Kabanata 20

122 3 5
                                    

KABANATA TWENTY

[ Pabaon ]

-----------------------------

SOMEONE's POV

Itong kwintas na nasa kwarto ko ngayon ay pag-aari ni Farfalla.

Kwintas na kulay gold at may infinity sign. Suot niya ito bago kami umalis at lumipat ng bahay.

Ito yung bigay ni Nikkoi. Alam ko ito talaga yun. Hindi yung suot-suot niyang silver na nagmula kay Nico.

Malakas ang kutob ko na hindi iisa sila Nikkoi at Nico. Gagawin ko ang lahat mahanap lang ang totoong Nikkoi. Ayaw kong maloko siya ni Nico.

-------------------------

UNIQUE's POV

"Nikkoi, mamaya na tayo ulit maglaro sa playground. Pagod na ako at gutom."

"Ganoon ba, prinsesa ko? Tara, kumain muna tayo."

"Prinsesa ka diyan! Ewan ko sayo. Tara na sa bahay kainin na natin yung ginawang cookies ni mama."

"Sige na nga. Halata naman sayo na gutom ka na eh. Lagi ka naman palang gutom kaya tingnan mo iyang mukha mo, siopao na hahahahahahahahahaaha ang taba taba mo kasi."

Pagkatapos kong sabihin yun, sumimangot itong batang babae at may luhang tumulo sakanyang mga mata.

"Uy, napano ka?"

"Ikaw kasi! Nang-aasar ka. Di naman ako mukhang siopao. Di kita bati, Nikkoi!"

"Sorry na, joke lang naman yun. Bati na tayo, sige na."

"Ayaw ko nga!" Bago siya umuwi, hinabol ko siya at niyakap.

Kinusot ko ang mga mata ko saktong pag-upo ko sa kama mula sa aking panaginip. Napanaginipan ko yung kababata ko.

Hindi ko na maaalala yung pangalan niya. Sa panaginip, hindi sinasabi anong pangalan niya. Pero sa mukha nung batang babae, meron akong namumukhaan.

Meron siyang kahawig. Kailangan ko lang talagang alamin sino ang kahawig ng kababata ko.

Sana yung kababata kong ito, buhay pa. Sana kilala niya pa rin ako kung saka-sakali man na magkita kami ulit.

---------------------------

FARFALLA's POV

"Farfalla, bumili ka na lang ng baon mo sa canteen. Di ako nakapagluto." Sabi ni tita Aimee bago ako umalis papuntang school.

"Opo, tita. Sige po mauna na ako."

"Mag-iingat ka ah." Sabi niya at lumabas na ako ng bahay.

Pagbukas ko ng gate, may kotse sa harapan. Kanino naman ito? Sino ito?

Si Nico kaya?

Sinilip ko sa bintana kung sino pero di ko makita kasi masyadong tinted. Buti na lang may lumabas na tao.

"Good morning, Farfalla!" Si kuya Blaster pala. Akala ko kung sino na.

"Good morning, kuya Blaster. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Kasi nagtataka ako bakit umagang-umaga nandito na siya.

"Ihahatid kita papuntang school!" Si kuya Blaster talaga, binibigla ako.

"Kuya Blaster, huwag na. Aabalahin pa kita baka mamaya may gagawin ka pang mas importante sakin. Sige na, kaya ko na ito."

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon