Ritual
Ika-6 ng Nobyembre Taon 1780
Nakaharap si Mikael sa mga bulaklak. Handa na siyang magtapat ng kaniyang pag-ibig sa kaniyang minamahal. Nagbigay siya ng kapirasong papel na may mensahe rito. Muntikan niya pa ngang hindi maibigay iyon dahil nawala ang unang papel na sinulatan niya.
Nakarinig na siya ng yabag ng isang mahinhin na dalaga at natitiyak niya na nga na ito ang binibining hinihintay niya.
"Alam kong, hindi ko maipakita sa iyo ng tama ang aking nararamdaman dahil hindi ko pa alam kung paano iyon ipapakita at ipaparamdam sa iyo." Panimula niya. Hindi na siya nag-abala pang humarap dahil nais niyang maging romantiko ang kaniyang mga bawat bigkas. At hindi niya iyon magagawa kung aatakihin siya ng kaba sa dibdib.
"Pero ako'y nangangako na mamahalin kita ng wagas kapag dumating na ang oras na ika'y aking may bahay na. Hindi ko nais na saktan ka. Ang maipapangako ko lamang sa iyo ay hinding hindi ka na masasaktan at liligaya ka sa aking piling pagdating ng panahon na tayo'y iisa na." Wika niya at napangiti dahil nasabi na niya ang nilalaman ng kaniyang damdamin.
"Tunay ngang, tama ang aking hinala. Ako nga ay tunay mong iniibig at hindi ang aking senyorita. Mahal din kita Mikael at hinding hindi ka magsisi na ako ang iyong pinili."
Nanlaki ang mata niya at agad na napalingon sa nagsalita. Iba ang inaasahan niyang boses sa boses ng nagsalita. Nagulat siya sa kaniyang nakita. Si Isabel ang kaniyang nasa harap. At hindi ang kaniyang tunay na Inaasahan na si Aryia.
"I-Isabel?......."
Agad itong yumakap sa kaniya.
"Tama nga ang aking hinala na ako ang iyong tunay na iniibig. Salamat mahal ko at naging totoo ka sa iyong damdamin."
~~
"Tama nga ang hinala ko. Siya nga ang tunay na pumatay kay Aryia" Ani ni Jayson. Sabay-sabay naman silang napalingon dahil sa sinabi nito.
"Ako rin, may hinala na rin ako matagal na" Sabi naman ni Ciel.
"Ano? May mga hinala na kayo? At hindi niyo man lang iyon sinabi sa amin?" Gulat na sabi ni Eros.
"Hindi ko pwedeng sabihin dahil nasa katawan ko siya. Kung sasabihin ko sa inyo ay malalaman na din ni Isabel na pinaghihinalaan natin siya." depensa si Ciel.
"Hindi ko pa ganoon kasigurado ang hinala ko kaya naman hindi ko muna sinabi sa inyo. Isa pa, tulad din ng sinabi ni Ciel nakasanib ang kaluluwa ni Isabel sa kaniya kaya hindi ko din masasabi sa inyong lahat" depensa naman ni Jayson.
"Okay, tama na. Ang mahalaga, ay alam na natin kung sino ba talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito. Iyon ay si Isabel. Ngayon dapat natin siyang pigilan sa gusto niyang gawin na masama kay Aryia" Ani naman ni Jisha.
Tama naman ang sinabi ni Jisha. Pero hindi magawang makapag-isip ng tama ni Dlare dahil sa lahat ng nalaman niya. Natauhan siyang bigla ng biglang tumunog ang malaking orasan sa silid na kinalagyan nila. Nakita niyang nakatutok ang maliit na kamay sa roman numeral na three sa orasan. Naalala niyang bigla ang sinabi kanina ni Odessa na Alas-tres magsisimula ang ritual nila.
"Oras na! Upang ialay ang kaluluwa ng babaeng ito sa ating diyos na si Satanas!" Malakas na wika ni Odessa a.k.a. Isabel. Nakita niyang nakapuwesto na ang mga myembro ng kulto na ito.

BINABASA MO ANG
Three Centuries Afar
RandomDlare is an ordinary student until he met this not so ordinary girl. Then he met this weird members of this weird club. His life changes after he witness this unfortunate event and feel this uninvited feelings. R-16 po ito. Sa kadahilanang may mg...