Kabanata 16

132 7 5
                                    

KABANATA SIXTEEN

[ Ilaw sa Daan ]

-----------------------------

ZILD's POV

"I can't believe na ngayon ang first gig natin." Sabi ni Blaster.

Ngayon kasi ang unang unang gig namin sa isang bar.

"Akala mo ikaw lang, ako din." Sabi ko. Tutugtog kami mamayang 8pm. Andito pa rin kami sa bahay ngayon, nagpapractice. 

"Manonood pala si Gelo mamaya." Sabi ni Blaster.

"Pati si Shanne sasama." Sabi ko.

"Zildjian, umamin ka nga." Nagulat naman ako kay Tito Badj.

"At anong aaminin ko?" Tanong ko naman.

"May gusto ka ba doon sa kaibigan ng kapatid mo?" Tanong ni bangs. Este si Unique.

"Ako?" Tanong ko ulit.

"Malamang ikaw, Zild. The one and only you." Sabi ni Blaster. "Alangan naman ako diba. Zild ba ako? Zild ba ako?"

Si Blaster talaga, pilosopo. At kundi siya pilosopo, corny kung magjoke.

"Anong aaminin ko?" Tanong ko habang nagpplay sa bass guitar.

"MAY GUSTO KA BA KAY SHANNE?!?!?!" Halos mabitawan ko ang bass guitar ko sa sabay sabay nilang tanong.

"Ako? May gusto kay Shanne? W-wala ah. Ano bang sinasabi niyo?" Wala naman kasi talaga akong gusto kay Shanne. Ewan ko ba sa mga kaibigan kong ito at anong pumasok sa isipan nila at tinanong nila yan.

"Zild, huwag ka ng nagdedeny." Sabi ni tito Badj. "Iba kaya pagtingin mo doon kay Shanne."

"Uy, hindi kaya!" Nagsasabi naman kasi ako ng totoo. Wala naman akong gusto doon kay Shanne.

"Sus, Daniel Zildjian, deny deny ka pa diyan. May gusto ka kay Shanne ayaw mo lang umamin." Sambit ni Unique.

"Ay ewan ko sa inyo. Paniwalaan niyo na yung gusto niyong paniwalaan, basta ako alam ko sa sarili ko na hindi ko gusto si Shanne."







"Anong isusuot natin?" Tanong ni Unique.

"Malamang, damit." Pamimilospo ni Blaster.

"Alam ko, Ter. I mean anong style? Pangretro, pangrakker, o ano?" Tanong ni Unique.

"Hypebeast." Suggestion ni tito Badj tas tumawa siya.

"Ano?! Hypebeast?! Ano gagayahin niyo yung mga tambay dito sa atin?!" Gulat na reaksyon ni Farfalla.  Andito kami sa sala, namomroblema kami sa susuot natin.  At andito na rin si Shanne.

"Mas maganda yung pang-retro." Sagot ni Shanne.

"Oo nga." Sabi naman ni Farfalla. "Tutal mga 70s-90s ang mga kinakanta niyo at music influence niyo ang The Beatles at Bee Gees."

May point sila.

"Saan naman tayo hahanap ng damit na ganoon?" Tanong ko.

"Sa ukay-ukay!" Suggestion ni Unique.

"Oo! Marami pang panretro doon." Sabi ni Blaster.

"Anong oras na ba? Kaya pa?" Tanong ko.

"5:15 pa lang. Keribells pa yan! Tara!!!!!!!" Pag-aaya ni Farfalla. Parang siya ang may gig.




Buti na lang may fitting room dito sa ukay-ukay, bago ako lumabas tiningnan ko muna kung ayos lang suot ko. Mukhang ayos lang naman.

Paglabas ko si Shanne agad ang bumungad sakin.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon