KABANATA SIXTY-FOUR
[ Italy ]
-----------------------------
BLASTER's POV
"Feeling ko tayo si Ten-Ten at Serena doon sa Dolce Amore. Kasi andito tayo sa Italy." Sabi ko sa napaka-ganda kong asawa habang bumaba kami sa Spanish steps pero nasa Italy kami.
"Hindi tayo si Ten-Ten at Serena! Kundi tayo si Blaster at Farfalla. We have our own love story." Sagot niya. May point nga naman siya.
Nandito kami sa Italy kasi dito kami nag-honeymoon. O diba sosyal? Joke. Wala ngang basang burger dito eh. Meron lang pizza! Hindi naman basa.
"Nakakapagod naman dito." Reklamo ni Farfalla at inakbayan ko siya.
"Mas nakakapagod yung ginawa natin kagabi!"
Nanlaki naman ang mga mata niya at sumagot. "Talagang nakakapagod yung ginawa natin kagabi! Ikaw naman maka-ilang rounds ka, di ka mapapagod?!"
"Ang daming rounds kaya natin ginawa yung pag-sayaw kagabi." Sabi ko. Akala niyo ano noh?! Mga berdeng isip. Kagabi kasi, may kasal doon sa isang simbahan na dinaanan namin. Pagkatapos hindi sinasadya, si Farfalla yung nakasalo nung bouquet. Siguro kahit kasal na siya, pinapahiwatig lang nun na kami para sa isa't-isa.
"Kung ano-ano pinasayaw sa atin sa reception! May boogie, waltz, at iba pang sayaw." Sabi ni Farfalla.
Nung matapos kami sa Spanish steps, kumain muna kami sa Italian restaurant, syempre. Nasa Italy kami eh.
"Asawa ko, bakit wala silang basang pizza dito?" Tanong ko.
"Ayan ka na naman. Naghahanap ka ng wala. Alam mo Blaster, di ako makapaniwala na asawa na kita." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Farfalla.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi dati, tinatawag lang kitang kuya. Tas ngayon asawa." Sabi ni Farfalla. "Hindi kapani-paniwala."
"Ako din kaya! Hindi ako makapaniwala na ikaw pala ang mapapangasawa ko. Kasi diba noon, akala ko pipiliin mo si Nikkoi. Pero salamat kasi pinili mo ako."
Kung sakali man na si Nikkoi (Unique), ang pinili ni Farfalla noon, hindi naman sasama ang loob ko. Di naman ako makikipag-friendship over kay Unique. Maiintindihan ko naman.
Pero ang saya-saya ko ngayon kasi ako ang pinili ni Farfalla. Nagpakahirap din akong kunin ang sagot niya. Maraming challenges ang sumubok sa amin pero eto kami, matibay dahil yun kay God.
"Ano bang magandang souvenir ang ipamigay doon sa mga loved ones natin pag-uwi?" Tanong ng asawa ko sa akin. Si Farfalla, malamang.
"I Love Italy?" Tanong ko. "Yung mga keychain."
"Yung kakaiba sana." Sabi neto.
"Magdala kang pizza at pasta!" Sabi ko at pinalo niya ako sa braso.
"Loko-loko! Bahala ka di kita bibigyan ng anak." Sabi niya. Yun kasi ang pang-asar niya sa akin.
"Biro lang! Apat ah."
"Ikaw manganak!"
"Para IV OF SPADES." Sabi ko.
"Che!"
Nag-iikot kami sa mga souvenir shop dito at may nag-approach na Italyana sa amin pero English ang salita.
"Oh lovely couple! Are you looking for a souvenir? Try to give your loved ones my personalized souvenir!" Sabi niya at tiningnan naman namin ni Farfalla ang mga souvenir. Mga butterfly ito na may maliit na scroll sa gitna. May message siguro ito.
"Ito na lang kaya, asawa ko?" Tanong ni Farfalla sa akin. "Magbabasa ako ng isang message. Eto! You strong woman, you are like a butterfly. Colorful, will try to fly high to seek freedom, will fall but will never give up, and fly again."
"Bagay sayo yan." Sabi ko. "Naaalala mo yung kinuha ka ni topak at dinala ka sa Baguio?"
"Topak ka diyan! Oo di ko makakalimutan yun! Iba ang naging laban ko doon." Sabi ni Farfalla. Buti nga, nabuhay ang Farfalla ko nun. Kung hindi, wala akong asawa ngayon.
"So what you lovely couple? Are you gonna buy this farfalla souvenirs?" Tanong nung tindera. Ano daw? Farfalla souvenirs?
"What do you mean in farfalla souvenirs? That's my name. Farfalla." Sabi ng asawa ko sa tindera at sumagot naman ito.
"Farfalla souvenirs. Butterfly souvenirs. The English word butterfly, means farfalla in Italian."

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...