KABANATA THIRTY-FIVE
[ Post-It Notes ]
--------------------------
UNIQUE's POV
Kagabi, umalis din kami agad sa ospital kasi may magbabantay naman kay Farfalla. Mula kagabi, hindi pa siya gumising. Hindi naman siguro maco-coma.
Sa ngayon, kasama ko si Blaster. Dadalaw kami ulit sa ospital. Nasa National Book Store kami, nagpasama siya sakin bumili ng post-it notes tsaka ballpen.
"Ano bang gagawin mo diyan, Blaster?" Tanong ko pagkatapos niyang bayaran ang mga ito.
"Susulatan ko si Farfalla. Didikit ko doon sa pader na sa taas ng kama niya, para paggising niya babasahin niya lahat." Sagot ni Blaster.
"Alam mo maganda gawin diyan? Dikit mo sa pader yung mga yan pero pa-shape puso." Suggestion ko.
"Oo nga noh? Salamat, Unique. Tulungan mo akong magdikit mamaya."
"Sige."
Nasa elevator na kaming dalawa ni Blaster, kami lang talagang dalawa. Habang paakyat, iniisip ko yung kababata ko. Parehas sila ni Farfalla na allergic sa pusit. Kasi doon sa panaginip ko nung isang gabi, binawalan ko daw siyang kumain ng ginisang pusit.
"Unique? Pwede magtanong?"
"Sige lang, Ter."
"Yung kababata mo din ba allergic sa pusit?"
"Oo eh. Napanaginipan ko siya nung isang gabi."
"Sinabi ba anong pangalan?"
"Wala nga eh. Pero meron siyang tawag sa akin, yun nga lang paggising ko di ko na matandaan."
"Mahahanap mo din siya, Unique."
"Sana nga."
Saan nga ba ang tagpuan ni Bathala? Baka sakali kung alam ko, baka doon ko siya mahanap.
--------------------------
FARFALLA's POV
"Kuya Zild, asan ang mama ninyo ni bestie? Wala ba siya?"
"Wala eh. Kailangan niyang umuwi doon sa isa niyang pamilya kaya kami nila tito Badj nagbantay sakanya."
Gigising ako pero wala na naman si mama? Hindi niya ba ako kayang alagaan? Kahit sandali lang? Grabe naman.
"Blaster, kubit yung isang post-it note, kapag di mo inayos yan di maghuhugis puso." Rinig kong sabi ni Unique.
"Huwag kang maingay, Unique. Baka mamaya marinig ka ni Farfalla. Surprise nga eh." Sabi ni kuya Blaster. Ang hindi niya alam, naririnig ko siya. Hindi ko lang talaga minumulat ang mga mata ko.
"May pick-up lines ka pa kuya Blaster ah." Sabi ni Shanne. "Sweet."
"Bakit Shanne? Inggit ka? Gusto mo banatan kita ng pick-up line?" Rinig kong sabi ni kuya Zild. Sabi ko na nga ba, si Shanne yung dahilan bat siya nagka-tigyawat sa ilong noon eh.
"Edi banatan mo." Sabi ko.
"BESTIE!!!!!!! GISING KA NAAAA!!!!"
"TANGGALIN KO YANG MUTA MOOOO!" Sabi ni kuya Zild. Muta ko talaga pinansin. "Ang tagal mong natulog ah."
Si tita Aimee at tito Badj hinahanap ko kung nasaan kaso nakita ko tulog silang pareho sa sofa.
"Hi, Farfalla. Alam mo namiss kita." Sabi sa akin ni kuya Blaster.
"Namiss mo ako? Natulog lang naman ako." Sabi ko.
"Ang tagal mo kayang matulog!" Sabi niya sa akin.
"Aba malay ko bang ganoon kahaba ang tulog ko." Sabi ko sakanya.
"Alam mo Farfalla, may hinanda si Blaster para sayo. Nasa pader. Lingon ka kapag kaya mo ng umupo." Sabi ni Unique.
"Kaya mo na ba?" Tanong ni kuya Zild.
"Oo." Sabi ko.
Umupo ako sa kama ko at tinulungan naman ako ni Shanne.
"Alam mo bestie, basahin mo lahat yung nakadikit sa pader, ewan ko na lang kung makatulog ka pa sa gabi." Sabi ni Shanne.
Lumingon naman ako sa pader at nagulat ako kasi andaming nakadikit na post-it notes tas shape pa siyang puso. Si Kuya Blaster talaga.
"Farfalla, pag-pasensyahan mo na yung ibang nakasulat diyan. Medyo corny kasi yung mga joke ko." Sabi niya sa akin.
Kumuha ako ng isa at binasa.
You are my sunshine. Thank you for being my sunshine when my skies are gray.
If you are a princess, you won't be a princess of any kingdom but you'll be my princess.
Pagod ka na ba?
Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko.Patuloy lang akong kumukuha ng mga post-it notes ni kuya Blaster.
Knock Knock
"Who's there?"
Obama
"Obama who?"
Obama ooh na na half of my heart is in Obama ooh na na"Ano kabaligtaran ng madaling araw?"
Edi MAHIRAP na araw.Maganda ka kapag tulog pero mas maganda ka kapag gising. Pero ang pinakamaganda yung sabay tayong matutulog sa gabi tas sabay gigising sa umaga. (O diba? Parang mag-asawa pero things take time.)
"Anong klaseng trabaho dapat ang kunin mo para hindi ka maligaw?"
"Ano?"
"JANITOR."
"Kasi ang janitor may mop." (If you really know what I mean.)
"Mamaya ko na basahin yung ibang nakalagay sa post-it notes. Kakain muna ako ng almusal." Sabi ko.
"Sana kinilig ka." Sabi sakin ni kuya Blaster.
Napapangiti ako kapag binabasa ko yung mga sinulat niya sa post-it notes. At the same time, deep inside, kinikilig na din ako.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...