KABANATA XLV

47 3 0
                                    

Pasya

Isang payappang umaga ang mayroon sa Paete. Sabado ngayon at walang balak si Dlare na gumising ng maaga dahil sa ito lang ang magiging matinong pahinga niya mula sa hell week na pinagdaanan nila. Ngunit hindi lahat ng bagay ay naayon sa plano dahil malakas at sunod-sunod na katok ang biglang umingay sa pintuan ng kaniyang kwarto.

"Kuya! Gising na! Tanghali na daw sabi ni Mama!" boses iyon ng makulit niyang kapatid sa si Daren. Nagising na ang diwa niya dahil sa mga sunod -sunod na kalabog sa pintuan ng kaniyang kwarto.

Bumalikwas lang siya para makapagbago ng pwesto at ginamit ang kaniyang unan upang matakpan ang magkabilang tainga.

"Dlare! Dlare! Ginigising ka na ng iyong nakababatang kapatid. Marapat lang na ika'y bumangon na" Isang malambing na boses ang kaniyang narinig. Hindi man niya tignan kung sino ang nagsasalita ngunit alam na niya kung sino ito.

"Ma! Si Kuya ayaw bumangon!" Ito ang huling sigaw ni Daren na narinig niya bago niya narinig ang mabibigat na hakbang nito papalyo sa pintuan ng kaniyang kwarto.

Hay salamat, wala ng epal sa tulog.

"Ginoo, wala ka ba talagang balak na bumangon. Tama ang iyong kapatid na tanghali na nga." Ani ng malambing na boses.

"ugh. Five minutes pa" Sabi niya. Iyon lamang at bumalikwas siyang muli upang maiwasan ang pinanggagalingan ng boses.Wala na siyang salita ulit na narinig pero narinig niyang nagring ang kaniyang phone.

Kinapa-kapa niya pa ito para maisilent. Nang hindi makapa ito ay hinayaan niya na lang hanggang sa mawala ang tumutunog. Nagpatuloy lang siyang nakapikit hanggang sa muling magring ito. Nainis na siya sa mga epal ngayong umaga na ito kaya naman bumangon na siya at hinanap ang phone niya. Nang makita niya na ito ay nagulat siya ng makitang si Jayson ang tumatawag.

"Hello?"

"Hello Dlare buti sumagot ka na"

"Why?"

"Uhm Just want to say na papunta na ako diyan sa inyo"

Tuluyan ng nagising ang diwa niya sa sinabi ni Jayson.

"Huh? Ngayon na as in? On the way ka na?" sunod sunod na tanong niya rito.

"Oo. May kailangan kang malaman this is all about Aryia."

Agad siyang nakaramdam ng kaba sa narinig niya kay jayson.

"Bakit naman biglaan at bakit ngayon mo lang sinabi? Magkasama tayo nung Thursday ah?"

"I Just thought na ikaw lang muna ang dapat makaalam nito. Saka This is really long overdue. Ngayong nakabalik na ang kaluluwa niya mas mabuti nang gawin ito. Baka mawala na naman siya."

Iyon lang at bigla na lang nitong binaba ang telepono. Habang siya napatulala lang at patuloy na kinakabahan kung ano ba ang nais sabihin ni Jayson. He checked the time. It's already 9am. Maaga pa to para sa kaniya pero ang time na ito ay tanghali na dito sa probinsya.

"Mabuti at ikaw bumangon na Ginoo" Ani ng dalaga bigla na lang itong sumulpot sa harap niya mismo at nakaupo pa ito sa kaniyang kama. "ang aking akala ay mamaya ka pa gigising" sabi pa nito. Nakangiti ito sa kaniya. Bumalik na ito sa dati nitong kasuotan at napansin niyang suot nito ang hair clip na binili niya nung nakaraang linggo.

"May naaalala ka na ba?" Agarang tanong niya rito. Ngumiti ito ng malungkot at umiling lamang sa kaniya,

"Lo siento Dlare. Ngunit hindi pa rin nagbabalik sa akin ang aking mga ala-ala" Ani nito.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon