Kabanata 5

181 6 4
                                    

KABANATA FIVE

[ Panalangin ]

-----------------------------------

FARFALLA's POV

"Tito Badj, mauuna na po ako. Ihahatid na po ako ni kuya Zild," Pagpaalam ko kay tito Badj.

"Sige mag-iingat kayo. Huwag niyong kakalimutan mamaya yung pakain sa bahay nila Blaster."

"Okay po. Ingat din kayo ni tita Aimee kapag hinatid niyo sa work niya,"

"Sige pamangkin. Baka malate kayo. May allowance ka na ba at baon?"

"Opo tito Badj! Meron."

"Baka kulang?"

"Hindi naman po tito Badj. Sige po pasok na ako."


Hinatid na ako ni kuya Zild sa school tapos agad akong dumiretso sa classroom.

"Bestie, andiyan ka na pala!" Sabi sakin ni Shanne. Umupo na ako sa armchair ko tapos habang wala pang teacher, binuksan ko muna ang cellphone ko nag-Twitter.

Pagbukas ko sa Twitter agad bumungad sakin ang mga tweets ni kuya Blaster.

@Bsilonga: Nagenjoy ako nagbadminton and nagJollibee.

@Bsilonga: Hihigitan ko na ang Yum Burger. Darating na ang Blaster's Basang Burger.

@Bsilonga: "Opposite ng BADminton?" — GOODminton

@Bsilonga: HAHAHAHAHAHAHA mo lang, masaya na ako. @farfalladani_ ❤️

Minention niya pala ako. Pakiramdam ko talaga, may gusto sakin si kuya Blaster.

"Shanne, may sasabihin ako."

"Ano yun?"

"Nakita mo na ba mga tweets ni kuya Blaster?"

"Oo, nilike ko nga lahat. Minention ka pa. Alam mo bestie, feeling ko may gusto sayo si kuya Blaster."

"Seryoso?"

"Oo nga! Iba kaya ang tingin niya sayo. Kapag nakikita ka niya, alam mo bang kumikinang ang mga mata niya,"

Nag-Twitter ako ulit tapos nilike lahat ng tweets ni kuya Blaster. Tas nireplayan ko yung tweet niyang isa.

Replying to @Bsilonga:
@farfalladani_ : Syempre, support kuya Ter 😂 you are so witty kaya💓

Pinatay ko na yung cellphone ko at bumaling kay Shanne.

"Shanne, gusto mo bang pumunta mamaya sa bahay nila kuya Blaster? Kasi darating na daw si Unique." Sabi ko.

"Actually, talagang pupunta ako. Chinat kasi ako ng kuya Zild mo kahapon."

Nagulat ako at napanganga. Chinat siya ni kuya Zild?!

"Chinat ka ni kuya Zild?!" Gulat kong tanong.

"Oo. Walang meaning yun."

"Pero kinikilig ka?"

"Hindi!"

After ng dalawang subjects sa umaga, recess na. Kaya papunta kami ni Shanne sa canteen.

"Oo nga pala, Farfalla. Saan mo nilagay yung drawing ni Teigan?"

"Nasa pader ko. Naka-push pin,"

"Nakita na ba yun ng kuya Zild mo?"

"Hindi. Hindi ko pinakita sakanya. Hindi dahil baka mamaya anong isipin niya sa amin ni Teigan, pero siguro pag minsan ipapakita ko yun sakanya."

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon