Kabanata 37

90 3 0
                                    

KABANATA THIRTY-SEVEN

[ Cake ]

---------------------------

BLASTER's POV

Kahapon pa umuwi si Farfalla. Kaya ngayon, pwede ko naman siguro siyang i-date. Yung plano ko na panghaharana sakanya, may schedule na. Siguro next week bago kami mag-gig ng sunod-sunod.

Papunta ako sa bahay nila ngayon at bukas yung gate. Pero syempre magta-tao po muna ako.

"TAO PO!" Sigaw ko at nakita kong lumabas si tito Badjao doon sa pinto.

"O Blaster ikaw pala! Anong ginagawa mo dito?"

"Kasi tito Badj gusto ko po sanang i-date si Farfalla. Kung okay lang sa inyo."

"Nako, mukhang mahirap siyang ilabas ngayon Blaster. Papano andito si Nico. Yung kababata niya, at ayun chumichibog sila ng mocha cake."

Naghabilin ang mama ni Farfalla, na protektahan ko siya doon nga daw sa "kaagaw" ko. Hindi niya sinabi kung sino ang kaagaw ko pero ang alam ko, si Nico yun.

"Pero pwede po ba akong pumasok?"

"Sige lang, Ter."

Pagpasok ko agad kong narinig sa may kainan ang boses ni Nico.

"Alam mo Farfalla, matagal na kitang gusto. Hindi ko alam bakit hindi mo ako pinayagan na manligaw noon sayo."

At sumagot si Farfalla.

"Alam mo Nico, hindi mo kasi cinonsider ang family ko. Gusto mo agad sa akin. Hindi mo muna sila niligawan."

"Bakit ko pa sila liligawan? Eh ikaw nga ang gusto ko?"

"Nico, hindi mo kasi maintindihan. They are my family. They are a part of me. Hindi naman sa kinukumpara kita kay kuya Blaster pero kasi siya, yung effort niya todo. Tinanong niya sila tito Badj, tita Aimee, kuya Zild, and actually pati si Shanne pala tinanong niya, kung pwede ako ligawan. Formal siyang nanliligaw. Nakuha niya pa akong ipagluto, samahan maglaba, idate sa labas, sulatan ako sa post-it notes, basta grabe yung effort ni kuya Blaster."

"Pasensya na Farfalla. Uhm pwede ba tayong luma---

"FARFALLA!"

"Kuya Blaster?! Ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Farfalla. Si Nico naman nanlaki ang mga mata.

"Yayayain sana kitang lumabas. Alam mo yun, kakain sana tayo doon sa bagong bukas na kainan. Yung unlimited sweets." Sabi ko. "Yung puno ng cake."

"Hindi pa ba sapat ang cake ko Farfalla?" Tanong ni Nico. Aba naman. "Sakin ka na lang sumama. Starbucks tayo, kasi diba may favorite kang cake doon."

"Farfalla, sama ka sakin."

Halatang gulong-gulo si Farfalla.

"Sa kinikilos ninyong dalawa I feel like I'm torn between chocolate cake or black forest cake." Sabi ni Farfalla. Ano kayang pwedeng gawin para hindi siya mahirapan mamili?

"Alam niyo guys, para patas. Maglaro tayo ng hanapan." Nagulat kami sa sinabi ni Zild. Jusko itong kulot na ito agad sumusulpot.

"Ano naman hahanapin namin?" Tanong ni Nico.

"Hahanapin ninyo ang ipis na pinatay namin ni Unique noon. Alam ko mabaho na pero naka-kahon iyon, treasure din yun hahahhahahaha. So kung sino sa inyo ang unang makahanap, siya yung sasamahan ni Farfalla. Deal?"

"DEAL!"

Pambihira naman si Zildjian. Pati yung ipis tinetreasure.








"NAITAGO KO NA GUYS! HANAPIN NIYO NA!" Sigaw ni Zild sa may taas. Pakiramdam ko nasa yung nakakahon na patay na ipis.

"Kung akala mo makaka-score ka, hindi." Sabi sa akin ni Nico. At hindi na lang ako kumibo.

Tingnan lang natin Nico kung sino unang makahanap. Pero sisiguraduhin ko na akin ang huling halakhak.

--------------------------

THIRD PERSON's POV

Dalawang lalaking naglalaban para sa sagot ng isang babae. Sino nga ba ang unang makakahanap ng tinago ni Zild?

Yung isang lalaki, naghahanap sa sala. Sa baba ng sofa. Basta sa sala.

Yung isa naman, nasa kwarto na puno ng pinaglumaan na gamit. Napalapit siya doon sa may kahon na may nakalagay 'FARFALLA' binuksan niya iyon at agad bumungad sakanya ang isang picture frame na may larawan ng batang lalaki at batang babae na nasa playground.

Kukunin na sana ito ng lalaki ngunit biglang may sumigaw ng...


"NAHANAP KO NA!!!!!!"

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon