Kabanata 41

88 3 0
                                    

KABANATA FORTY-ONE

[ Chicken Nuggets ]

---------------------

FARFALLA's POV

"BAT ANDAMI NINYONG BINILING DAMIT? NAUUBUSAN NA BA KAYO?" Tawang-tawang tanong ni tito Badj. Kasi kakauwi lang namin. Pagdating namin sa bahay, bumungad sa amin sa sala ang IV OF SPADES.

"Bakit ba, Badj?! Masama bang bumili ng damit?! Tsaka binilhan ko ng marami si Farfalla kasi love ko siya." Sabi ni tita Aimee. Naninibago talaga ako sakanya.

"So ako dito mo ako love?" Tanong ni tito Badj.

"Love kita!" Sabi ni tita Aimee.

"Uy, my loves akin na nga yang mga paper bag mo. Andami-dami eh." Sabi ni kuya Blaster at inabot ko naman sakanya. "Ang ganda mo."

"Mambobola." Sabi ko sakanya.

"No, I'm not mambobola. I'm telling the truth kaya." Sabi ni kuya Blaster at tumawa na lang kami.

"Buksan na natin itong pizza." Sabi ni kuya Zild. Kasi pinang-take out namin sila ni tita Aimee.

Kanina sa mall, pagkatapos naming mag-shopping ni tita Aimee, nagpaspa kami. Mani/pedi. Next time daw, papaayos kami ng buhok.

Buti pa si tita Aimee, kahit araw-araw ko siyang nakakasama, nakikipag-bonding parin siya sa akin.

Samantalang si mama... matagal na niya nga kaming nakasama ni kuya Zild, hindi man lang siya makipag-bond sa amin. Nung na-ospital ako, di siya yung nag-alaga sakin.

Oo, alam ko mama ko pa rin siya pero kasi may kirot dito sa puso ko. Sa iba niyang mga anak, kaya niya silang samahan o alagaan. Samantalang kami na tunay niyang mga anak, wala siyang time para sa amin. Ni hindi nga siya nag-stay sa piling namin.

"May naalala na naman ako." Sambit ni Unique at bumaling kami sakanya.

"Ano yun?" Tanong ni kuya Blaster. "Yung kababata mo yan noh?"

"Oo. Naaalala ko nun kapag may espesyal na okasyon, sasabihan ko siyang cute. Tas sasabihan niya akong mambobola." Kwento ni Unique.

"Mahahanap mo rin siya, pare." Sabi ni kuya Zild. "Tiwala lang."










Dito natulog ang IV OF SPADES, doon sila sa kwarto ni kuya Zild. Pero syempre si tito Badj sinamahan niya si tita Aimee sa kwarto nila.

Kaya hanggang ngayong tanghali, andito sila kuya Blaster at Unique. Hinihintay lang namin na dumating si tito Badj at tita Aimee kasi bumili sila ng McDo. Yun yung pananghalian namin.

"Farfalla, kanino mo gustong ikasal?" Tanong ni kuya Blaster sa akin.

"Kung sa pari o sa mayor?" Tanong ko. "Edi sa pari."

"Ouch naman." Sabi niya. "Akala ko sa akin." At binatukan siya ni Zild.

"Ang bata bata pa niyang kapatid ko, kasal agad sinasabi mo sakanya." Sabi ni kuya Zild.

"Sorry naman, honeybunch. Gusto ko lang naman ipaalam sa wifey ay joke kay Farfalla na siya yung gusto kong makasama in the future." Sabi ni kuya Blaster. Aba. Planado na ata future niya.

"Ako yung kinikilig sayo Ter eh." Sabi ni Unique at tumawa naman kami. Habang nag-uusap usap kami, may mga kumatok na sa gate namin, si tita Aimee naririnig ko na yung boses niya.  at agad itong binuksan ni kuya Zild.

"FARFALLA! MAY DALA AKONG CHICKEN FILLET FOR YOU!" Rinig ko si Tita Aimee.

"TAPOS DALAWA PA! HINDI LANG ISA! BECAUSE I KNOW ITS YOUR FAVORITE!" Masaya niya pang sabi. Si Tita Aimee talaga.



Andito na  si tita Aimee at Tito Badj. Pero nagtataka ako....

Andito si mama?!

"Mama?" Tanong ko.

"Hello, anak." Sabi niya sakin. "Bumisita lang ako dito. Para ibigay sayo ang binili kong chicken nuggets. Diba favorite mo yun mula sa McDo?"

Sa pagkakaalam ko ang talagang paborito ko mula sa McDo ay chicken fillet. Simula bata pa ako, yun ang pinapabili ko sa McDo. Kapag hindi ako binilhan ng chicken fillet, iiyak ako.

"Chicken fillet ang favorite ni Farfalla. Eto nga o, binilhan ko siya ng dalawang chicken fillet." Sabi ni tita Aimee.

"Chicken fillet ba ang paborito mo mula sa McDo, anak?"

"Opo ma. Buti pa si tita Aimee alam niya. Samantalang kayo, mama ko kayo pero nakalimot na yata kayo."

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon