KABANATA XXIII

50 4 0
                                    

Lucid Dreamer

Pasukan na naman at nasa ikalawang taon na ng pag-aaral sa kolehiyo si Dlare.

Sa totoo lang ayaw nya pamg magpasukan dahil hindi pa rin nila nahahanap si Aryia. At tila natutulog pa rin ang kanilang kaisa-isang lead para mahanap ang babae.

Halos dalawang bwan na din mula ng mconfinesi Odessa sa ospital dahil hindi pa rin ito gumigising. Sa tingin nya ay may koneksyon ang nangyari rito sa pagkawala ni Aryia.

"Dlare"

"Ikaw pala Jayson."

"Nakuha monna sched mo?" Tanong nito sa kanya ng lumapit ito.

"Yeah." Matipid nyang sagot.

"Patigin" ibinigay nya rito ang kanyang registration form kung nasaan ang kanyang Schedule.

Halos tahimik ang buong bakasyon nila at wala silang kaso ng natatanggap.

"Kamusta na si Ciel?"

"Iyon. Ganun pa rin"

2months ago...

"Nawawala si Ciel!" Sigaw ni Jisha ang bumungad kay Dlare paglabas ng kwarto. Agad nyang nilapitan si Jisha.

"Saan naman sya pupunta?" Halata sa boses ninEros ang pag aalala.

"Sa simbahan" Napalingon silang lahat kay Jayson. Seryosong mukha lang ang ibinigay nitong tugon sa kanilang mga mukha na nagtataka kung paano nitonna laman ang kinaroroonan ni Ciel.

Hindi na sila nagsayang ng panahon at agad na silang nagtungo sa simbahan.

Tama nga si Jayson dahil nasa simbahan nga si Ciel.

Natagpuan nilang nakaharap ito sa painting ng Langit, lupa at impyerno.

"Ciel." Tawag ni Jisha ngunit hindi sya nito nilingon

Lumapit sila sa kaibigan na nananatiling nakatitig sa malaking painting ng simbahan.

"Ipinahiram sa akin ng binibini  ang kanyang katawan ng panandalian."

Nanlaki ang mata nilang lahat sa sinabing iyon ni Ciel. Ibig sabihin ay.......

"S-sino ka?" Halatang naglalakas na loob na tanong ni Jisha.

"Isabel. Isabel Buhay ang aking ngalan" tugon nito at humarap sa kanila.
~~~

"Mukhang nananatili pa rin ang kaluluwa ni Isabel sa katawan nya." Sabi ni Dlare.

"Yeah. Nakikita kong sobrang nahihirapan siya sa pagkontrol. Mabuti na lamang at mabait si Isabel." Tugon ni Jayson sa kanya.

"Yeah. Mabuti na nga lang. Kahit na minsan ay bigla bigla na lang nyang itinetake-over ang katawan ni Ciel."sabi nya at napabuntong hininga na lang.

Hindi na kasi nilubayan ni Isabel ang katawan ni Ciel. Ngunit kungb tutuusin ay nakakabuti naman ito sa kanila sapagkat maari nilang malaman ang nakaraan ni Aryia sa pamamagitan ni Isabel.

"Sinabi nyo pa. Buti sana kung sinasagot nya ang mga tanong natin eh" sabay silang napalingon sa nagsalita. Si Eros iyon.

"Ano? Tapos ka na magrecruit ng mga members ng History Club?" Tanong ni Jayson rito.

"Hmm sort of. Pinabayaan ko na sa ibang officers. Nakakabigla ang pagdami ng interesado sa club namin eh" tugon nito at ngumisi.

"Tara na. Naghihintay na si Jisha at Ciel sa Clubroom" pagyaya nya sa mga ito.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon