KABANATA EIGHT
[ Harry Styles Concert Ticket ]
------------------------------------------
FARFALLA's POV
"IV OF SPADES, jamming tayo ulit next time." Sabi ni kuya Blaster. Nagmeryenda kami ng siopao, bumili sila Tito Badj at Unique tas may ice cream sa ref nila kuya Blaster. At ngayon paalis na kami... pero si kuya Blaster pinuntahan pa kami sa may gate.
"DANIEL ZILDJIAN!" Tawag niya kay kuya. Si kuya Zild, DANIEL. Ako
naman, DANIELLA."Bakit, Blaster Mitchelle?" Tanong ni kuya Zild.
"Pwede kong pagpaalam si Farfalla." Sabi ni kuya Blaster. Aba! Anong meron?
"So, kay Zild ka lang magpapaalam?" Sambit ni Tito Badj.
"Ay sorry po tito Christian Gabriel De Castro, nakalimutan ko po." Yun talaga ang pangalan ni Tito Badj. Christian Gabriel. "Zild, Tito Badj, pwede ko pong, ayan ah may po.
Pwede ko pong ipagpaalam si Farfalla?""Kelan?" Tanong ni Tito Badj.
"Ngayon po sana." Sabi ni kuya Blaster.
"Saan naman kayo pupunta kung sakali?" Tanong naman ni kuya Zild.
"Kakain lang kami sa labas." Sagot ni kuya Blaster. "Lilibre ko siya sa Jollibee."
Lumayo ng konti sa amin sila Tito Badj at Kuya Zild dahil nag-uusap sila.
"May pakulo ka na naman, kuya Blaster." Sabi ko tas nag-smile lang siya.
"Kayo na kasi may love life..." Bitter na sabi ni Unique.
"Bakit ikaw Unique? Wala ka?" Tanong ko.
"Ngayon, wala. Dati meron akong ex kaso nagbreak kami. Kaya nga ex. Tapos..." Kwento ni Unique.
"Tapos?" Tanong ni kuya Blaster.
"Hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan yung talagang kahit na wala kaming label, tinuring ko siyang love life at actually, first love. Kababata ko siya. Hindi ko na nga alam nasaan na siya eh. Tuwing summer, naglalaro kami sa playground. Summer ko lang siya nakikita, kasi nakatira talaga sila sa basta nakalimutan ko na saan. Pero sana ayos lang siya ngayon. Namimiss ko na nga siya eh." Ah! So may kababata si Unique na hindi niya makalimutan?
"Kaya pala hindi mo makalimutan yang kababata mo kasi first love mo siya eh. First love never dies." Sabi ni kuya Blaster. Tas tapos ng mag-usap sila tito Badj at kuya Zild
"Eto na ang desisyon namin..." Sabi ni tito Badjao.
"Oo. Sige. Pinapayagan namin si Farfalla na makasama kang mag-Jollibee. Pero may rules. Huwag mo siyang papabayaan, huwag mo siyang dadalhin kung saan saan. Bantayan mo siya." Sabi ni kuya Zild.
"Yes, thank you!" Masayang masayang sabi ni kuya Blaster. "Ay teka, okay lang ba sayo?" Tanong niya sa akin.
"Okay lang kuya Blaster, sige sasama ako sayo." Sabi ko naman.
"Kuya Blaster, ano ba kasi yung Basang Burger mo?" Tanong ko habang kumakain kami dito sa Jollibee. Siya ang kinakain, Fried Chicken, burger, tsaka siopao. Oo, bumili pa siyang Siopao niya sa 7 11. Habang ako, Burger Steak, french fries, mashed potato, tsaka peach mango pie. Libre lahat ni kuya Blaster. Syempre meron din kaming inumin.
"Ewan ko. I just ano, ah yun! Pumasok lang yun sa very sharp mind ko tapos yun, yun na." Baliw talaga itong si kuya Blaster.
"Kuya Ter, thank you pala dito. Next time, ako naman manlilibre sayo. Saan mo gusto?" Tanong ko.
"Ang gusto ko lang, makasama ka. HAHAHAHAHHAAHHAHAAH." Napailing na lang ako sa reaksyon niya. Kumain muna kami pareho at biglang nag-angat ang tingin ko doon sa babaeng nasa tapat ng table namin.
Ang ganda ganda niya. Iba yung beauty niya. Basta, maganda siya.
"Huy, Farfalla, sinong tinitingnan mo?" Tanong ni kuya Blaster. "Yang babae sa harap natin? Natotomboy ka na ba?"
"Sira ulo ka kuya Ter. Hindi." Mahina kong sabi. "Nagandahan lang kasi ako sakanya."
"Ah ganon ba." Sabi niya. "Oo nga pala, diba kanina dapat may ibibigay ako sayo? Kaso naudlot dahil doon sa IV OF SPADES na card."
"Oo, kuya. Ano ba iyon?"
"Do you love music ba?"
"Yup."
"May napuntahan ka na bang concert?"
"Wala pa."
"Gusto mong manood ng concert?"
"Yes, kuya."
"Kahit sinong singer?"
"Oo, kuya Blaster. Mapa- 1D pa yan, o kaya silang individual including Zayn, LANY, Coldplay, The Script, Katy Perry, Taylor Swift, Fifth Harmony, Camila Cabello, Ariana Grande, Ed Sheeran, Justin Bieber, Selena Gomez, Khalid, Demi Lovato, Shawn Mendes, Bebe Rexha, Lorde, Zara Larsson, Alessia Cara, Zedd, The Chainsmokers, Eminem, Avenged Sevenfold, My Chemical Romance, Nazareth, Breaking Benjamin, Kiss, Megadeth, The 1975, The Rolling Stones, The Beatles, Journey, Ramones, Green Day, 5SOS, Guns n' Roses, Nirvana, All American Rejects, Fall Out Boy, Ben & Ben, Callalily, Eraserheads, Rivermaya, Slapshock, Wolfgang, Greyhoundz, Side A, Southborder, Parokya ni Edgar, Kamikazee, Spongecola, Bamboo, Sarah G, 6Cycle Mind, December Avenue, Silent Sanctuary, SUD, pati na rin ExB, Shanti Dope, Salbakuta, Planetshakers, Hillsong, Air Supply, Westlife, Blink-182, Panic! At the Disco, Beyonce, Destiny's Child, Spice Girls, Little Mix, Dua Lipa, The Calling, Big Mountain, Boys II Men, Justin Timberlake, Foster The People, Boyce Avenue, Moira, Yeng, Alterbridge, Dashboard Confessional, Snow Patrol, Celine Dion, Mariah Carey, Bruno Mars, Lady Gaga, Sam Smith, Maroon 5, Aerosmith, Bon Jovi, basta kumakanta."
"Andami mong sinabi. Yes or No lang. Pero eto na," Sabi ni kuya Blaster tapos may inabot sa akin na ticket. Binasa ko naman ito at halos mapanganga ako.
Hindi ako makapaniwala. Binilhan ako ni kuya Blaster ng Harry Styles Concert Ticket.
"Kuya Blaster, seryoso ito? Harry Styles Concert ticket?! Pupunta ako sa concert ni Harry?" Tanong ko.
"Hindi lang ikaw. Ako din. Just the two of us." Sagot niya.
"Kuya Blaster, di ko yata ito matatanggap. Super super na nga at sobra sobra na effort mo sakin." Totoo naman kasi.
"Ay hindi. Tanggapin mo yan. Basta, manonood tayong dalawa." Sabi ni kuya Blaster. "Okay?"
"Okay, kuya Blaster. Thank you!" Sabi ko tapos niyakap siya.
"Harry Styles Concert Ticket, pa lang yan. Malay mo, kapag meron pa yung kay Niall Horan, makapanood pa tayo. Tsaka kapag yung IV OF SPADES nagkaroon ng major concert, nood ka. Support." Sabi niya habang nagyayakapan kaming dalawa.
"Opo, kuya Ter." Sabi ko at kumalas sa yakap niya.
"Gusto ko kapag nagconcert sa MOA ARENA o kaya sa Araneta, o kaya sa Philippine Arena, gusto andun ka sa pinakaharap tapos may banner ka nakalagay, GO BLASTER MY LABS."
"Sira, ka kuya Blaster! Salamat ulit dito sa Harry Styles Concert Ticket."
_______________________________________
AUTHOR'S NOTE:
Ang effort ni Blaster kahit di pa siya boyfie ni Farfalla hahahah! Ang tanong, magiging sila ba? Hmmmm. Sana all may Blaster Silonga haha. Swerte ni ate Crystal sakanya. Sino kaya yung babaeng nasa tapat nila Farfalla at Ter?
Ang swerte ni Farfalla, makikita niya si Harry Styles. In real life, bumili talaga ng concert ticket si Blaster. Fan siya ni Harry pero dko alam kung may kasama siya doon! PLEASE DO NOT TAKE THIS SERIOUSLY. This is purely fictional. 🦋 VOTE AND COMMENT, mga honeybunch😂♠️✨P.S: NAG-KWENTO NA SI UNIQUE ABOUT KAY KABABATA NIYAAAAAAAA!!!!!!
BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...