivers to his whole body. Hindi niya talaga gusto ang ambiance ng mga ospital kahit kailan. Hindi niya alam kung bakit, sa tantya niya ay marahil dahil ito sa hindi siya sanay. Sana nga dahil lang ito sa hindi ako sanay. Ani niya sa kaniyang sarili. It is not easy to make excuses sa mystery club na hindi siya makakaattend sa meeting nila. Hindi niya rin kasi talaga sinabi ang dahilan kungbakit ba niyang kailangan umuwi ng mas maaga. Mabuti na lamang at pumayag naman si Jayson.

Nasa ICU daw si Odessa dahil averytime na inililipat ito sa ibang room ay lumalala ang kalagayan nito. Ilang beses na daw muntikang mamatay ito. Kaya mahal man ang babayaran ay pinanatili nila ito sa ICU.

Dahil ICU ito, ay hindi lahat pwedeng pumasok ng sabay-sabay. Kailangan isa or dalawa lamang ang maximum na papasok sa loob nito na magkasabay. Nasa labas lamang sila ng kaniyang pamilya. Nakita niya sa glass window nito na naroon ang kaniyang Kuya Dj. Nakatingin lang ito sa girlfriend at mukhang kinakausap ito. Nalulungkot siya para sa kaniyang kuya. Dahil bihira itong magkagirlfriend. Kung magkakaron man ay paniguradong longterm ang magiging relationship ng mga ito. Nang makita sila ng kaniyang kuya na nasa labas, ay agad naman itong lumabas. Tinanggal nito ang suit at mask.

"Oh Nandito na pala kayo Ma" Nagbeso ito sa kaniyang mga magulang.

"Ah yeah. Kamusta siya?" Tanong ng kaniyang Ina. Agad naman napailing ang kuya niya bago sumagot.

"Wala pa rin pong improvement. Ganon pa rin." Ani ng kaniyang kuya. Tinapik niya ang balikat ng kaniyang kuya upang icomfort ito. Ngumiti lang ito ng malungkot sa kaniya.

"Ngayon lang kita nakitang dumalaw. Busy ba masyado?" Tanong nito. Agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Ah Oo eh. Ang daming school activities" Sagot niya ng hindi masyadong tumitingin rito ng diretso.

"Okay lang. Thanks man" Ani nito at tinapik ang likod niya.

Nagtanong ang kaniyang ina kung pwede na silang pumasok. Kaya pumasok na sila ni Daren. Si Daddy naman ay nagpaalam na bibili ng pagkain kaya naiwan sila ng kuya Dj niya sa labas.

"Alam mo, Wala ng magulang si Odessa. Kaya wala rin talagang nagbabantay sa kaniya. Meron siyang kamag-anak sa probinsiya pero hindi na niya ito mga kilala pa. Kaya naman tayo na lang talaga ang bumibisita sa kaniya."Wika ng Kuya niya.

"Kung ganoon, Sino ang nagbabayad ng hospital bills niya" Tanong niya.

"Siya pa rin. Well, Kung kaya ko tumulong ay ako na minsan ang nagbabayad ng bill niya."

"Paanong siya?" Nagtatakang tanong niya sa kuya niya.

"Well. Ang weird nga eh. Bago pa 'to mangyari, binigay niya na sakin at bank account details niya. She said incase of something happen to her, may pera naman siya para gastusan ang sarili niya. It feels like, alam niya na mangyayari ang ganiyan sa kaniya. But well I guess not. Sino ba naman ang taong makakaalam ng pwedeng mangyari sa kaniya in the furture right?" Ani ng kuya niya.

Nanlaki ang mga mata ni Dlare sa narinig niya sa Kuya niya. What does he mean na parang expected na ni Odessa na mangyayari ito sa kaniya? Kung normal na tao lang ang pagkakakilala niya rito ay iisipin niyang walang sens na theory lang ito ng kuya niya. But he knew her not in a simple way. There's something going on here. He said to himself. 

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon