KABANATA SIXTY
[ Classmate ]
** AFTER 2 WEEKS **
---------------------------
FARFALLA's POV
Dalawang linggo na simula nung natapos ang kalbaryo na dinanas namin. Dalawang linggo na simula nung nalaman namin lahat na ang totoong Nikkoi ay si Unique.
Dalawang linggo na rin simula nung namatay sila mama at Arizella. Oo, namatay si mama. Dahil si Nico nakawala pa sa mga pulis at binaril si mama. Ngayon, inagaw ni Arizella kay Nico yung baril at nabaril si Arizella.
Bago mamatay si mama, sinabi niya sa amin na mahal na mahal niya kami ni kuya Zild.
Si Nico, nasa mental hospital na. Si Crystal, hindi na namin siya pinakulong dahil nagmakaawa ang mga magulang niya sa amin.
Dalawang linggo na simula nung ma-comatose si Nikkoi. Si Unique. Hanggang ngayon, di pa rin siya gumigising. Nahulog siya sa bangin at ang ulo niya, tumama sa bato.
Hindi pa alam kung may amnesia si Nikkoi o wala. Hindi pa nga kami nag-kakausap ng maayos eh.
Ngayon, ako ang nagbabantay sakanya. Dahil parehong may trabaho ang magulang niya. Tapos ang IV OF SPADES, sila tito Badj, kuya Blaster, at kuya Zild, may gig kahit wala si Unique.
Sinabi ko noon kay kuya Blaster na mahal ko na siya pero ngayon, naguguluhan pa rin ako. Papano si Nikkoi? Naaalala ko yung sinabi niya sa akin nung mga bata pa kami. Na liligawan niya daw ako, pagtanda namin. Alam na namin ang totoo, na kami ang magkababata. Paano na? Kapag pinili ko si Nikkoi, masasaktan si kuya Blaster. Kapag pinili ko si Kuya Blaster, masasaktan si Nikkoi.
Gulong-gulo pa rin ang puso at isip ko.
"Nikkoi, ang hirap mag-desisyon." Sabi ko sa natutulog na Unique. "Ayaw ko na masaktan kayo ni kuya Blaster pero paano? Saan ako lulugar? Sino pipiliin ko? Sobrang hirap."
Napatigil ako sa pagsasalita nung may kumatok at pumasok na nurse.
"Checheck ko lang ang lagay ni Unique, Farfalla." Sabi ng nurse. Kilala niya ako?
"You know me po?" Tanong ko.
"Oo, ikaw yung pinakilala ni Blaster sa isang gig diba?" Sabi niya. "Ako si Erika."
"Yung nangamusta kay Unique?"
"Ako nga. Alam mo bang matagal na kaming magkakilala ni Unique pero sadyang di niya lang siguro ako maalala noon."
"Sino ka ba?"
"Classmates kami ni Unique ng high school. Kaso nga drop-out siya kaya di na nakapag-Senior high. Magkasing edad lang kami."
"Paano ka naging nurse ng maaga?"
"Intern palang ako."
Classmate pala ito ni Unique, ni Nikkoi. May bigla lang akong naisip. May dahilan bakit nakilala ko itong classmate ni Nikkoi. Hindi lang basta-basta dahil sa pagtingin niya kay Unique. Kundi, may iba siyang purpose.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...