KABANATA FIFTY-THREE
[ McDo ]
---------------------------
FARFALLA's POV
Nasa McDo kami ni Unique ngayon. Ngayon ko siya ililibre. Isa din ito sa way ng pagpapasalamat ko sakanya.
"Unique sigurado ka bang okay na sayo yang burger, fries, at chicken nuggets? Ayaw mo ng kanin?" Tanong ko sakanya. Nakaupo na kami ngayon at magsisimula ng kumain.
"Okay na ako dito, Farfalla. Thank you."
"Alam mo Unique, hindi ko alam ilan thank you ba ang dapat kong sabihin sayo. Kasi utang ko sayo yung buhay ko."
"Ayos na, Farfalla. Kaibigan kita at dapat lang na sabihin ko yung totoo na may dishwashing liquid yung blueberry smoothie."
Habang kumakain kami syempre magkwekwentuhan kami.
"Andoon pala si kuya Gelo kagabi." Sabi ko. "Vinivideo niya pala yung pang-haharana ni kuya Blaster."
"Oo, pinost na nga niya sa YouTube Channel niya, nakita ko. Nagcomment din doon yung stepsister mo, si Goldie. Sana all daw hinaharana."
Hindi ko nga ineexpect na haharanahin pa ako ni kuya Blaster. Kasi ngayon, hindi na yata uso ang harana. Pero for me, panghaharana will never go out of style.
"Ilan na yung nakapanood?" Tanong ko.
"Marami na. Mostly, fans namin. Tinatanong kung sino ka daw. Siguro, baka sabihin ni Blaster sa publiko kung sino ka kapag may gig na kami."
"Kelan ba next gig ninyo?"
"Bukas."
"Unique, kamusta na pala yung paghahanap mo sa kababata mo?" Tanong ko.
"Sa totoo lang, tugmang-tugma kayo ng kababata ko. Kasi parehas kayong allergic sa pusit. Mahilig kayo sa chicken fillet ng McDo. Naisip niya din yung fried chicken malutong." Sabi ni Unique. Oo nga noh? Parang tugmang-tugma kami nung kababata ni Unique. "Ikaw diba may kababata ka din?"
"Oo. Nico ang pangalan niyang tunay. Pero nagdo-doubt ako eh."
"Bakit?"
"Kasi yung mga panaginip ko tungkol doon sa kababata ko, hindi nagmamatch sakanya."
Ako, may doubt pa na si Nico, si Nikkoi. Si Unique naman, sinasabi niya na parang parehas kami ng katangian nung kababata niya. Kung si Unique man yung kababata ko, bakit hindi namin maalala ang isa't-isa? Edi kung ganoon, siguro hindi kami yung magkababata.
"Tapos yung kwintas na gold yung may infinity sign, ganoon ang binigay ko doon sa kababata ko. Ikaw diba may kwintas ka rin na may infinity sign?"
"Oo, Unique meron din ako. Kaso nga lang, silver. Eh yung binigay nung kababata ko sa panaginip ko ay gold. Hindi ko alam bakit silver ang binigay ni Nico."
"Pero may lead ka na ba kung sino ang kababata mong talaga?" Tanong ni Unique.
"Parang meron. Kasi kahapon sa grocery store, may narinig akong sumigaw ng pangalan niya. NIKKOI! Yun yung sinigaw nung mama, niya. NIKKOI!"
"Nikkoi?! Yun ang tawag sa akin nung kaba——" Naputol ang sasabihin ni Unique nung may tatlong fans ng IV OF SPADES ang lumapit sakanya.
"Kuya Unique Salongaaaaa, pwede pong papicture?" Tanong nung isa.
"Pwede pong pa-autograph?"
"Girlfriend niyo po ba ito!?" At yun ang sinagot ni Unique.
"Hindi ko siya girlfriend. Kaibigan ko siya. At nililigawan siya ng isa sa IV OF SPADES. Hulaan ninyo kung sino." Sabi ni Unique sakanila at gulat sila.
"Bakit wala po dito sa McDo sila Kuya Blaster, tita Zild and fluffy Badj?" Tanong nung isa na nagpapapicture.
"Nasa bahay sila." Sagot ko. "May gig sila bukas, punta kayo."
BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...