KABANATA TEN
[ Mahal na Mahal ]
---------------------------------
FARFALLA's POV
"Farfalla, bilisan mong mag-ayos ng gamit mo! Ang tagal para namang pupunta ka sa America!" Rinig kong sabi ni kuya Zild sa may pintuan ng kwarto ko.
"Sandali lang kuya!" Sabi ko.
"Hayaan mo lang si Farfalla, Zild. Sadyang ganyan kaming mga babae. Matagal kami nag-aayos kasi talaga may feeling kami na parang ang pangit namin, ganito ganyan." Sabi naman ni tita Aimee. Hmp! Buti na lang may kakampi ako.
"Ah sige po." Sabi ni kuya Zild. "Farfalla andito na si Shanne. Nauna pa sayo kahit hindi siya dito nakatira."
"Ay opo kuya Zild eto na!" Sigaw ko tas sinara yung zipper ng bag ko. At lumabas.
"After 8-7000 years, sa wakas natapos ka din." Sabi ni kuya Zild. 8-7000 years? Diba Jollibee delivery yun?
"Sa Jollibee yan eh!" Sabi ko tas tumatawa.
"Oo nga sa Jollibee nga." Sabi ni kuya Zild. Pagbababa ako nasa sala sila Shanne, Unique, kuya Blaster, Tita Aimee at tito Badj.
"O bumaba na pala ang mga pinakamamahal kong mga pamangkin." Sabi ni tito Badj. "Tara na."
Awwwww. Ang sweet ni tito Badj. Talagang mahal na mahal niya kami ni kuya Zild.
"Bestie, excited na ako! Baka maraming gwapo doon." Sabi sakin ni Shanne tas kinikilig habang palabas kami ng gate.
"Oo nga baka maraming gwapo doon. Hanap tayo, bestie." Sabi ko naman.
"My loves, hahanap ka pa ng gwapo. Di pa ba ako sapat para sayo?" Tanong ni kuya Blaster.
"Hay nako kuya Blaster ayan ka na naman." Sabi ko.
"Blaster, mamaya sa beach bantayan mo yang pamangkin ko. Baka mamaya saan mapunta." Sabi ni tito Badj.
"Tito Badj! Ako ang kuya dapat ako nagbabantay." Apela ni kuya Zild.
"Edi bantayan mo si Shanne." Sagot ni tito Badj at ako naman kinikilig ng palihim habang pasakay kami ng van. Si kuya Zild naman walang imik. At si Shanne, namumula.
"Bestie, namumula ka." Sabi ko.
"Ako? Hindi! Cheek tint lang yan," Sabi niya. Oo nga, nakacheek tint siya kanina pero di ganoon kapula kumpara ngayon.
Nasa loob na kami ng van. Sa harap si daddy ni kuya Blaster (magdadrive), tito Badj at tita Aimee. Tapos sa likod nila, si kuya Zild na katabi si Shanne tapos si kuya Gelo.
At sa pinakalikod. Si kuya Blaster, si Unique tapos ako.
Pupunta kami sa Cahuna Resort. Sa San Juan, La Union. Dahil icecelebrate namin ng late ang birthday ni kuya Zild at Unique. At hindi nila alam ang totoong dahilan. Basta ang alam lang nila ag magrerelax lang kami doon at maliligo.
Pag-andar nung sasakyan biglang nagsalita si kuya Blaster.
"Unique, pwedeng palit tayo? Gusto katabi si Farfalla. Gusto rin naman kitang katabi. Kaso palit tayo." Sabi ni kuya Blaster.
"O sige." Sabi naman ni Unique. "Basta ikaw."
"Yieeee." Sabi ni kuya Blaster? Seryoso? Yieeee?
"BlasNique." Pang-aasar ko.
"Ano na naman yang BlasNique na yan?" Tanong ni kuya Zild tas lumingon samin. "Akala ko bang tayong dalawa Ter? Diba honeybunch tayo?"
Nakakaloka naman. Honeybunch?! Jusko.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...