Kabanata 54

92 4 0
                                    

KABANATA FIFTY-FOUR

[ Cupcake ]

-------------------------------

FARFALLA's POV

Nandito kami ngayon sa gig ng IV OF SPADES. Medyo malaki ang crowd pero andito kami sa harap. Kasama si Shanne, tita Aimee, pati si Nico, nandito. Magkatabi kami ngayon ni Nico.

"Bestie, CR muna tayo!" Sabi ni Shanne sa akin.

"Sige." Sabi ko naman. Nung nasa CR na kami, si Shanne parang kinakabahan na ewan.

"Bestie, okay ka lang ba?" Tanong ko. "Napano ka ba?"

"Kasi bestie yung sasabihin ko sayo nung isang araw, naudlot. Pero sasabihin ko na ng mabilisan, uhm ano kasi nakita ko si Arizella doon sa may pool ng koi fish at pagkatapos may kausap siya sa cellphone. Ang kausap niya ay si—"

"Oh! Farfalla and Shanne, nandito pala kayo." Nagulat kami ni Shanne nung lumabas si Crystal sa isang cubicle.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Manonood ako ng gig. I'm here to support my favorite band." Sagot niya.

"Siguraduhin mong hindi ka aaligid-aligid kay Blaster parang doon sa resort!" Sabi ni Shanne.

"Don't worry, I won't. Because I will surely will!" At tumawa siya ng napakalakas tapos lumabas ng CR.

"Hindi niya ba nakikita na ikaw yung  mahal ni kuya Blaster?! Kainis siya!" Sabi ni Shanne.

"Pabayaan mo na si Crystal bestie." Sabi ko. "Oo nga pala, ano yung sasabihin mo?"

"Next time na lang, bestie. Wrong timing! Tara labas na tayo." Sabi ni Shanne at lumabas na kami.





"Hello we are IV OF SPADES and let's bring some disco back!" Sabi ni kuya Zild. Kinanta muna nila yung Ilaw sa Daan, In My Prison, Take That Man, tsaka yung Where Have You Been My Disco.

"May new song kami niyan, wait lang kayo!" Announcement ni Unique. "For now, last na muna ang Where Have You Been My Disco."

"Pero, magkakaroon tayo ng question and answer questions bago matapos ang gabi. Sino gusto magtanong?" Sabi ni Unique.

"UNIQUE! UNIQUE! KAMUSTA KA NAMAN?! MY NAME IS ERIKA PALA!" Sabi ng isang babae sa crowd.

"Your name is pretty and I'm very sure you are pretty too, Erika. Kamusta ako? Eto paren, pogi paren." Sagot ni Unique at natawa naman kami doon. Tapos si tita Aimee pala magtatanong.

"ZILDJIAN! SINO YUNG BABAENG NAPUPUSUAN MO?!" Tanong ni tita Aimee at nag-ingay ang crowd.

"Kulot po. That's the only word I can say. Kulot." Sagot ni kuya Zild. Sabi ko na nga ba si Shanne ang gusto ni kuya Zild eh!

"Oo nga po pala, yung nagtanong ay ang asawa ko! Si Aimee." Sabi ni tito Badj. "At andito yung kapatid ni Zildjian, si Farfalla."

"KUYA BLASTER! KUYA BLASTER! MAY CUPCAKE AKO DITO! KAININ MO PLEASE! AND SINO YUNG HINARANA MO DOON SA VLOG NI KUYA GELO?!" Tanong nung isang Spader.

"Lapit ka dito, akin na yang cupcake mo. Kung sino yung papaakyatin ko sa stage, siya yung hinarana ko." Sabi ni kuya Blaster. Papaakyatin niya ako sa stage?! Nakakahiya.

"That's me!" Nagulat kami doon sa sumagot. Kay Crystal boses yun.

"Don't believe her!" Sigaw naman ni Shanne.

"Tahimik please." Sabi ni kuya Zild. Lumapit yung babaeng may cupcake kay kuya Blaster at inabot ito sakanya. Nagsalita si kuya Blaster sa mic.

"Yung babaeng tatawagin ko, siya yung hinarana ko doon sa vlog ni Gelo. Siya yung babae na alam ko mamahalin ko ng habang buhay kahit hindi ko pa nakukuha yung sagot niya. Gusto kong ipakilala sa inyong lahat, ang kapatid ni Zild. Ang babaeng pinaibig ako, ang babae na kailanman hinding-hindi ko susukuan. Si Farfalla Daniella Benitez De Castro. Akyat ka na sa stage please."

Si Unique naman yung nag-escort sa akin papunta sa stage. Umakyat ako at humarap sa crowd.

Nagsalita na naman si kuya Blaster. "Siya po yung nililigawan ko at sana siya na rin yung mapangasawa ko."

Kinikilig na talaga ako kay kuya Blaster, kung dati hindi masyado ngayon, nag-level up. Siguro, unti-unti na rin akong nahuhulog sakanya.

"Ter, ilan pa yung cupcake mo diyan?" Tanong ni kuya Zild.

"Dalawa pa." Sagot ni kuya Blaster.

"Pahinging isa." Sabi ni kuya Zild at binigyan siya ni kuya Blaster tapos nagulat ang lahat sa sinabi ni kuya Zild.

"Ibibigay ko itong cupcake na ito doon sa babaeng napupusuan ko. Ngayon lang talaga ako aamin sakanya." Bumaba si kuya Zild at inabot kay Shanne yung cupcake.

Dahil sa cupcake, napaamin ang kuya ko.

Napatingin naman ako kay Unique. Sa mga mata niya halata na may lungkot kasi hindi niya pa nahahanap yung kababata niya. Sana mahanap na niya. At baka mamaya, hindi natin alam, baka mahanap niya rin dahil sa cupcake.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon