KABANATA LIV

30 3 0
                                    

True color

"Nalaman mo ba kung sino ang pumatay sa iyo?" Tanong ni Dlare kay Luis.

Umiling lang ito bilang pag sagot.

"Hindi iyon ang naging naisin kong malutas. Mas natuon ang atensyon ko sa pagkamatay ng babaeng minahal ko. Isa pa, patuloy kong hinanap ang kaluluwa ni Aryia. Hanggang sa natuto ako sa pagsanib sa mga tao. Naging palipat lipat ako ng mga taong sinasaniban. Hanggang sa mapadpad ako sa katawan na ito at makilala kayo."

Hindi makaisip ng sasabihin si Dlare dahil sa mga nalaman niya. Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang sabihin sa lalaking kaharap niya.

"Dlare, Ako ang nagbigay sa iyo ng tala-arawan ni Aryia. Nakuha ko ito sa kaniyang mga gamit na dapat susunugin ng kaniyang mga magulang matapos siyang mailibing. Napaka habang panahon na rin na hawak ko iyan. Naisip kong pwede akong makakuha ng maaring maging susi upang malaman ko kung sino ang pumatay sa kaniya."

"Pero, anong pakiramdam mo ngayon? Nakita mo na ang kaluluwa ni Aryia.Nandoon lang siya oh!" Sabi ni Eros at itinuro ang dalaga na nananatiling walang malay na nakaupo sa magarbong upuan na napapaligiran ng mga istatwa ng demonyo.

Malungkot itong ngumiti bago nagsalita.

"Nakakalungkot, nasa harapan ko lang siya pero hindi ko pa rin siya makita. Sinumpa ang kaluluwa ko na hindi siya makita kahit kailan pa man"

Natigilan silang lahat sa sinabi nito. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin sa katabi niya. Ang ibig sabihin niya ay.......

"You mean, hindi mo nakikita ang kaluluwa ni Aryia kahit nandoon lang siya sa malaking upuan na iyon?"Tanong ni Jisha. Tumango lang ito.

"Ngunit sinong gumawa ng lahat ng ito? Si Odessa? Paano ka niya nakilala? Sinong sumumpa sa iyo?!"

"Hindi siya ang tunay na babaeng nakikita mo sa panlabas lamang. Iba lang ang kaniyang anyo kagaya ko. Isa siyang mapagpanggap na tao kahit noong nabubuhay pa kami. Ngayon, tiyak na nga ako na siya ang pumatay sa akin pati na rin kay Aryia."wika nito.

"Anong ibig mong sabihin? Sino?!" Bulalas niya. Hindi niya na mapigilan ang kaniyang sarili dahil sa mga paligoy-ligoy na sinasabi nito.

"Si Isabel. Siya si Isabel. Ang kaluluwa sa loob ng katawan na iyan ay si Isabel."Paglalantad nito.

Nanigas si Dlare sa kaniyang kinauupuan. Narinig niya pa ang pagsinghap ni Jisha, nakita niya rin ang paglaglag ng panga ni Eros habang si Ciel at Jayson ay walang reaksyon.

~~

Ika-16 ng Setyembre 1780

Umalis na si Aryia at Iniwan sina Isabel at Mikael upang magkausap. Ngunit hindi masaya si Mikael sa ginawa ng kaniyang minamahal na binibini. Batid niyang ginagawa lamang ito ni Aryia upang maitigil ang kanilang pag-iisang dibdib. Dahil alam nilang dalawa ni Aryia na tinatangi siya ni Isabel.

"Napakaganda ng gabi" Ani ni Isabel.

Hindi alam ni Mikael ang kaniyang sasabihin ngunit umakto pa rin siyang kaibigan para sa dalaga. Kahit alam niyang itinatangi siya nito.

"Oo nga. Maaliwalas ang langit dahilan upang lumitaw ang napakaraming bituin" Ani niya. Ngayong iniwan na sila ni Aryia ay mas nakakabuti na rin sigurong kausapin niya ang nag-iisang kaibigan nito na si Isabel.

"Maligayang Kaarawan sa iyo Ginoong Mikael. Napaka sasarap at napakaganda ng mga dekorasyon para sa iyong kasiyahan" puri ni Isabel.

Three Centuries AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon