KABANATA FORTY-NINE
[ Chowking ]
------------------------
FARFALLA's POV
Nandito kami ngayon sa bahay nila mama. Nagyaya siyang mag-dinner dito. Wala yung asawa niya kaya pwede kaming makasama ni kuya Zild.
Nagserve muna ng orange juice at sandwich si mama pero ako wala akong orange juice dahil sabi ni Arizella, blueberry smoothie daw ang iinumin ko.
Sabi pa nga ni kuya Blaster baka daw may lason. Siguro naman hindi ako kayang lasunin ni Arizella. Masungit siya sakin, oo pero alam ko na di niya ako kayang gawan ng ganoon ka-sama.
"FARFALLA! YOUR BLUEBERRY SMOOTHIE IS READY!"
Sana masarap itong smoothie ni Arizella.
"Kapag masarap yan, iinumin ko din." Sabi ni kuya Blaster.
"Masarap talaga yan." Sabi ni Arizella. "O get it na."
Kinuha ko na yung baso na may blueberry smoothie, sisipsipin ko na sana sa straw kaso...
"FARFALLA HUWAG!" Sigaw ni Unique.
"Bakit Unique?" Tanong ko.
"Hoy, ikaw! Masarap ang smoothie ko kaya huwag mong pigilan sa paginom si Farfalla." Sabi ni Arizella.
Sumagot naman si Unique. "Paano kung masarap nga pero may dishwashing liquid?"
Huh?! Anong dishwashing liquid?
"Baka hindi nahugasan ng mabuti yung baso." Sabi ni kuya Gelo.
"Nahugasan yung baso. Sinadya lang talaga ng babaeng ito na lagyan ng dishwashing liquid! Kitang-kita ng dalawang mata ko." Sambit ni Unique. Ano bang nangyayari?!
"Unique, anong nakita mo?!" Tanong ni kuya Blaster na nanggigil.
"Itong Arizella na ito, kanina, palabas sana ako ng CR nung makita ko siya na nilalagyan niya ng dishwashing liquid yung baso. Tapos nung nilagay niya yung blueberry na mixture, nilagyan na naman niya ng dishwashing liquid!" Sabi ni Unique at halos di ako makapaniwala. "Balak niya atang patayin si Farfalla."
"That's not tr---" Bago pa maituloy ni Arizella yung sasabihin niya, tumayo ako at binasag sa harap niya ang baso.
"ANO BANG GINAWA KONG MASAMA SAYO AT GANITO ANG GINAGAWA MO SAKIN?! PAPAINUMIN MO PA AKO NG DISHWASHING LIQUID?! ANONG KLASE KA?!" Galit kong sabi sakanya. "WALA KA BANG KONSENSYA?! PAANO PAG NAMATAY AKO? ANO? TATAWA KA PA?! HINDI KO ALAM KUNG KAMPON KA NG DEMONYO O ANO!"
"Anong nangyayari dito?!" Sumulpot si mama mula sa kusina.
"Etong Arizella na ito ma. May masamang balak kay Farfalla." Sabi ni kuya Zild. "Mama pwede ba kahit hindi mo anak yan, disiplinahin mo. Parang di edukado."
"Inaano ka ba ni Farfalla, Arizella? Sana naman matuto kang rumespeto!" Galit na sabi ni mama.
"I'm not doing anyt---" Naputol na naman ang sasabihin ni Arizella nung sinampal siya ni tita Aimee.
"Walang ginagawang mali sayo ang pamangkin ko! O kung meron man, hindi mo siya kailangan painumin ng blueberry smoothie na may dishwashing liquid!" Galit na galit na sabi ni tita Aimee. "Kapag nawala ang pamangkin kong yan, hindi mo alam ilang luha ang ibubuhos ko. Parang anak ko na rin siya! Kaya kapag may nangyaring masama sakanya di ako magdadalawang isip na i-donate ka sa mental! Kasi para kang may tama kung gagawin mo yun!"
"Mahal, kalma. Yung baby natin." Sabi ni tito Badj. "Mas mabuti siguro kung umalis na tayo dito. Sa Chowking na lang tayo kumain."
"Tara na." Sabi ni kuya Gelo.
"Nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa maarteng ito. Makinis, maputi, pero maitim ang kili-kili. Bwisit. Tara, Chowking kaysa makasama ko mag-hapunan itong babaeng ito." Sabi ni Unique. Buti na lang talaga andiyan si Unique. Kundi, ewan ko nasaan na ako ngayon.
"Bago kami umalis, gusto ko lang sabihin sayo ito Arizella." Medyo inis na sabi ni kuya Blaster. "Alam ko bakit masama ang intensyon mo sa minamahal ko. Alam ko ang dahilan. Nararamdaman kong may gusto sakin yung bes mo si Crystal. Kaya siguro ginagawa mo ito para tulungan mo si Crystal kung paano ako makuha. Para sabihin ko sayo, wala siyang pag-asa sa akin. Si Farfalla lang ang aking mahal, minamahal, at patuloy na mamahalin."
------------------------
BLASTER's POV
Nasa Chowking na kami ngayon at hindi pa rin matanggal ang inis ko. Ang dami kasing tao na toxic. Ang dami kasing tao na gagawin ang lahat para makuha ang gusto nila. Kahit maling paraan, susunggaban nila makuha lang nila ang gusto nila.
"Unique, thank you." Dinig kong sabi ni Farfalla kay Unique na katapat niya.
"Walang anuman. Buti nga nakita ko." Sabi ni Unique. Pasalamat ako rito kay Unique kasi talaga siya yung pumigil na inumin ni Farfalla yung blueberry smoothie.
"Salamat Unique. Kung nainom ni Farfalla yung blueberry smoothie, wala na akong baby ngayon." Sabi ko at pinalo ako ni Farfalla sa braso.
"Baby ka diyan!" Sabi niya at tumawa. Tinatawag ko siyang baby kasi nga simula nung nabasa ko yung sa Psychology na nakakawala ng stress sa babae ang pagtawag mo sakanila ng baby.
"Kain na! Ayan na yung mga Chao Fan natin." Sabi ni tita Aimee. "Kalimutan niyo na yung kanina."
Inabot ko kay Farfalla yung milktea niya at Chao Fan na ang topping ay siomai.
"Farfalla, teka lang. Huwag ka munang kumain."
"Bakit kuya Blaster?"
"Baka may dishwashing liquid. Maganda na yung sigurado. Kapag may nangyaring masama sayo Farfalla, hindi ko din mapapatawad ang sarili ko. Pinapangako ko sayo, I will protect you."

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...