Kabanata 25

136 7 6
                                    

KABANATA TWENTY-FIVE

[ Sasama ]

------------------------------

FARFALLA'S POV

Lumipas ang mga araw, wala na naman pasok. Friday na naman. Hindi ko alam bakit wala kaming pasok ngayong Friday. Next week na ang Sportsfest namin pero buti na lang walang Saturday practice.

Paggising ko agad kong chineck ang phone ko. Meron akong text messages from Nico and Kuya Blaster.

Kuya Blaster: Hello, Farfalla. Good morning! Rise & shine☀️ May gagawin ka ba? Kung wala pwede ba tayo lumabas?

Tas yung kay Nico.

Nico: Farfalla. Pwede ba tayong mag-usap? Sa Starbucks kung available ka.

Hala! Kanino ako sasama? Jusko naman. Ang hirap naman nito. Ah alam ko na paano ko malalaman kung kanino ako sasama! Hihingi ako ng sign kay God.

God, kapag po umulan mamayang tanghaling tapat, sasama po ako kay kuya Blaster. Yung sobrang lakas. Pero kapag lumintik lang po, kay Nico.

Mamaya ko na lang sila rereplayan kapag nakita ko na yung sign.

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Tita Aimee sa kusina, hinahanda yung mga pinalengke niya.

"Tita Aimee, namalengke po pala kayo. Bat di niyo po ako ginising? Para sana natulungan ko kayo." Sabi ko.

"Ay hindi na. Ayaw ko naman na istorbohin ka. Tulungan mo na lang ako magluto ng almusal para paggising nila Tito Badj mo at Kuya Zild may almusal na."

"Sige po tita."

Nagluto kami ni tita Aimee ng almusal at pagtapos habang hinihintay sila tito Badj at Kuya Zild nag-cellphone muna ako.

At habang nagi-Instagram ako, may nakita akong post ni Teigan. Isang babae na nakatalikod tapos kulot?
Kabuhok ni Shanne pero hindi ko alam kung si Shanne yun. Imposible naman na si Arizella yun kasi di siya kulot.

Bakit nagpost si Teigan ng ibang babae? Wala na ba sila ni Arizella? Hays, never mind.





Tanghali na at sobrang init. Sa bintana sa sala, kitang kita ko ang sinag ng araw. God, yung sign po please.

"Farfalla, bat hindi ka makapakali diyan? May hinihintay ka ba? Silip ka ng silip sa bintana." Sabi ni kuya Zild.

"Hinihintay ko lang umulan ng malakas o lumintik." Sagot ko.

"Bakit naman, pamangkin?" Tanong ni tito Badj.

"Kasi po kanina, nag text po si kuya Blaster at Nico. Niyayaya nila akong lumabas. Eh hindi ko alam kanino ako sasama. Kaya humingi ako ng sign kay God. Kapag umulan ng malakas ngayong tanghaling tapat sasama ako kay kuya Blaster. Pero kapag lumintik, kay Nico." Paliwanag ko.

"Ang ganda kasi ng pamangkin ko yan tuloy maraming nagdadate sakanya." Biro ni tita Aimee.

"Mana sayo tita, hahahahahaa."
Sabi ko at tumawa kaming lahat. Kapag kaming apat, nagtatawanan, pakiramdam ko lagi buo yung pamilya ko kahit hindi.

"Hoy Farfalla, baka mamaya may sinagot ka na sa isa sakanila eh." Sabi ni Kuya Zild. "Nakabantay ako sayo."

"Kuya Zild, paano ko naman sila sasagutin. Si kuya Blaster, sandali pa lang nanliligaw. Si Nico, hindi naman ako tinatanong kung pwede siya manligaw. Kaya nga ako mismo, nangingilatis din." Sabi ko naman.

"Very good." Sabi ni kuya Zild.

Bago ako maligo, hinihintay ko pa rin yung sign. Nasa sofa ako ngayon, nakadungaw sa bintana.

Tagpuan ni Bathala || IVOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon