Kabanata 36

82 4 0
                                    

KABANATA THIRTY-SIX

[ Home ]

------------------------------

FARFALLA's POV

Magaling na ako. Pinagaling na ako ni Lord kaya ngayon, nandito na kami sa bahay.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, si kuya Zild bitbit niya ang mga gamit ko.

Kasama si mama. Andito rin siya.

"Farfalla anak, ayaw mo bang tumira sa amin? Para mas maalagaan kita?"

Nagulat ako sa tanong ni mama. Kung sa ospital nga di niya na-alagaan, sa bahay pa kaya niya na may ibang pamilya.

"Mas gusto ko dito, mama. Sorry pero this is home. My home." Sabi ko.

"Pero anak--" Pinutol ni kuya Zild ang sinabi niya.

"Mama, hayaan niyo muna si Farfalla. Ako na lang mag-aalaga sakanya. Hindi mo siya matututukan doon, mama. Kasi may iba ka pang mga anak. Lalo na yung isa, iba ang ugali. Dito na lang si Farfalla. This is her home. Our home." Sabi ni kuya Zild.

Nagpaalam na si mama at umalis. Sana man lang, siya na lang yung tumira dito kahit isang linggo lang. Hindi naman pwedeng ako ang maga-adjust.

"Kuya, iiglip muna ako." Sabi ko kay Kuya Zild. "Tutal 2:00 pa naman."

"O sige." Sabi ni kuya Zild.

Ang totoo niyan, hindi naman ako iiglip eh. Aalahanin ko lang yung panaginip ko nung nasa ospital ako. Kaya siguro mahaba ang tulog ko kasi mahaba ang panaginip ko.

Yung panaginip ko nagsimula nung nilagyan nila ako ng oxygen, kasi hindi ko na namulat ang mga mata ko magmula doon.

Sa panaginip ko, may simbahan. Akala ko may misa o magvivisit lang. Pero hindi. Nagulat ako dahil naka-white akong wedding gown.

Ikakasal na pala ako. Si mama at tito Badj ang maghahatid sa akin papunta sa altar. Papunta doon sa groom ko. Nung maglalakad na ako papunta sa altar ang tanging mukha na nakikita ko ay mukha ni kuya Zild na best man. Hindi ko alam bakit hindi ko makita ang mukha ni kuya Blaster at Unique.

Kaya hindi ko alam anong itsura o sino sakanila ang papakasalan ko.

Nung nandoon na ako sa tabi ng groom ko, bigla niya akong kinausap. "Farfalla, hindi pa nagsisimula ang seremonya, pero gusto kong sabihin sayo ito. I, Nikkoi, take you as my lawfully wedded wife."

Ikinasal ako kay Nikkoi, pero hindi talaga pinapakita sa panaginip ko ang mukha ng groom ko. Basta ang pangalan lang ng groom ang nabanggit. Nikkoi nga. Hindi ko nga din alam kung si Nico yun or what.

Natapos ang panaginip ko sa labas ng simbahan nung hinagis ko ang bulaklak at si Shanne ang sumalo. Sakto, katabi niya noon si kuya Zild. Kaya siguro nung paggising ko, sila ni kuya Zild ang nag-uusap.

Hindi ko alam kung bakit walang itsura si Nikkoi sa panaginip ko. Nung bata pa kami, may itsura siya. Pero bakit nung ikakasal kami, wala siyang itsura sa panaginip ko.

Dahil ba hindi naman totoo ang panaginip? O dahil ba kailangan kong malaman kung ano talaga ang mukha ni Nikkoi? Kung siya ba si Nico o ibang tao?

Hay nako.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon