KABANATA THIRTY-FOUR
[ Canteen ng Ospital ]
--------------------------
GELO's POV
Mga 9:30pm na nung pumunta ako dito sa ospital. Kasi si Farfalla, yung loves ng beshiwaps ko, ay na-ospital. Due to her allergies.
Nasa loob kami ngayon ng room ni Farfalla at tulog pa rin siya. Si Blaster pala nag-CR.
"Naaalala ko lang yung kababata ko." Kwento bigla ni Unique.
"O napano siya? Allergic din?" Tanong ko.
"Allergic din sa pusit." Sagot ni Unique. "Napanaginipan ko siya nung isang gabi."
"Hindi kaya si Farfalla ang kababata mo?" Tanong ni Zild at nagulat naman ako.
"Imposible." Sabi ni Unique. "Kung siya yung kababata ko edi sana naaalala pa rin namin yung isa't-isa. Eh hindi naman. So hindi si Farfalla yun."
Si Zild, may lihim na pagtingin kay Shanne. Si Blaster, nililigawan si Farfalla. Si Tito Badj, may asawa na. Si Unique, naghahanap pa rin ng pag-ibig niya.
Ako, nahanap ko na. Si Goldie. Hindi ko siya makalimutan. Hanggang ngayon memorize ko pa rin ang features ng mukha niya at paano kami nagkita. Super fresh pa sa utak ko.
Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng gutom.
"Guys, kain lang ako sa canteen ng ospital. Gutom na ako." Sabi ko. "Di kayo sasama?"
"Sige lang, kain ka muna Gelo." Sabi ni Zild at lumabas na ako papunta sa canteen ng ospital.
Nag-order ako ng rice bowl, siomai, tsaka iced tea. Yun nga lang, wala akong mahanap na mauupuan ko.
Paano ako kakain?
Hanap ako ng hanap ng pwesto ko hangga't sa makita ko siya... Nakaupo siya mag-isa.
Andito si Goldie!!!!!!!! Hindi ako nagkakamali. Andito si Goldie!!!!! My Goldieeeee!!!!!!!
Nilapitan ko siya agad at tinanong siya.
"Goldie?"
Tumingin siya sa akin ng matagal at ngumiti.
"Ikaw yung lalaki sa may spicy noodles section diba? Kung wala kang pwesto, dito ka na lang." Sabi ni Goldie. At umupo naman ako.
"Anong ginagawa mo dito, Goldie?" Tanong ko.
"Kasi yung ate Farfalla ko, na-atake siya ng allergies niya."
HUH!?! ANO DAW?! Ate Farfalla?! Seryoso ba ito?!
"Ate Farfalla mo? As in yung kapatid ni Zild Benitez?!"
"Oo! Si Zild Benitez yung bassist ng IVOS. Ikaw ba? Ano ginagawa mo dito?"
"Kaibigan ako nila Zild. Ako si Gelo."
"GELO ESPERON?!!!?!!!!!!!!!"
"Ako nga! Bakit? Paano mo ako nakilala?"
"Pinapanood ko mga vlog mo. Alam mo ba crush kita."
Small world nga naman. Umaaayon ata sa akin ang mundo. Yung grocery store na ata ang Tagpuan ni Bathala. Doon ko nakatagpo ang ka-forever ko.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fiksi Penggemar"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...