KABANATA TWENTY-NINE
[ Tsinelas ]
A/N: May POV ang lahat ng members ng IV OF SPADES dito. Meaning, this chapter will have 4 POVs
----------------------------
ZILD's POV
Akala ko Barbeque Night lang ang meron. Hindi pala. May Karaoke Night din. Sa labas ng bahay namin, sa may terrace doon kumakain ng barbeque tsaka ibang grilled foods. Tapos dito sa loob, andito yung karaoke.
"Sinong gustong kumanta?" Tanong ni tita Aimee. "Libre lang naman, walang bayad. Go."
"Hoy bestie! Kumanta ka na dito, mamaya ka na lumamon ulit ng barbeque!" Sigaw ni Farfalla sa may labas. Sa pagkakaalam ko, magaling kumanta si Shanne.
Pumasok si Shanne sa loob tas pumindot ng number. Tadhana pala kakantahin niya.
"Sa hindi inaaasahang pagtatagpo ng mga mundo..." Panimula niya. Grabe. Her voice is very lovely. "May minsan lang na nagdugtong Damang dama na ang ugong nito. Di pa ba sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipararanas sa'yo."
"Uy si Zildjian, nainlove na!" Pang-aasar ni tito Badj.
"Tito Badj inlove na si Zild kay Shanne halata sa mga mata niya." Sabi naman ni Unique. Wala si Blaster dito kasi andoon sila sa labas ng kapatid ko, kumakain ng Barbeque.
"Hindi kaya! Tumigil nga kayo." Saway ko sakanila.
"Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pag-sinta. Ba't di papatulan ang pagsuyong nagkulang tayong umaasang hilaga't kanluran, ikaw ang hantungan at bilang kanlungan mo... ako ang sasagip sayo." Ang ganda talaga ng boses niya. Tas ang ganda niya pa. Ganda pa ng ugali. Everything about her is beautiful.
------------------------
BADJAO's POV
"Sweetie pie, ikaw naman ang kumantaaaaa!!" Pangungulit ko kay Aimee. Tapos na kasing kumanta si Shanne.
"Ayaw ko nga, nahihiya ako. Kakain muna ako ng barbeque." Sabi niya. Nahiya pa siya eh samantalang siya yung nagsabi na libre lang kumanta.
"Mamaya ka na kumain, nakarami ka na kaya. Kumanta ka muna." Sabi ko.
"Oo nga tita Aimee, kanta ka naman." Sabi ni Zild.
"Sige na nga. Pero anong kakantahin ko?" Tanong ng babaeng lab na lab ko.
"Yung theme song ng paborito nating teleserye!" Sabi ko.
"Yung sa Ang Probinsyano?" Tanong ni Aimee.
"Hindi yun!" Sagot ko. "Jusko nakakasawa si Cardo. Siya ata yung patunay na may forever. Biro lang. Yung paborito nating teleserye yung kay Papa P!"
"Ah yung kay Papa P my labs?! Oo! Yung Since I Found You. Kaya gusto ko yun hindi lang dahil sa kwento eh pero dahil din kay Papa P." Kilig niyang sabi. Si Aimee, crush na crush niya si Papa P.
"Tita, huwag ka masyadong kinikilig kay Papa P. Nagseselos si Papa B." Sabi ni Zild at tumawa naman kaming lahat.
"Crush ko lang naman si Papa P. Pero si Papa B, mahal na mahal ko yan." At tumingin si Aimee sa akin. Ano ba yan, kinikilig ako. Para akong nababakla dito. "Kakanta na ako, Even The Nights Are Better yung title nung theme song nung teleserye ni Papa P."
"I, I was the lonely one. Wondering what went wrong, why love had gone. And left me lonely. I, I was so confused, feeling like I'd just been used. Then you came to me and my loneliness left me." Pagkanta na pagkanta ni Aimee pumasok agad si Farfalla, Blaster, at Shanne. Si Farfalla kasi pinapanood din niya yung teleserye ni Papa P.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...