KABANATA FOUR
[ Opposite ng Badminton ]
---------------------------------------
FARFALLA's POV
*BOINK*
Napatayo ako ng biglang kumalabog ang ulo ko sa semento. Bakit ako nasa semento? Siguro nahulog ako ng di ko namamalayan.
Teka nga? Anong oras na ba? Bakit parang late na ako sa school? Anong oras na ba?!
Tumayo ako sa semento at binalik ang kumot ko sa kama. Tiningnan ko ang alarm clock ko tapos nagulat ako dahil 9:00 AM na!!!! Hala! Late na ako.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan at muntikan pa akong madulas at pumunta agad sa hapag kainan para mag-almusal.
Nagmamadali akong kumukuha ng plato pati kanin tapos sila kuya Zild nakatingin sakin.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Nakakatuwa ka naman, pamangkin. Nagrurush ka sa pagkain." Sabi ni tito Badjao.
"Eh kasi naman tito Badjao, late na ako." Sagot ko. Tas tumawa ng malakas si kuya Zild.
"Farfalla Daniella, walang pasok ngayon. Wala kang pasok ngayon." Sabi ni tita Aimee. Hah?! Bakit?
"Bakit po tita?" Tanong ko.
"Nagtext sa akin yung adviser mo. Wala daw kayo pasok ngayon kasi may emergency meeting daw ang mga teachers tungkol sa program ninyo." Sabi ni tita Aimee. Ano namang program yun?
"Nagtext po sa inyo?"
"Oo kasi guardian mo ako. Wala din nabanggit kung anong program yun."
Kaya pala tuwang-tuwa si kuya Zild kasi nagmamadali ako, wala naman palang pasok.
"Bunso, mag-almusal ka na. Eto o corned beef tsaka bacon." Sabi ni kuya Zild. "Oo nga pala, mamayang hapon magbabadminton tayo."
"Badminton? Saan?" Tanong ko.
"Sa park daw sabi ni Blaster." Sagot ni kuya Zild.
"Sinong kasama?" Tanong ko.
"Yung isang friend daw ni Ter. Di ko naman kilala sino," Sabi ni kuya Zild.
"Ay oo nga pala Zild, bukas makikilala na natin si Unique sabi sakin ni Tito Allan." Sabi ni tito Badj. Ah si Unique. Yung kasama nila sa Chop Suey. Ang weird noh? Chop Suey.
"Sigurado na kayo sa band name ninyo? Chop Suey?" Tanong ko.
"Oo. Astig naman." Sabi ni tito Badj. Astig pa yon? Chop Suey? Jusko.
"Bali madadagdagan ang mga tumatambay dito sa bahay. Si Blaster tapos si Unique. Pero bukas tatambay tayo sa bahay nila Blaster dahil may pakain daw sila." Sabi ni kuya Zild.
So may grand feast bukas sa bahay nila kuya Blaster. Charot!
"Kuya Zild, paano tayo maglalaro ng badminton eh wala naman tayong raketa?" Tanong ko habang nandito kami sa labas ng bahay namin pero hindi sa labas ng gate at hinihintay si kuya Blaster.
"Meron daw raketa si Blaster," Sabi ni kuya Zild. "Oo nga pala kamusta ka?"
Bat niya ako kinakamusta?
"Bakit mo ako kinakamusta kuya? Ayos lang naman ako." Sagot ko.
"Hindi. Kilala kita. Alam ko may dinadamdam ka diyan, kung ano man yan sabihin mo lang sakin." Sabi ni kuya Zild.
"Okay kuya." Sabi ko.
Ang swerte swerte ko talaga kay kuya Zild. Siya na yung kuya at magulang ko. Swerte din naman ako sa magulang dahil binuhay nila ako. Inalagaan, pinalaki. Sadyang may galit lang sa puso ko dahil sa mga nangyari. At maswerte rin ako kila Tito Badj and Tita Aimee.
BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...