KABANATA SIX
[ Koko Krunch ]
----------------------------------
BLASTER's POV
"Blaster anak, saan ka pupunta?" Tanong ni papa. Kasi nagmamadali akong umalis.
"Sa school po ni Farfalla. Dadalawin ko lang po siya," Sagot ko.
"Bakit naman?" Tanong ni papa.
"Namimiss ko lang po kasi siya,"
"Anak, alam mo iba na talaga ang tama mo kay Farfalla. Gusto mo talaga siya."
"Hindi ko lang siya gusto, papa. Mahal ko na siya."
"Sa ngayon, ang maipapayo ko sayo, kung hindi pa handang makipag-relasyon si Farfalla, huwag mong pipilitin. Hintayin mo lang."
"Opo papa. Noted!"
Umalis na ako sa bahay at sumakay na sa sasakyan ko. Dadalawin ko si Farfalla ngayon sa eskwelahan nila dahil tuwing hapon meron silang free time. Gusto ko lang naman siya makita.
Simula kasi nung bata pa si Farfalla, kami na ni Zild ang tumatayong kuya niya simula nung nagkasama kami ni Zild doon sa contest. Tapos nung nag-3rd year high school (Grade 9) si Farfalla, mas gumanda siya. Tapos ang bait niya. Ang ganda ng ngiti niya, basta bigla na lang akong nahulog sakanya.
Bago ako pumunta sa eskwelahan niya, dadaan muna ako sa 7 11. Meron namang mga chocolate doon tsaka bibilhan ko na rin siya ng slurpee pati donut.
Binayaran ko na ang lahat ng iyon, at dumiretso na sa eskwelahan ni Farfalla, my loves.
"Shanne!"
"O, kuya Blaster ikaw pala! Anong ginagawa mo dito?"
Buti na lang nakita ko si Shanne. Saan kaya siya pupunta?
"Dadalawin ko sana saglit si Farfalla. Asan siya? Bat di mo siya kasama?"
"MagC-CR ako saglit kuya Blaster. Si Farfalla nandoon sa mini park ng school, nakaupo siya sa ilalim ng puno, at nagbabasa ng libro."
"Sige sige, salamat Shanne."
Hinanap ko ang mini park at habang naghahanap, may mga babaeng biglang tumili?!?!
"HALA! MAY GWAPO!"
"SINO YAN? BAGO BA SIYA DITO?"
"KUNG DITO YAN NAG-AARAL, SIGURO LAGI AKONG LALAPIT SAKANYA."
"ANG GWAPO NIYAAAAA!!!!!"
"OMG! YUNG PORMAHAN NIYA PARANG HARRY STYLES."
Nilagpasan ko ang mga babaeng tumitili, at nahanap ko din ang mini park ng school tapos naispatan ko din si Farfalla, sa wakas!
Busy siyang nagbabasa. Nakatuon ang mga mata niya sa libro na Nicholas Sparks ata.
"The Best of Me..." Basa ko doon sa pamagat ng libro.
"Kuya Blaster! Ikaw pala!" Gulat niyang sabi. "Anong ginagawa mo dito?"
Umupo ako sa tabi niya at ngumiti. "Dinadalaw ka. Eto o, may pasalubong ako para sayo."
"Nag-abala ka pa! Kuya Blaster. Nako, di ko matatanggap yan." Pipilitin ko siya na tanggapin ang mga binili ko para sakanya.
"Sayang naman effort ko..." Pagdadrama ko.
"Hahhahahahhahahahahaha! Nakakatawa ka kuya Blaster. Magdadrama ka pa! Sige na. Tatanggapin ko na. Ano ba yan?" Ang cute talaga ni Farfalla kapag tumatawa.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...