Kabanata 43

79 3 5
                                    

KABANATA FORTY-THREE

[ Samahan ]

---------------------

BLASTER's POV

Pagsakay ko sa kotse ko, nagrereplay lagi sa utak ko yung sinabi ni Arizella kay Crystal.


"Seems like wala  kang pag-asa kay Blaster."

"Oo nga bes."

"Don't worry, Crystal. I'll help you. I'll help you get him, no matter what."


Hindi ko alam bakit may mga taong ganyan. Yung may mahal ka na ngang iba, naghahabol pa. Gustong-gusto nilang sinasaktan mga sarili nila.

Sige, gawin ni Arizella ng makakaya niya, gagawin ko din ang makakaya ko. Hindi ako magpapatinag. Loyal ako kay Farfalla. Hindi ko siya ipagpapalit. Kahit matagal pa bago maging kami, I'll be here patiently waiting. Sabi ko nga, kahit pumuti ang uwak o mag-snow sa Pilipinas kung doon niya palang ako sasagutin, ayos na ayos lang. Kasi worth it naman.

Pupunta ako ng 7/11 ngayon. Syempre bibilhan ng doughnut si Farfalla. Tapos with matching slurpee. Yun nga lang, baka matunaw. Siguro doughnut na lang tsaka Mogu-Mogu.


Pagdating ko sa 7/11, agad kong nakita si Crystal na nakaupo at nagkakape.

"Hi, Blaster. Ikaw pala." Sabi niya sa akin with a smile. Lord, ilayo niyo po ako dito.

"Hi Crystal." Bati ko sakanya at naglakad ng konti palayo.

Akala ko tatawagin niya pa ako pero buti na lang hindi na.

Nung nabayaran ko na yung doughnut at mogu-mogu ng aking Farfalla, lalabas na sana ako kaso...

"Blaster, dito ka muna o. Samahan mo ako."

"Samahan kita?"

"Oo. Gusto kasi ng kausap."

Kausap lang naman diba? Blaster, cage your heart. Nilock na yan ni Farfalla. Sira ulo ka kapag nahulog ka sa bitag ng Crystal na yan.

"Sige." Sabi ko at tumabi sakanya. "Ano pag-uusapan natin?"

"Alam mo ang swerte siguro sayo nung nililigawan mo." Sabi niya sakin.

"Actually, ako ang swerte sakanya."

"Sana all may katulad mo." Tapos hiniga niya ang ulo niya sa balikat ko?! Ay siopao na tuyo! Bakit ganito?! Ang alam ko, sasamahan ko lang siya pero hindi siya dapat humiga sa balikat ko.

Paano ako lulusot nito?

Alam ko na! Pasimple kong hinugot ang cellphone ko sa bulsa ko at kunwari ipapatunog ko na may tumatawag sakin.

Nung tumunog..

"May tumatawag." Sabi ko at inalis niya ang ulo niya sa balikat ko. Kahit wala akong kausap dapat lumitaw na meron. "Hello, Farfalla?"
Kunwari syempre may sumasagot.

"Magbobonding tayo ulit? Barbeque night?" Tanong ko palusot. "Kung hindi barbeque night eh ano?"

"Ahhhh! Movie marathon? O sige. Hintayin niyo ako diyan." Binaba ko ang cellphone at nag-paalam kay Crystal.

"Crystal, kailangan ko ng umalis. May bonding daw kami sa bahay nila Zild."

"Ah ganoon ba? O sige. Ingat ka. Sana samahan mo ako ulit next time."

Sana wala ng next time.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon