KABANATA THIRTY-THREE
[ Kaagaw ]
--------------------------
BLASTER's POV
Tinext ko si Farfalla. Tinadtad ko na siya ng text pero di siya sumasagot. Siguro kumakain pa sila ng dinner.
Kagabi, magka-chat kami ni Farfalla. Ako nag-chat sakanya, kasi pakiramdam ko, malungkot siya. Araw-araw ko nga siyang chinachat at tinetext.
Nagigitara lang ako dito sa kwarto ko at may nareceive akong text mula kay Farfalla.
Farfalla My Loves:
Blaster, this is Zild. Hindi nagrereply si Farfalla, kasi in-admit namin siya sa hospital. 😭HALA?! ANO?! NA-OSPITAL ANG MY LOVES KO?! SIGURO NILASON SIYA NUNG ARIZELLA NA BRUHA NA STEPSISTER NIYA? AY HINDE JOKE LANG! NAPANO SIYA?! AY JUSKO!
Ako:
NAPANO SI FARFALLA, ZILDJIAN?!?! NILASON BA SIYA NUNG BRUHA NA SI ARIZELLA?!Farfalla My Loves:
Praning ka. TSAKA PWEDE BA HUWAG KANG NAGCA-CAPS LOCK AKO ANG NAS-STRESS SAYO.Ako:
ABA! NAGCA-CAPS LOCK KA DIN NAMAN. Eh kung sinabi mo na Zildjian, edi hindi ako lalong nastress!Farfalla My Loves:
aLL3r6iC K4sI sI F4rf4LL4 s4 SiTPu t4p0$ hIndi nIY4 4L4M n4 SiTPu p4L4 y0n6 kin4iN niy4. 4n6 n4n6YAR3 in4t4k3 si F4rF4LL4 ng 4LL3RGI3S nIy4 mUntiK4n n4 siY4ng di M4k4hiN64.Pambihira naman ang text ni Zild. Nakakasakit ng ulo. Ako yung muntikan ng hindi makahinga sa pagbasa ng text niya.
Ako:
Ako yung na-stress sa text mo, Zild. Ako yung muntikan di makahinga. Ayusin mo nga! Tsaka cellphone pa ng loves ko yung gamit mo. Pag nabasa niya yan baka mamaya isipin niya Hypebeast na yung kuya niya.Farfalla My Loves:
Hindi ako ang nagtext diyan. Si Unique. Katabi ko siya dito at sabi niya pagtripan ka daw namin. So eto na nga. Allergic kasi si Farfalla sa pusit. Kaya nung nag La Union tayo diba, di siya kumain ng Calamares? Kasi pusit yun. Eh kanina nagdidinner kami, may sweet n' sour. Sweet n' sour pusit pala yun. Ayun, inatake siya ng allergies niya, muntikan na siyang hindi makahinga pero buti na lang agad namin siyang nadala sa ospital."Ang ganda niya pa rin pala kahit tulog." Sabi ko at pinalo ako sa pwet ni tito Badj. "Aray!"
"Ang ingay mo Blaster, natutulog yung kapatid ko." Sabi ni Zild na nakaupo sa tabi ng kama ng kapatid niya.
"Anong oras kaya siya gigising?" Tanong ko. "Miss ko na boses niya."
"Halikan mo kaya para gumising." Sabi ni Unique. "Kunwari siya si Sleeping Beauty."
"Baliw ka Unique!" Sabi ni tito Badj.
"Aba, mas baliw ako kung sinabi ko na ako ang hahalik sakanya." Sabi ni Unique.
"Hoy off limits!" Sabi ko.
"Manahimik nga muna kayo. Natutulog yung kapatid ko eh." Sabi ni Zild.
"Sorry, boss." Sabi ko.
Umupo muna ako doon sa sofa dito sa kwarto ni Farfalla sa ospital at ayun nakatingin lang ako kung saan.
"Lutang ka na naman." Sabi sa akin ni Unique.
"Lutang ka na naman bat di ko maiwasan tumingin sayong liwanag." Pagkanta ni tito Badj.
"Gusto mo bang maka-collaborate si Shanti Dope?" Tanong ni Zild sa tito niya.
"Pwede rin." Sabi ni tito Badj.
Nakabantay kaming apat at ako pipikit na sana ako kaso nga lang, may pumasok sa pintuan.
Ang mother ni Farfalla. Naramdaman ko na biglang namawis ang kamay ko. Parang may kaba sa dibdib ko. Shocks.
"Kamusta na ang kapatid mo, Zildjian?" Tanong ng mama ni Farfalla. "Gumising na ba siya? Kasalanan ko ito eh."
"Mama, tama na. Huwag mo na sisihin sarili mo." Sabi ni Zild. "Oo nga pala, mama. Papakilala ko sayo itong dalawa kong kaibigan at bandmate. Itong may bangs, si Unique."
Lumapit si Unique sa mama ni Farfalla at nag-bless.
"Eto naman si Blaster." Turo sa akin ni Zild. Lumapit ako sa mama ni Farfalla at nagbless syempre.
"Hello po, tita." Sabi ko at ngumiti.
"Blaster? Ikaw ba yung manliligaw ng anak ko?" Tanong niya. Tae.
"O-o-opo."
"Pwede ba tayong mag-usap sa labas?"
"Sige po."
Blaster, umayos ka nga! Mukha naman mabait ang mama ng my loves mo. Hindi ka naman kakainin, Ter.
"Kikilatisin si lover boy!" Sabi ni Unique.
"Heh!" Sabi ko sakanya.
Lumabas kami ng mama ni Farfalla sa kwarto ni Farfalla at pagkatapos nag-usap na kami. Ako muna ang nauna.
"Tita, pasensya na po kayo kung hindi ako nag-paalam sa inyo na ligawan si Farfalla. Pero ngayon po, nagpapaalam po ako sa inyo. Pwede ko pong ligawan si Farfalla?"
At hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Blaster, oo. Binibigay ko sayo ang permiso ko. Ngunit pakiusap, mag-iingat ka sa kaagaw mo kay Farfalla. Iba ang takbo ng utak niya. Protektahan mo si Farfalla sakanya. Doon sa kaagaw mo. Blaster yung kaagaw mo sa anak ko, gustong-gusto niyang makuha si Farfalla. Kapag hindi nangyari yun, buhay ko kapalit. Pero Blaster, ayaw ko na mapunta siya doon sa kaagaw mo. Pakibantayan ang Farfalla ko. Kayong IV OF SPADES, pakibantayan siya."
Sino ba ang kaagaw ko kay Farfalla? Si Nico ba yun?
"Si Nico po ba iyon, tita?"
"Ikaw na ang bahala kay Farfalla."
BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...