KABANATA FORTY-SIX
[ Fried Chicken Malutong ]
---------------------------
UNIQUE's POV
Nandito na kami ngayon sa sasakyan, uuwi na kami. Magtatagal pa sana kami dito sa Batangas, kaso may gig kaming IV OF SPADES sa Manila.
Yung pwesto namin, ayun yung parang dati parin.
Pag-andar ng sasakyan, biglang may tinanong sa akin si Blaster.
"Unique, nung hinabol mo si Arizella hanggang saan kayo umabot?" Tanong ni Blaster sa akin.
"Umabot kami hanggang doon sa dagat. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Akala yata nila mag-shota kami." Sagot ko.
Yung Arizella na yun, ayaw ko yung ugali. Nakakainis. Ang arte arte. Akala mo naman saksakan ng ganda, puti, at kakinisan. Ang itim naman ng kili-kili.
"Baka madevelop ka doon." Sabi ni Zild at napatawa na lang ako.
"Bahala siya sa buhay niya! Alam niyo ba may na-diskubre ako sa kapatid kuno ni Farfalla." Sambit ko.
"Ano naman yung na-discover mo sakanya, Unique?" Tanong ni Farfalla.
"Maitim ang kili-kili niya." Sagot ko at tumawa silang lahat.
"Seryoso ka ba diyan, Unique? Diba makinis at maputi siya?" Tanong ni Shanne.
"Seryoso ako. Gusto niyo i-kwento ko pa paano ko na-discover." Sabi ko. "Kasi ganito yun, diba naghabulan kami tapos inaagaw niya sa akin yung lotion kasi balak niyang gantihan ako. Ngayon tinaas ko mga kamay ko para hindi niya maabot yung lotion. Aba! Tinaas niya din mga kamay niya, aba talaga mga b! Nagulat ako kasi maitim talaga ang kili-kili niya."
"Ibig sabihin niyan, wala talagang taong perfect." Sabi ni tita Aimee.
"Alam ko naman po yun, tita. Kaso po nagulat ako kasi on the outside, makinis and maputi. Tas may black forest pala." Sabi ko. Si Farfalla, yung hagikgik niya grabe.
"Makinis, maputi yung step-ate ni Goldie pero may itim na tinatago? Shanti Doooope." Sabi ni Gelo at alam ko ibig niyang sabihin.
"Unique, baka mamaya kapag pumuti kili-kili nun, who you ka sakanya." Sabi ni tito Badj.
"Kaso mas importante kung puputi muna budhi niya." Sabi naman ni Blaster.
"Sikretong malupeeet, pwedeng pabulong..." Pagkanta ni Gelo.
"Hoy, huwag ninyong itutuloy yung kantang yan, ano ba." Sermon ni tito Badj.
"Eh hindi naman po namin babanggitin yung ano," Sabi ko. "Makinis, maputi siya pero bat ganoon..."
"Mapapamur— Ay nagmumura. Bawal pala magmura." Sabi ni Blaster.
"Mapapaluto ka ng fried chicken malutong." Sabi naman ni Farfalla at doon kami natawa.
"Bestie, anong klaseng lyrics yun?" Tanong ni Shanne.
"Pang-golden buzzer na lyrics. Kesa naman yung mapapamura ng malutong. Edi magluto ka na lang ng fried chicken malutong, nabusog ka pa." Sabi ni Farfalla.
Oo nga naman. May punto si Farfalla.
"Gusto ko tuloy ng fried chicken." Sabi ni Blaster. "Lalo na yung fried chicken ng Jabee with matching basang burger."
"Wow! Fried chicken malutong."
"Magdahan-dahan ka sa pagkain mo. Baka mabulunan ka."
"Oo, Nikkoi. Dahan-dahan lang akong kakain ng fried chicken malutong. Kaya gustong-gusto ko din pumupunta dito sa inyo kasi masharap yung fried chicken."
"Unique, gising ka na. Nandito na tayo sa Jollibee." Sabi ni Blaster at dinilat ko na ang mga mata ko.
Fried chicken malutong. Sinabi iyon ni Farfalla kanina. Tapos sa panaginip ko, sinabi iyon ng kababata ko. Bakit parang sa mga panaginip ko, lahat ng kilos ni Farfalla, ginagawa nung kababata ko. May kambal ba si Farfalla na baka yung kambal niyang yun, yun yung kababata ko? O baka si Farfalla talaga? Hindi ko na rin alam.

BINABASA MO ANG
Tagpuan ni Bathala || IVOS
Fanfiction"Love comes in a way you least expect it." Ang LOVE, it is always unexpected. Lalo na kung natagpuan mo ang iyong "the one" sa hindi inaasahang lugar. Pwedeng sa jeep, sa kanto, sa mall, sa resort, sa kainan, sa school... kahit saan. Parang si Farf...